Kahit hirap man sa iniindang karamdaman patuloy pa din na lumalaban si Abby para sa mga magulang at mga Kapatid.
Ilang beses na sinubukan ng doctor na payagan na makalabas sa ospital si Abby.Pero palagi sya nahihimatay.
Kaya after One Month. Nilipat sa municipal hospital si Abby. Lalo kase lumalala Ang cancer nya.Lagi sya nagwawala dahil sa sobrang sakit.
Isang umaga, dumating Ang tita Mila nila Angel sa kanilang Bahay.
"Angel, Wala ka bang pasok Ngayon?" tita Mila
" wala Po tita.May seminar Po Yung mga teacher namin" Angel
" pwede bang pakihatiran ng almusal si mama Anna mo sa ospital. " tita Mila
" opo tita. para mabisita ko na din si Abby" Angel
.
" sige, mag asikaso kana. Maliligo lang ako sandali tapos susunod na din aKo sa ospital" tita Mila
" opo" Angel
Pagkatapos mag-asikaso dali dali ng kiinuha ni Angel Ng dadalhing almusal sa ospital. Nag abang sya ng motorbike sa labas ng Bahay nila at nagpahatid sa ospital.
Pagkababa sa ospital dumiretso na sya sa ward kung nasaan si Abby. naabutan pa nya na gising Ang mama Anna nya. Si Abby naman ay natutulog. Sobrang payat na ni Abby.
"ma, nandito na Po Ang almusal nyo. Kumain Po muna kayo". Angel
"Salamat anak. Mayamaya na ako kakain. Iidlip muna ako Wala pa naman akong tulog Mula kagabi sa pagbabantay sa kapatid mo. " Mama Anna
" Sige Po, ma" magalang na sagot ni Angel
"Ikaw na muna bahalang magbantay sa kapatid mo. Tawagin mo lang Ang doctor pag nagwala at sumigaw sya sa sobrang sakit. " Mama
" opo" Angel
Habang nakaidlip Ang mama Anna nila ni Abby nag ikot Ang pari at nag bendisyon sa mga pasyente.
Pag alis ng Pari mayamaya nagising si Abby. kinausap pa ni Angel Ang kapatid.. Nakikinig naman ito habang kinakausap kahit Hindi nya nakikita or nakikilala Ang kausap nya dahil sa pagkalat ng cancer sa kanyang utak.
Maya Maya sumuka ng kulay itim si Abby. At humiyaw sya ng napakalakas dahil sa sobrang sakit. Hindi alam ni Angel kung sino uunahing tawagin Ang doctor ba o Ang gisingin muna Ang mama Anna nila.
Ang bantay ng katabing pasyente sa ward Yun Ang tumawag sa doctor. Si Angel agad ginising si Mama Anna.
"Mama mama, si Abby sumuka ng kulay itim. Tapos humiyaw ng napakalakas" Angel
Agad na napabalikwas nang bangon si Mama Anna. At agad agad na tiningnan si Abby Ang itim na sinuka ni Abby Patay na dugo na pala Yun.
Dumating na Ang doctor at mga nurses agd nilang tiningnan si Abby humihina Ang kanyang pulse rate at nangingitim na sya. Umiiyak na kamo ni mama.
Maya Maya dumating na si Tita Mila, pinsan sya ni mama Anna at katuwang nya sa pagbabantay ky Abby sa ospital.
"time of death: 7:08am March 5,1990" deklara ng doctor
Pagsuka pa lang pala ni Abby nang kulay itim Yun na pala Yung huli.Iyak kami nang iyak ni mama at Tita Mila.Maya Maya sabi ni mama.
"Angel,anak umuwi ka sunduin mo si papa mo na pumunta Dito sa ospital kamo Wala na si Abby.huhuhuhu' mama Anna
" Abby anak, huhuhu " mama
" opo mama.huhuhu" angel
Dali daling lumabas ng ospital si Angel.Imbis na sumakay, naglakad na lang sya pauwi nang Bahay nila.Lahat nang mga nakakasalubong nya nagtataka na nakatingin sa kanya kung bakit sya umiiyak.Hindi na lang Yun pinansin ng batang si Angel.
Habang naglalakad sa tulay nakasalubong ni Angel Ang kanyang papa na nakasakay sa kanilang owner type jeep.Tumigil Ang sasakyan sa harap nya tinanong sya nang kanyang ama kung bakit sya umiiyak.
"Angel,bakit ka naglalakad ng umiiyak anak?" papa.
"Pa,si Abby Patay na..huhuhu" angel
" Anu??? Sige didiretso na ako sa ospital.sumakay ka na ihahatid muna kita sa Bahay..baka mapano ka pa sa daan" papa
Agad na sumakay si Angel at hinatid na sya ng papa John nya.Pagdating sa Bahay sinabi ni Angel sa kanyang mga kapatid at sa Lola Fely nila na Patay na si Angel.
