Nakabuti Kay Angel Ang pag lipat ng school at pagpalit ng kurso. Madami syang naging kaibigan. Naging magkabarkada din sila ni Anton.
"Guys, punta tayo Mamaya sa Bahay nila Mark. Wala naman tayong klase mamayang hapon." Chris
"How about mga girls? Gora din ba kayo?" Kerwin
"sama kami" sagot nila Angel, Sally, Sheila, Aime, Vie at Sandy
"okay guys. wala nang bawian ha." JB
"Oo naman. malapit nga lang Yun sa Bahay namin nila Ariel, Gerry, Dexter at Mike" Anton
" Nagpakatay na ako doon nang native na manok. Tanghalian at pulutan natin Mamaya" Mark
" Nagpakuha na din ako ng buko" Mike
"Bili na lang tayo ng isda at baboy na iihawin." Gerry
"si Kerwin at Chris na bahala sa alak" Ariel
After nang last subject nila Angel sa umaga.Sabay sabay na sumakay Ang magkakabarkada sa tricycle ni Mark at Gerry.
"Guys,mauna na kayo sa Bahay nila Mark. Dadaan pa kami ni Chris sa palengke para bumili ng alak" wika ni Kerwin
" Sige,magkita kita na Lang tayo doon" sang-ayon ni Ariel
"Susunod lang kami guys. Ingat kayo ha" Chris
" Sumunod kayo agad ha?" Dexter
" Oo naman" Sabay na sagot ni Kerwin at Chris
" Ingat din kayo" wika ni Angel
Pagdating ng magkakabarkada sa Bahay nila Mark.Agad sila nagbigay galang sa mga magulang at Kapatid nang lalaki. Ang mga babae tumulong sa pag aayos ng lamesa. Ang mga lalaki naman Ang nagpatuloy sa pagluluto nang ibang pagkain.
Maya Maya dumating na si Chris at Kerwin may dala dalang alak at soft drinks.
"mga anak, halina kayo at kumain na muna kayo nang tanghalian"tawag ni Nanay Lita. Si Nanay Lita Ang Nanay ni Mark.
" Opo 'nay." Sagot ng magkakaibigan
" Kumain kayo nang madami ha.Huwag kayong mahihiya" wika ni Tatay Pedro (Tatay ni Mark)
" Tatay Pedro, Nanay Lita sabayan nyo Po kami kumain" tawag ni Angel
" Tapos na kami kumain ng Tatay Pedro nyo mga anak" sagot ni Nanay Lita
" Ganun Po ba 'Nay" wika ni Vie
Masayang kumain nang sabay sabay Ang magkakaibigan. Tulong tulong din sila nagligpit at naghugas nang kanilang mga pinagkainan.Wala na talaga makakatibag sa nabuong samahan nang grupo.
"Guys, halina kayo at mag inuman na tayo" tawag ni Dexter
" mga girls, gin pomelo lang sa inyo ha" sabi ni Mike
" oo" sabay sabay na sagot nang mga babae
Nag inuman Ang magkakaibigan Hanggang alas 7 nang Gabi. Maya Maya nag paalam na sila sa mga magulang ni Mike na uuwi na sila
"Nanay Lita, Tatay Pedro, uuwi na Po kami. Maraming salamat Po sa pag papatuloy sa amin" wika ni Angel
"walang anuman mga anak. Balik ulit kayo sa susunod" sagot ni Tatay Pedro.
" ingat kayo sa pag uwi" wika ni Nanay Lita
" opo" sagot nang magkakaibigan
Naglakad Ang magkakaibigan habang naghihintay nang masasakyan pauwi. May Nakita Silang waiting shed. Doon na Lang sila nag-abang ng trisikel.
"Guys, si Mike tingnan nyo lasing na lasing." sabi ni Angel
.
"Oo nga eh" sang-ayon ni Vie
" Mike, kaya mo pa ba" tanong ni Anton
.
Hindi na makasagot si Mike sa sobrang kalasingan. Mayamaya nagulat Ang grupo biglang nahulog si Mike sa upuan ng waiting shed nakatulog na pala. Dali dali namang pinagtulungan nila Anton, Chris at Kerwin na itayo si Mike Buti na lang hindi sya nasugatan.
"Hala guys,sa sobrang kalasingan ni Mike kahit nahulog na tulog pa din" wika ni Sandy
" Guys may paparating na trisikel. Parahin natin Buti walang pasahero" wika ni Vie
Pinara nang grupo Ang trisikel at agad na Silang sumakay.Nagpaalam na sila kila Anton,Mark,Ariel, Gerry at Dexter.
"Ingat kayo sa apag-uwi.see u bukas sa school" sabay na wika ni Anton,Mark,Ariel,Gerry at Dexter
" Oo. Kayo din." sagot nila Angel
Kinabukasan, maaga pa pumasok sa school Ang magkakaibigan. Hindi sila masyado nakapag-usap sa maghapon marami kasi pinapagawa Ang kanilang mga subject teacher. Malapit na kasi Ang kanilang Midterm Examination. Nagtutulungan Silang magkakaibigan sa pag gawa ng nga projects at pag rereview. Lahat sila focus sa pagrereview. Para maipasa Ang exam sa bawat subject.
Nagbunga naman Ang pinaghirapan nilang mga magkakaibigan.Lahat sila nakakuha nang mataas na scores sa pagsusulit.
Habang nakaupo sa tambayan nilang magkakabarkada sa school. Nagtakansila kung bakit parang may kaguluhan malapit sa main gate ng campus.Hindi nila Yun pinansin pero nagulat sila na tumatakbo Ang Isa nilang kaklase papunta sa kanilang kinauupuan.
"Angel, sila Kerwin,Chris at Gerry napaaway sa gate". Alma
"ano???" gulat na wika ni Angel
"Sino ba kaaway nila?" tanong ni Vie
"Ang grupo nila Justin" sagot ni Alma
"Sige salamat Alma.Pupuntahan namin sila" Pasasalamat ni Sandy at Sally
Dali Dali nang pumunta sa gate Ang magkakaibigan. Naabutan nila sila Kerwin, Chris at Gerry pati Ang grupo nila Justin na pinipigilan nang mga guard at teachers. May mga sa Mukha Ang mga ito.After nang kaguluhan pinapunta sa guidance office Ang mga ito para makausap at maayos Ang gulo. After 1 hour lumabas na si Kerwin,Gerry at Chris.Agad na nilaaptin ito ng mga kabarkada nila.
"Kerwin, ano ba Ang nangyari" tanong ni Sally
"binuggo ni Justin si Chris habang naglalakad" kwento ni Gerry
" Imbis na humingi nang paumanhin. Sabihin ba naman na Hindi daw ako tumitingin sa dinadaanan ko tapos sya pa Galit" wika ni Chris
"kaya bigla ko tinulak nang malakas malakas" sagot ni Kerwin
" sumali pa nga Yung grupo nila kaya napuruhan kami" sagot ni Gerry
" Ano sabi nang guidance sa inyo?" sabay ni Angel
"binigyan kami nang first warning" sagot ni Kerwin
" kayo na lang umiwas sa gulo"wika ni Angel
"umiiwas naman kami kaya lang hinahamon kami.kaya imbis na umiwas eh di pinatulan na Lang namin para matapos na" matapang na sagot ni Kerwin
"alam naman natin na sa ating magkakaibigan ayaw natin may naaagrabyado" Saad ni Gerry
"oo nga.. Sige tama na 'yan.Halina kayo at kumain na tayo" banat ni Vie
Pumunta na Ang magkakaibigan sa canteen at bumili nang kanilang makakain.
Lumipas Ang mga araw, Akala nang magkakabarkada na tapos na Yung alitan nila Kerwin,Gerry at Chris sa grupo nila Justine. Pero nagkakamali sila dahil Isang araw habang naglalakad Ang magkakaibigan sa school compound para mag tanghalian sa karinderya sa labas nang school compound. Bigla na Lang sila hinarang ng grupo ni Justine.
"guys,tingnan nyo oh kumpleto nag grupo nang mayabang na si Kerwin. Kasama pa nila Ang matagal ko nang type na si Angel. " wika ni Justine sa mga ka grupo
" Bakit ano Ngayon kung kumpleto kami" sagot ni Kerwin
"Wala naman. Pakisabi na Lang Jan sa kaibigan nyong si Anton na akin lang yan si Angel" sagot ni Justine
"anong Sayo Hindi mo pag aari si Angel.Ayusin mo yang pinagsasabi mo" Galit na sigaw ni Anton
"Pwede ba Anton.Lubayan mo na ako at Ang mga kaibigan ko." sabay ni Angel
"Lubayan?Hindi kita lulubayan Angel hangga't Hindi ka nagiging Akin" nakangising sagot ni Justine
"gag* pala to eh. Sinabi na nga Sayo ni Angel na lubayan mo na sya" Galit na Galit na sigaw ni Anton sabay kwelyo Kay Justine
Pinatabi nila Chris Ang mga barkada nilang babae dahil masama na Ang tingin nang grupo ni Justine sa kanila dahil sa ginawa ni Anton.
Sinuntok ni Justine si Anton sa Mukha.Nagpalitan na din nang suntok Ang grupo ni Anton at Justine.Nakita din nila Angel na kinuha ni Kerwin sa kanyang sinturon Ang kutsilyo.At balak saksakin si Justine..Buti na lang dumating Ang guard at nag warning shot.
Naglabasan Ang mga estudyante at teachers sa labas nang buildings. At nakiusyoso kung anong kaguluhan Ang nangyayari sa labas. Dali daling dinampot nang mga guards Ang grupo nila Anton at Justine. Kinumpiska din Ang kutsilyo na hawak ni Kerwin.Dinala Ang dalawang grupo sa guidance office habang hinihintay na dumating Ang kani-kanilang mga magulang o guardians. Sumama na din si Angel sa loob ng guidance office para makapagbigay nang statement.