Chapter 2

1105 Words
“Excuse me!” Naglalakad si Jeff ng mga oras na iyon patungo sa classroom nila, nang may magsalita sa kaniyang likuran.  Huminto siya upang lingunin ang babaeng nagsalita sa kaniyang likuran. Handa na niyang pagsungitan ang babae, ngunit tila nalunok niya ang kaniyang dila nang makita ang magandang mukha ng babaeng ngayon ay kaharap na niya. She has the most expressive eyes, malantik ang mga pilik mata, full lips, may malalalim na biloy sa magkabilang pisngi, morena, at tantiya niya ay nasa five feet four inches ang height nito. Hindi niya magawang sungitan ang babaeng nakangiti na ngayon sa kaniyang harapan. “Ahm, I just want to ask something. I’m new here, and I don’t know kasi kung saan ito.” Inabot pa nito sa kaniya ang papel na hawak nito.  Tumikhim muna siya saka inabot ang papel. Hindi niya maintindihan ang sarili at tila nawawala siya sa kaniyang katinuan. Abnormal din ang pagtibok ng kaniyang puso. Huminga siya nang malalim bago nagsalita, “Alam ko kung saan ito. Transferee ka ba rito, at ito ang section mo?” kalmadong tanong niya rito. Kahit pa halos marinig na niya ang t***k ng kaniyang puso. “Oo eh. Ahm, puwede mo ba akong samahan diyan?” tila nagmamakaawa ang maamo nitong mukha. “S-sige. Sumabay ka na sa akin. Doon din kasi ang classroom ko, classmate.” Isang tipid na ngiti pa ang ibinigay niya rito. Si Jeffrey Santos, ngumiti! “Thank you! Oh, I’m Kristine nga pala. Kristine Alipao. Ikaw anong pangalan mo?” tanong nito sa kaniya habang naglalakad sila. “Jeff, Jeffrey Santos,” matipid namang sagot niya saka sila nagpatuloy na sa kanilang paglalakad. ‘Ang gwapo naman this guy!’ bulong ni Kristine sa kaniyang isip habang sinasabayan ito sa paglalakad. Transferee siya from other school. Mas gusto niyang lumipat dito sa SNA dahil malapit lang ang school na ito, sa bahay ng kaniyang abuela. Gusto niya kasing makasama ang kaniyang abuela, habang nilalakad pa ang petition sa kaniya patungong Amerika. Saka isa pa maganda ang mga reviews sa school na ito. Plus curious siya sa mga sabi-sabing madaming guwapo sa paaralang ito. Mukhang hindi naman siya nagkamali. Unang araw pa lang niya ay may nakita na agad siyang guwapo, at kasabay pa niya ngayong naglalakad. ‘Kaso ang tahimik naman niya. Mukha pang suplado.’ Tiningala niya ito upang makita nang maayos ang mukha ng lalake. Hindi tuloy niya nakita ang nakausling bato sa kaniyang nilalakaran. Natalisod tuloy siya, at muntik nang masubsob sa sementadong daan. Mabuti na lang at naging maagap si Jeff sa paghawak sa kaniyang braso. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang init na dulot nang pagkakahawak ni Jeff sa kaniya. “Okay ka lang ba? Tingin ka kasi sa dinaraanan mo,” salubong ang kilay na tanong nito sa kaniya. “Oo. Sorry, hindi ko lang napansin iyong nakausling bato,” sagot na lang niya rito, sabay bawi sa kaniyang braso na hawak pa rin pala ni Jeff. Binitawan naman na siya nito saka muli silang naglakad. Tumingin na nga lang din siya sa nilalakaran niya, dahil baka madapa na siya sa susunod. ‘Ang suplado naman niya. Pero okay lang guwapo naman siya eh. Saka it’s my fault naman eh,’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. Nang makarating sila sa kanilang classroom, agad na pinaupo ni Jeff si Kristine sa katabing upuan niya. Hindi rin niya alam, pero iyon agad ang naisip niyang gawin eh. Unti-unti na ring nagiging normal ang pagtibok ng kaniyang puso. Habang naglalakad sila kanina, hindi siya makapagsalita. Ang bilis kasi nang pagkabog ng kaniyang puso, kaya hindi na lang siya umimik. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin niya rito. Kaya nang matisod ito, nag-alala siya. Pero mukhang nasungitan din niya ito, nang sabihan niya itong tumingin sa nilalakaran nito.  ‘Sana hindi siya na-turn off sa akin,’ sambit pa niya sa kaniyang sarili. Tahimik lang sa kaniyang tabi si Kristine habang nagbabasa ito ng libro. Lihim niyang tinititigan ito, at kapag napapalingon ito sa gawi niya, ay agad siyang bumabaling sa ibang direksiyon. Maya-maya pa’y magkakasunod nang dumating ang kaniyang mga kaibigan. Dahan-dahan pang naglakad ang mga ito palapit sa kaniya nang makitang may katabi siyang babae. Tumikhim siya bago magsalita. Uunahan na niya ang mga ito bago pa kung anong masabi nila Rex at Marc. “Ahm, Kristine, sila nga pala ang mga kaibigan ko, na classmate natin.” Isa-isa namang kumaway ang mga ito at nakipagkamay. “Chino.” Pakilala nito na nginitian naman ni kristine. “Lester.” Sabay kaway kay Kristine. “Rex.” Sabay abot ng kamay kay Kristine. “Marc.” Sabay kindat nito na palihim niyang sinipa. “Uyyy, possessive!” sabi pa nito na pinandilatan naman ni Jeff. “Hello. Ang guguwapo niyo naman,” sabi ni Kristine na agad ikinangisi nila Rex at Marc. “Aherm, maliit na bagay Kristine,” pa-cute pang sabi ni Marc.  Kunwa’y nagkamot ng ulo si Lester, pero ang totoo ay target nito ang ulo ni Marc. Nagtagumpay naman ito kaya lihim siyang napangiti sa ginawa ng kaibigan. Nahimas na lang tuloy ni Marc ang kaniyang ulo. “Ahm, pasensiya ka na kay Marc. Palabiro lang talaga iyan,” saad naman niya kay Kristine na nakangiti pa rin magpahanggang ngayon. “Okay lang. Ang cute nga eh.” Tila aliw na aliw naman ito kay Marc na ikinaseryoso niya. “Mga ‘tol, iyong coming soon, now showing na yata. Mapapanood na rin natin sa wakas!” Napalingon pa siya kay Marc na ngayon ay nakangisi sa tabi ni Rex. Nag-appear pa ang dalawa saka nakangising bumaling sa kaniya. “Oo nga ‘no? Hmmm, may aabangan na tayo. Mukhang mababago ang ihip ng hangin,” segunda naman ni Rex. “Kayong dalawa, umupo na nga kayo at magsitigil kayo sa kalokohan ninyo!” saway na lang ni Lester saka umupo na sa puwesto nito. Aapela pa sana si Rex nang hilahin ito ni Chino paupo. Gayon din ang ginawa ni Lester kay Marc, na ngingiti-ngiti sa kaniya. Tila sinasabi nitong; ‘ayan na iyong sinasabi ko sa iyo.’ Ipinilig niya ang kaniyang ulo saka bumaling kay Kristine. “Sana hindi ka nakulitan sa mga kaibigan ko,” sabi pa niya sa dalaga. “No. Actually, I like your friends. Mukha silang mababait.” Nginitian pa siya nito. ‘Iyang ngiti mong iyan, diyan yata ako nabibighani. Mukhang gusto na kita,’ ani Jeff sa kaniyang sarili.  For the first time ang supladong si Jeffrey ay mukhang umiibig na nga. Mukhang magkakatotoo na iyong sinabi ni Marc noong nakaraan lang. Ito na ba iyong magiging katapat niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD