Araw ng liga... Tahimik na nakaupo si Jeff sa harapang bahagi ng court, kung saan gaganapin ang paliga ngayong taon. At dahil siya ang Barangay Captain ng kanilang barangay, isa siya sa mga nangunguna sa mga ganitong patimpalak. Tahimik siyang nagmamasid sa paligid ng court habang hinihintay ang pagbubukas ng palaro. Nagpapalinga-linga pa siya nang biglang may mahagip ang kaniyang paningin na isang babae, ‘di kalayuan mula sa kaniyang kinauupuan. Ilang beses siyang kumurap-kurap upang makasigurong hindi siya namamalik-mata lang. Kinusot pa niya ang kaniyang mga mata saka muling tumingin sa babaeng naglalakad. Bigla ang pagbilis nang pagtahip ng kaniyang puso, nang makita ang magandang mukha ng nag-iisang babaeng nagmamay-ari nito. Agad siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at mab

