Year 1992.
Sa Isang malayong probinsya sa Visayas, ipinanganak at lumaki Ang pritong taong gulang na batang si Angel. Si Angel ay panganay sa limang magkakapatid. Isang umaga.
"Angel,gising na at kumain ng almusal". mama Anna (nanay ni Angel)
" opo Ma" sagot ni Angel
Bumangon na si Angel at niligpit Ang higaan nya. Pagkatapos magligpit pumunta sa banyo at ginawa Ang morning routine.
Pagkatapos dumiretso n sa hapag kainan at kumain ng almusal.
"Angel,Pagkatapos mo kumain nang almusal magpahinga ka at magwalis sa bakuran". Mama Anna
" opo ma" sagot ng batang si Angel
Habang nagwawalis tinawag si Angel ng mga pinsan at niyaya maglaro.
"Psst. Angel,laro tayo ng tumbang preso" Ani Belle pinsan ni Angel
" uy Belle. Mamaya na lang may inuutos pa si Mama. " Angel
" Sige. Tulungan na kita para mabilis ka makatapos at ipag paalam na din kita Kay tita na maglalaro tayo." Belle
Sakto lumabas Ang mama ni Angel.Mabilis na nilapitan ni Belle Ang tita Anna nya.
'tita,pwede ko Po ba ipagpaalam si Angel na maglalaro lang kami ng tumbang preso Dito sa bakuran nyo?" belle
" Sige,mamayang hapon kayo maglaro ng mga pinsan nyo ni Angel para hindi na mainit sa balat Ang sikat ng araw."mama Anna
" salamat Po Tita" Belle
" angel,pinayagan ka na ni tita na maglaro tayo mamayang hapon" Belle
" yehey. sige.pero kailangan maligo muna tayo at matulog Pagkatapos ng tanghalian" angel
" oo" belle
Kinahapunan.
Tuwang tuwa si Angel habang masayang nakikipaglaro ng tumbang preso sa mga pinsan nya...
" angel, anak gabi na tumigil na kayo sa paglalaro"mama Anna
" opo" angel
"angel, tita,uuwi na Po kami.salamat Po" sabay sabay na paalam ng mga pinsan ni Angel.
Pumasok na si Angel sa bahay at naglinis ng katawan.
"Angel, anak tulungan mo ako maghain ng hapunan at ng makakain na tayo" mama Anna
"opo ma" angel
"nak,Pagkatapos mo pakitawagin mo na Ang mga Kapatid mo at ako na Ang tatawag sa papa nyo" mama anna
"opo" angel
Pagkatapos tulungan Ang nanay.lumabas na ng kusina si Angel at pinuntahan Ang mga kapatid sa kwarto.
"Abby, lumabas ka na sa kwarto kakain na tayo ng hapunan" angel
"opo ate,susunod na Po" Abby
kumatok man sa kanilang kwarto si Angel
" Julius,Vladimir at Jason, lumabas na din kayo sa kwarto at kakain na nang hapunan"angel
" opo ate" sabay sabay na sagot ng tatlo
Sabay sabay nang pumunta sa hapagkainan Ang magkakapatid.
Pagkatapos kumain tulong tulong din Silang magligpit ng mga pinagkainan at maghugas.
Araw ng lunes,balik eskwela na nman. Nasa unang baitang pa lamang ng elementarya si Angel.Oras na ng uwian dinaanan nya si Abby sa kinder para sabay na sila magkapatid umuwi.Naglalakad lang sila pauwi sa dahil nasa kanilang kanto lang naman Ang kanilang Bahay.
Pagdating ni Angel at Abby sa kanilang bahay agad na sila nagpalit nang damit at nag miryenda.Sabay na din gawa ng homework at review ng lesson.Ganun Ang daily routine nilang magkapatid.
One year after...
"Angel,anak Dito ka lng sa Bahay bantayan mo mga Kapatid mo.saka si tita Mila nyo muna makakasama nyo Dito" mama Anna
" Bakit po Ma?"angel
" si Abby kelangan namin dalhin sa ospital ng papa nyo. Namimilipit sa sakit ng tyan Ang Kapatid mo" mama Anna
" opo mama.sana Po makauwi din kayo kaagad at gumaling na si Abby" Angel
" sana nga anak" mama Anna
Kinagabihan,umuwi Ang Papa John nila Angel.Nagtataka sila bakit Hindi Kasama Ang mama nila at si Abby.
" pa,nasaan Po si mama at si Abby?" angel
" nasa ospital anak.kelangan kase iadmit ni Abby."papa John
" bakit po? Anu Po pa ang sakit ni Abby?" angel
" Malaman pa bukas anak.bukas pa lalabas Ang mga result ng laboratory nya" papa John
Kinabukasan
Pinatawag ng doctor Ang mag asawang John at Anna.
