Broken

1303 Words
Hindi makapaniwala si Angel na nagpapaka martyr si Lyn Kay Bert. Kung sa itsura hindi naman magandang lalaki si Bert. Maappeal lang at bolero kapatid kasi ng Bise alkalde sa bayan. Ilang beses man bastedin ni Angel si Bert alang alang sa kaibigan nya na si Lyn. Pero ayaw pa din papigil ni Bert sa panliligaw. Hanggang sa sinagot na ni Angel si Bert. Isang araw nakasalubong ni Angel si Bert Kasama mga kaklase nya. Nakaakbay si Bert sa kaklase nyang babae. Sa private school kasi nag-aaral si Bert. Si Angel at Lyn sa public school. Hindi pinansin ni Angel at Lyn si Bert. Dirediretso lang sila sa paglalakad. Hindi naman sila hinabol ni Bert. Ayun na Ang simula na Hindi pinapansin ni Angel si Bert. Bago Ang graduation sa High School naging ok naman silang dalawa. Sabay pa nga sila kumuha ng entrance exam sa Isang state university sa bayan. Hindi alam ni Bert na kumuha din si Angel nang entrance exam sa syudad. Makapasa si Angel sa entrance exam sa malaking Universidad sa syudad. Nagalit si Bert sa kanya. Akala ni Bert sabay na sila papasok sa state university araw araw dahil nakapasa din sa exam si Angel. At lahat ng kaibigan ni Angel dun din mag aaral sa bayan. Habang nasa syudad nag aaral si Angel. Ang mga kaibigan nya Ang mga mata nya sa state university kung saan nag aaral si Bert. Nagkikita din sila sa bayan tuwing uwian ng mga kaibigan nya at pag may event sa school. Isang araw nag kwento Ang mga kaibigan ni Angel na si Bert at Ang pinsan nito na si Lea lagi dw magkasama at sobrang sweet. Nahuli pa daw si Lea at Bert sa Quadrangle na may ginagawang milagro. "Angel, huwag ka maniwala sa mga sinasabi ni Bert" Ella "oo nga Angel. Matagal ka na nyang niloloko. Andami nga niyang girlfriend sa school parang nagpapalit ng damit. Akala. mo sobrang pogi. Maitim naman" Jackie "maganda pumunta ka sa school pag natapat na Wala Kang klase para ikaw mismo makakita' Cherry " sige. sa sunod na araw University Day Wala kaming pasok nun. Pwede ako dumiretso sa school nyo sunduin nyo lang ako sa labas ng gate" Angel Araw nang pagpunta ni Angel sa school nila Bert. Sinundo sya ni Jackie, Ella at Cherry sa gate. Pumunta sila sa likod na canteen ng school. Nandoon si Bert nakayakap sa pinsan niyang si Lea. Nagulat si Bert pagkakita ky Angel. Dali dali nyang binitawan si Lea at lumipat ky Angel pero dedma lang Ang dalaga at Hindi pinansin si Bert. Lumipas Ang mga araw. Nagpadala ng sulat Ang mga kaibigan ni Angel na buntis na daw si Lea at si Bert Ang ama. At kalat na din Yun sa buong Barangay. Nakarating na din sa pamilya ni Angel Ang tsismis.Gumawa ng sulat si Angel para kay Bert. Inabot nang mga kaibigan ni Angel. Hindi daw tinanggap ni Bert Ang sulat tinapon nya sa basurahan. Hindi pa din pinapansin ni Angel si Bert kahit palagi sila nagkakasalubong. Lumuwas ng Maynila si Angel Kasama Ang Mama Anna nya para dumalo at mag abay sa kasal ng Tita Tess nya. Habang nasa Maynila si Angel nabalitaan nya na ikinasal na si Bert at Lea sa huwes. At kapanganakan na ni Lea. Nag message pa si Bert kay Angel na kukunin nya pang ninang sa binyag Ang dalaga. At Ang pangalan ni Angel Yun pa ipapangalan sa anak nila ni Lea. Kahit my anak na si Bert naging stalker sya ni Angel. Napikot lang daw sya ni Lea. "Napikot daw sya.kasalanan naman nya kase alam naman nyang pinsan nya pinatulan nya" Jackie "Ang kapal ng Mukha ng lalaking yun pati pangalan mo ipapangalan pa nya sa anak nya.Tapos gusto ka pang kuning ninang. Anu yun insulto" Cherry " Ang pamilya nila kinukunsinti din Ang pangit na lalaking yun pati Ang malandi nyang pinsan" Ella " Gusto ko na nga ipablotter sa pulis eh.Panay message sa stalk sa akin" Angel " Balang araw darating din Ang karma sa kanila" Jackie " Napakapangit na nga babaero pa. Feeling pogi lang. hahaha" Jackie " Yung pinsan naman nya asawa ng bayan" Ella " Hayaan nyo na Buti na lang at napikot sya at least Hindi sya Ang makakatuluyan ko balang araw" Angel Kahit ilang beses pa Sabihin ni Angel na okay lang siya pero alam ng mga kaibigan niya na labis pa din syang nasasaktan. Unang seryosong Boyfriend or puppy love nya si Bert. Darating Ang araw makakamove-on din sya. Dahil sa nangyari.Hindi nakapagfocus si Angel sa pag-aaral.Bumagsak sya sa dalawang subject.Hanggang makapag decide si Angel at nakumbinsi Ang parents nya na lumipat ng school at magpalit ng kurso. Ayaw pa sana sya payagan ng University na mag transfer Buti at na convince nya.Kahit nakaenroll na sya sa second semester lahat Yun pinadrop ni Angel at lumipat sya sa Isang college sa bayan. Sa Ang puso at isip ni Angel Puno ng poot para ky Bert. Balang araw makakaganti din sya. New School. Habang naglalakad sa lobby ng bagong school Nakita at nakasalubong ni Angel Ang dating mga teacher Niya sa Highschool na sa college na nagtuturo. Lahat ng estudyante sa kanya nakatingin ng may paghanga sobrang puti at Ganda nya kasi. Nakita ni Angel Ang crush nya nung first year High School na si Anton. Magkaklase pala sila. "Hi Angel. Long time no see ah" Anton "Hi Anton" Angel "sayang Ngayon ka lang nag transfer tapos na Ang election ng class officer.ikaw sana Ang muse namin at si Anton sana Ang consort mo bagay pa naman kayo" Girl 1 "kaya nga eh.bagay sila maganda at pogi" girl 2 "Angel, model ka pa ng mga damit?" girl3 "Hindi ah.Mahiyain nga ako" Angel "nga pala ako si Bea" girl 1 "ako naman si Joy" girl 2 "ako naman si Sandy" girl 3 "ako naman si Angel" Angel " napansin namin parang matagal na kayo magkakilala ni Anton" Bea " oo nga" Joy " matagal naman na talaga kami magkakilala ni Angel niligawan ko siya nong first year High school sya kaya lang Hindi natuloy dahil grumadweyt ako sa High School.Matanda kasi ako Kay Angel nang 3 years" Anton " ay sayang naman" paghihinayang ni Sandy " eh di ngayon matutuloy na pala dahil kaklase na natin si Angel. At hinintay mo talaga sya Anton". Joy " siguro. Kung papayag ba si Angel na ituloy ko Ang naudlot na panliligaw ko." Anton " angel,payag ka ba" Bea " Well See" Angel " Sige na Angel pumayag ka na naligawan ni Anton" Bea " oo nga naman Angel.Mabait naman yan si Anton.Malakas nga lang mag inom at sigarilyo" kantiyaw ni Joy " Sige na nga pumapayag na ako na ligawan mo ulit Anton" tawang tawang. sagot ni Angel " talaga ba?pumapayag ka na talaga Angel? Wala nang bawian ha?" tuwang tuwang Saad ni Anton. " Oo nga"natatawag Sagot ni Angel " yehey... Salamat Angel" patalon talon sa sigaw ni Anton "Walang anuman Anton.Alam ko naman na mabuti Kang tao" nakangiting wika ni Angel Araw Araw magkasama si Angel at Anton tuwing vacant period. Sila rin Ang usap usapan sa school campus.Nakilala na Rin ni Angel Ang mga barkada ni Anton na sina Mark, Mike, Dexter, Kerwin, Chris, Arnel, Sandy, Vie, Emma,Sally at iba pa. Mababait Ang mga barkada ni Anton.Kahit may mga visyo Ang mga lalaki.Hindi naman nila pinipilit Ang mga babae na gayahin sila. Pinoprotektahan nang mga lalaki Ang mga barkada nila na babae. Nakapalagayang loob kaagad ni Angel Ang mga kabarkada ni Anton. Lagi din sila lumalabas na magkakabarkada o pumupunta sa Bahay ng bawat Isa para mag bonding tuwing Wala silang pasok sa school. Lalong tumibay Ang samahan nilang magkakabarkada. Habang patuloy naman na nanliligaw si Anton Kay Angel. Matiyaga siyang naghihintay na marinig Ang matamis na oo ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD