MAHABANG tunog ng cellphone ringtone ang bumulabog sa masarap na tulog ni Hymae. Kumusot ang mukha habang binubuhay ang diwa. Hinanap niya ang tumutunog. Nasa loob ito ng purse niya.
Kaagad niyang inilabas ngunit saktong pagbukas niya ay huminto na. Binasa na lamang niya ang mensaheng dumating. Si Alice ang nag-text. Ito rin ang tumawag.
‘Sabay tayo mag-lunch mamaya. May importante akong sasabihin’. Ang nilalaman ng text ni Alice.
Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table pagkatapos basahin ang text ni Alice. Saka niya binalingan si Lorrence na sarap na sarap pa ang tulog. Her nude body was still under a thick wool blanket same as Lorrence.
Hindi na muna niya ito ginising. She fixed herself at hinanap ang mga kasuotan. Sinikap niyang maghanda para sa almusal nila. Nagbukas siya ng refrigerator at nakitang maraming laman ito.
Naglabas siya ng frozen foods. Inisip niyang hindi naman siguro masama kung subukan niyang ipagluto ang lalaking mahal niya. Mga basic cooking lang naman ang alam niya pero minsan pumapalpak din.
Sinubukan niyang mag-toast ng tasty bread. Nagprito ng ham at scrambled egg. Ngunit takot siya sa talsik ng mantika. Natakot siyang lapitan ang piniprito niya. Hirap na hirap talaga siya pagdating sa kusina.
Makalipas ang ilang minuto. Nakahain na ang mga niluto niya sa lamesa. Subali’t walang bakas ng tuwa sa mukha niya habang tinititigan ang mga niluto.
“Magandang sunog na umaga!” biglang bati ni Lorrence buhat sa likuran niya.
Nakaupo siya at katapat ang mga nilutong kasing-itim ng buhok niya. Nakasuot ito ng bughaw na bathrobe. Lumapit ito at naupo kaharap niya. Sabay nilang pinagmamasdan ang mga nag-iitimang pagkain na nakahain.
Napansin niya ang pagngisi ni Lorrence at tila nanunuksong mga titig. Nahiya tuloy siyang tumingin nang deretso.
“I tried. But I failed.” Napayuko siya. “Hindi ako deserving maging asawa ng kahit sinong lalaki.”
“Don’t feel pity to yourself,” mahinahong saway nito. “Maraming paraan para makakain. Lahat napag-aaralan naman. Hindi rin naman ako marunong magluto. Pero nang magtrabaho na ako rito, naging independent ako at natutuhan ko ang lahat.”
Matamlay na napasulyap siya sa mukha nito.
“Sorry kung nakilala mo akong ganito. Alam kong malaki ang lamang ng isang babae para mahalin kapag maraming alam sa gawaing bahay, lalo na sa pagluluto.”
“Kahit maging asawa na kita, hindi ko rin hahayaan na ikaw ang magtatrabaho sa bahay. Gagawin ko ang lahat para hindi ka mahirapan o mapagod.”
Alam niyang sinsero si Lorrence nang sinabi ang bagay na iyon. Hindi pa rin niya maiwasan ang panghinaan ng loob. Marami ang nagkukumahog sa kaguwapuhan nito, paano na lang kung makatagpo ito ng nakahihigit sa kanya?
“Please, don’t bother yourself dahil lang sa kapalpakan mo. Hindi ko naman titingnan ang pagkakamali mo, I swear that.” Napangiti siya sa sinabi nito.
“Talaga? Pero hayaan mo, sisikapin ko pa rin na matuto sa lahat ng bagay. Gusto ko kasi na pagsilbihan ka kapag tayo man ang itinadhana,” nabuhayan ang loob na sabi niya.
“Sigurado na akong ikaw ang tadhana ko,” may kumpiyansang saad nito.
Natutuwa siya sa sinabi nito. Tinulungan na lamang siya nito para magluto ulit ng almusal nila. Hinangaan niya ang simpleng kaalaman nito sa pagluluto.
“Okay lang ba kung hindi kita makasasabay na mananghalian mamaya?” tanong niya habang abala ito sa papiprito at nakamasid siya.
“Why?”
“Alice inviting me for lunch. May pag-uusapan lang daw kami.”
“Girls talk?”
“Oo naman. Ano, okay lang ba?” pangungumpirma niya.
“Why not? Hindi ko naman puwedeng hadlangan ang pagkakaibigan ninyo. Basta sa dinner, sabay tayo.”
Ngumiting tumango siya. “Oo naman.”
Ilang minuto pa’y naluto na ang almusal nila. Tinulungan na niya itong maghain at sinaluhan ang pagkain.
ALAS-DIYES ng umaga nang ihatid siya ni Lorrence sa fourth deck. Hindi na ito sumama nang tinungo niya ang kaniyang cabin. Sa silid na niya siya naligo at nagbihis.
Isa’t kalahating oras muna siya namalagi sa kaniyang kuwarto habang inaayos ang sarili. Nagbukas din siya ng social media account at nakipag-video call kay Hannah, ang mommy niya.
Araw-araw niya kasi itong tinatawagan kahit ilang minuto lang. Naka-open ang laptop niya at para lang silang nag-uusap nang magkasama. Ini-maximize niya ang screen para malinaw niyang makikita ang mukha at galaw ng kaniyang ina.
“Kumusta ka naman diyan, anak? Ano’ng balita sa inyo ni Bryan?” tanong ni Hannah. “Wala ka pang naikuwento sa akin. Buntis na pala si Cristy.”
Naka-break time ito kaya nilubos na niya ang sandali para makausap niya ito.
“True, mom! Kay Bryan siya nagpabuntis. Inahas nila akong pareho,” dismayadong sumbong niya.
“So shocking! Malaki pa naman ang tiwala ko noon kay Bryan at Cristy. Hindi ako makapaniwala na magagawa nila sa iyo ang bagay na iyon. Kumusta ka naman diyan? ‘Buti at hindi mo naisipang tumalon sa barko nang mabalitaan mo?”
“Naku, mom, muntikan na nga eh! But, I have a good news…”
“What? I’m excited to hear that.”
“May bago na akong boyfriend dito, si Lorrence,” masayang balita niya sa ina.
“Oh! Nakahanap ka kaagad ng kapalit no Bryan? Baka naman panakip-butas mo lang siya dahil nasaktan ka ni Bryan,” panghuhula ng mommy niya.
Tinutok niya ang mukha sa screen.
“No, mom! Mahabang kuwento. Ishi-share ko po sa inyo if I have enough time para makapag-usap tayo nang matagal. But honestly, mahal ko na po si Lorrence.”
“Good to hear that. Pakilala mo na lang siya sa akin kapag hindi kayo busy pareho.”
“Sure, Mom!”
“Okay, magpapaalam na muna ako. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Mag-iingat ka palagi diyan, anak!” bilin at paalam ng ginang.
“Thanks, mom! Ikaw rin po, take care always! I love you, mommy!”
“I love you too, anak! Bye!”
Naputol na ang connection ng mommy niya. Ini-log-out na niya ang account sa laptop. Saka nagbukas sa cellphone para i-update kung nasaan na si Alice. Nakapag-ready na siya.
Nang matanggap ang mensahe ni Alice na papunta na ito sa second deck ay saka siya lumabas ng kaniyang cabin. Sumakay siya ng elevator pababa. Abala siya sa pagbabasa ng mensahe ni Alice.
May nakasakay na sa loob ng elevator nang pumasok siya. Hindi na niya pinagkaabalahan na sulyapan ito sa mukha. She smells something feminine fragrance na halos masapawan ang pabango niya.
“I tried to call Lorrence but his phone is out of coverage!” iretableng salita ng babaeng kasama niya sa elevator.
Bigla siyang natigilan sa katitipa sa screen ng cellphone niya nang marinig iyon. Malutong sa tainga niya ang pangalan ni Lorrence. Pasimple niyang sinulyapan ang mukha ng babae.
Saka niya napagtanto na si Zandra ang nakasabay niya. Hindi niya malaman kung maiilang siya o manggigil na makita ito. Napakaseksi niyang tingnan kaysa Kay Zandra. Pero hindi ito nagpapatalo sa mga kasuotan na tila akitin na lahat ng mga kalalakihan para ipakita ang ilang maselang bahagi ng katawan.
Hindi na lamang siya nagpahalata na magkakilala sila ni Lorrence. Walang alam si Zandra na siya ang babaeng kinalolokohan ni Lorrence. Sa tingin pa lang kasi niya kay Zandra ay mukhang palaban ito.