" Doc,Anu Po ba Ang sakit ng anak namin?" John
" Ikinalulungkot ko Po Sabihin na Yung anak nyo Po na si Abby merong Stage 2 intestinal tumor."doctor Marquez
" Po?huhuhu." Anna
" paano Po nagkaroon ng bukol sa bituka Ang anak ko?" John
" Base sa kanyang mga laboratory test results especially sa ultrasound na Meron na talaga syang bukol sa bituka nung pagkapanganak sa kanya.At ikinalulungkot ko pong Sabihin na sya pa lang Po Ang pinakaunang kaso ng ganyang cancer sa buong Mundo.Kaya Wala pa Po nadidiskubreng gamot Hanggang ngaun." Doctor Marquez
" huhuhu bakit Ang anak ko pa?"Anna
"kailangan na Po maoperahan ng anak ninyo sa lalong madaling panahon para hindi na Po kumalat Ang cancer cells sa kanyang katawan" doctor Marquez
" magkano Po Ang magagastos namin sa operasyon ni Abby?" John
" mga nasa 1.5milyon Po"doctor Marquez
" Sige Po doc maghahanap Po kami ng ganun kalaking pera para maoperahan na agad Ang aming anak"John
Lumabas na Ang mag asawa sa office no Doctor Marquez.Pagdating sa private room ni Abby Hindi mapigilan ng mag asawa na umiyak.hindi nila lubos maisip kung bakit Ang anak pa nila.Si John ay agad agad na umuwi ng Bahay nila para maghanap ng pera pampaopera ky Abby.
Nang makahanap si John ng sapat na salapi agad na isinailalim si Abby sa major operation.natanggal ng mga doctor lahat ng cancer cell. Napamahal na din si Abby sa mga doctor at nurses.Dinadalhan sya ng mga laruan,coloring books at pagkain.
After One month.nakaschedule na e discharge sa ospital si Abby.Inasikaso ng mag asawang John at Anna Ang hospital bill ni Abby..
"Miss, magkano Po Yung hospital bill ni Abby Diaz?" Anna
"750k Po Misis"nurse Jen
"hindi pa Po ba Kasama dun ung bayad sa surgeon"Anna
" Kasama na Po misis." nurse Jen
" bakit po kulang?"John
" ah in Po ba.ung 750k Po may discount pa Po yan.magiging 250k na lang Po."nurse Amy
" Po?bakit po?"Anna
" Yung surgeon,nurses,doctors at mga laboratory wala Po bayad" nurse Amy
" Napamahal na Po kase sa kanila si Abby.at pinakauna Po kaseng case na to sa buong Mundo" nurse Jen
"maraming maraming salamat Po talaga"John at Anna
After masettle ng hospital bill.naghanda na Ang mag asawa para sa paglabas ni Abby sa ospital nakapila sa lobby Ang lahat ng doctor,nurses,surgeon at staff ng ospital para ihatid si Abby sa sasakyan.
Tulak tulak ni John Ang wheelchair ni Abby.Nagpaalam at nagpasalamat sila sa lahat ng staff ng ospital.
Nag pasakay na si Abby sa sasakyan bigla na lng sya nagsuka at hinimatay.Lahat ng staff ng ospital nataranta na dinaluhan Ang mag asawang John at Anna habang yakap
si Abby.
Agad isinakay sa stretcher si Abby at
dinala sa emergency room. Nagsagawa din sila ng mga test. Pagkatapos ng Isang Oras lumabas na Ang result.Lumabas si Doctor Marquez sa Emergence Room at nilapitan Ang mag asawang Diaz.
"Doc,kumusta Po Ang anak namin?" Anna
"Hindi pa Po sya nagigising Misis.pero ibabalik Po muna sya ng staff nmin sa private room nya." Doc Marquez
" Anu Po ba Ang sanhi nang paghimatay nya Doc?"John
" Mr. & Mrs. Diaz sumunod Po kayo sa office ko" doc Marquez
" opo doc" John
sa loob ng office ni Doc Marquez
" Mr and Mrs Diaz,ikinalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na Ang cancer cell ng anak nyo mabilis Po na kumakalat sa buong katawan nya lalong Lalo na sa kanyang ulo..Hindi na Po sya nakakakita at nakakakilala." doctor Marquez
"Diyos ko Po.huhuhu"Anna and John
"ilang percent Po ba Ang chance na gagaling pa Ang anak namin" john
" tanging milagro lang Po Ang makakapagaling sa kanya." Doctor Marquez
Nanlumo Ang mag-asawang Diaz sa sinabi ng Doctor. Kawawa naman anak nila na si Abby.Isusuko na Lang nila Ang lahat sa Panginoon.May Plano Ang Diyos para sa kanila Lalo na sa anak nilang si Abby.
Masakit pa para sa kanilang mag-asawa Ang sitwasyon ng pangalawang anak na babae pero kelangan nila tanggapin nang bukal sa kalooban .Hindi sila pwedeng sumuko may apat pa Silang anak.