Naisip ni Angel Wala na syang best friend ,Wala na syang kasabay sa pagpasok sa school at uuwi. Pero Wala na syang magagawa binawi na nang Diyos Ang kanyang Kapatid at doon sa langit Wala ng sakit na mararamdaman pa si Abby.
Umuwi Ang Papa ni Angel para ihatid Ang mga gamit galing sa ospital. Umalis din agad ito para sunduin Ang Mama Anna at Tita Mila nya sa ospital para sumama maghatid ky Abby sa punerarya.
After 3 days, sinundo na nag bangkay ni Abby sa punerarya para iuwi sa na sa Bahay..
Araw nang libing ni Abby lahat ng mga kamag-anak nila nakipaglibing.
Miss na miss na ni Angel Ang kapatid.Simula nang mamatay Ang Kapatid Wala nang itinuring na matalik na kaibigan si Angel.
Fast Forward:
Highschool na Ang batang si Angel.Lumaki na magandang bata sa murang edad marami na nagkakagusto at humahanga sa kanya.
"Hi Miss pwede makipagkilala?" boy 1
"Ang suplada mo naman Miss. Crush pa naman kita". boy 1
"Ako nga pala si Charles" boy 1
"Ako nga pala si Angel. Sorry kung Hindi kita pinapansin. Nga pala magkamag anak pala tayo sa father side" Angel
"Ouch,Ang sakit naman nun. Basted agad agad" Charles
"hahaha..pare Wala ka pala eh.Yung crush mo kamag-anak mo din pala" boy 2
"tumahimik ka nga Andrew.At least lahi talaga kami nang mga magaganda at gwapo". Charles
" Yun lang.Tutal mag kamag-anak naman kayo pare ok lang ba na ako na Lang makipagkilala ky Miss Beautiful?" Charles
" ugok may balak ka din pala." Charles
"Whahaha." Andrew
"Sige guys. Nice meeting you. Pupunta na ako sa classroom namin baka ma late ako sa next subject." Angel
" see you around" Angel
" Sige Angel. Ingat ka." sabay na Saad ni Andrew at Charles
" Pare,kamag anak mo pala si Angel Hindi mo man lang alam" Andrew
" oo nga pare" Charles
" Subukan lang nang iba na paglaruan at lokohin kamag-anak ko malalagot sila sa akin" Charles
" Dapat lang pare sobrang Ganda at bait pa naman ni Angel" Andrew
Lumipas Ang mga araw,lalong dumadami Ang mga manliligaw ni Angel. Kinukuha nga syang muse pero ayaw nya. Madami naman syang so-called friend pero Wala syang matatawag na best friend. Wala din my nag try mangbully sa kanya sa school.Kilala din kase Ang family ni Angel sa buong bayan.
Mabilis lumipas Ang mga buwan.Third year High School na si Angel. Nakilala nya Ang kaklase nyang si Lyn at naging magkaibigan sila.
Si Lyn ay palaging pumupunta sa Barangay nila Angel. Boyfriend kase nito Ang Kabarangay ni Angel na si Bert.
Tuwing uwian sa school sabay umuuwi si Angel at Lyn palaging din nila kasabay si Bert. Hindi alam ni Angel na may gusto si Bert sa kanya. Lagi nadaan si Bert sa tapat ng Bahay nila Angel.
Hanggang Isang araw, nag cool-off si Lyn at Bert. Sumama si Bert sa pinsan ni Angel na si Olga para pumunta sa Bahay mismo ng dalaga.At naging sunod sunod Yun.
Kinausap ni Bert si Angel at umamin siya na matagal na syang may gusto sa dalaga. Tuwing walang pasok sa school umaakyat nang ligaw si Bert kay Angel. Tuwing uwian hinahatid niya din sa Bahay Ang dalaga.Si Lyn at Angel naman ay magkaibigan pa rin.
"Lyn,okay lang ba kung maging kami ni Bert?" Angel
"walang namang problema sa akin Angel.Alam at nararamdaman ko naman na matagal nang may gusto Sayo si Bert. Katawan ko lang naman Ang gusto niya" Lyn
"Ha? 15 pa lang tayo pero binigay mo na agad Yun sa lalaki?" nagulat si Angel
"E sa mahal ko Yun lang Hindi naman ako mahal" umiiyak na wika ni Lyn.
Naaawa si Angel sa kanyang kaibigan na si Lyn.
Bakit may mga taong kahit nasasaktan na at binabalewala pero Hindi pa din sumusuko.At patuloy pa din na nagmamahal sa Hindi naman deserving na tao.