Napansin niya na dismayadong paulit-ulit na nagda-dial ito ngunit wala itong nahintay na sagot maliban sa network operator. Ekseheradong napabuntong-hininga ito at padabog na ibinaba ang cellphone.
“Crazy! I have something to tell him. Why did he turn-off his phone?” Zandra whined.
Kunwari ay busy siya sa katututok sa cellphone niya.
“Um, I think I recognized you,” nag-aalangang pansin nito sa kaniya.
Bahagya siyang humarap dito. “Y-yes, ma’am!”
Ngumiti ito sa kan’ya. “Oh! I was right! I recognized your face but I don’t know your name,” tuwang sabi nito.
Napagtripan siya nitong kausapin. Tinuunan niya ito ng pansin.
“Oh! You’re Miss Zandra Marquez, right? I’m Hymae Skylor. Nice to meet you, ma’am!” pakilala niya rito.
Siya na ang unang naglahad ng kamay kahit awkward sa pakiramdam niya.
“Nice to meet you too! Oo, naalala ko na. Ikaw pala ang empleyado rito sa ship. I think, you’re newly here.”
“You’re right. Almost three months.”
Hindi nagtagal ay bumukas ang elevator. Magkasunod silang lumabas. Ngunit saglit siya nitong kinausap habang nakatila sila sa tapat ng sumara na elevator.
“May I ask you something?” anito.
“About what?”
“Do you know Lorrence Smith?”
Lihim siyang kinabahan sa itatanong nito.
“I heard his name. I know a little about him.”
“Do you have his contact number?”
“Um, n-no! Hindi ko masyadong close ang ibang mga staff dito,” pagdadahilan niya.
“Ah, okay! Thanks for your time. See ya!” anito at nagpaalam sa kaniya.
Para siyang nabunutan ng tinik nang mawala na ito sa paningin niya. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad patungo sa restaurant kung saan naghihintay si Alice. Pagkadako ay napansin niya kaagad ang pagkaway ni Alice sa kaniya.
Nakaupo na ito sa loob. Masaya naman siya na makita si Alice. Papasok na siya sa loob.
“Akala ko hindi ka makararating,” tuwang saad ni Alice.
Nakapag-order na ito ng pagkain para sa kaniya. Naupo siya at magkatapat sila.
“Nagkasabay kasi kami ni Zandra sa elevator. Kung anu-ano pa ang mga itinanong niya about kay Lorrence,” aniya.
“What? Ang bruhang ‘yon, hinahanap na naman si Lorrence? Obsessed talaga iyon kay Lorrence,” mahinang komento nito.
“Bakit mo nga pala ako inanyayahan na mag-lunch?” pag-iba niya sa usapan.
“Take your meal first,” alok nito. “Tamang-tama binanggit mo ang bruhang iyon.”
“Si Zandra?”
“Shh! Hinaan mo lang boses mo,” saway nito.
“What about her?”
“Akalain mong nire-request niya sa company na maging special guest si Lorrence sa birthday niya. Magsi-celebrate siya nang bongga sa VIP restaurant sa seventh deck.”
“Really? So, ano’ng sabi ng management?” Kinakabahan siya sa isasagot ni Alice.
Hinintay muna niyang makasubo ito. Sinimulan na rin niyang galawin ang beef steak na inihanda nito para sa kaniya.
“Hindi ko pa alam. Pero tingin ko, depende kay Lorrence ang disisyon. Ilang beses na kasing ginawa iyan ni Zandra noon bago ka pa dumating. Palaging pabor ang management sa mga request niya.”
Tila tumabang ang lasa ng pagkain sa bibig niya. Nangangamba siya na baka sa muling hiling ni Zandra ay pagbibigyan ni Lorrence. Hindi niya ma-imagine makikipagharutan si Lorrence sa ibang babae habang sila ang magkarelasyon.
“Are you okay, friend?” agaw-pansin ni Alice sa biglang pagkatulala niya.
“Oh! Ah, I-I’m okay!” pagkakautal niya.
Napangisi si Alice sa reaksiyon niya.
“I understand you. Kahit ako naman sa kalagayan mo, hindi ko hahayaang pagbigyan ni Lorrence ang malanding iyon,” mahinang sabi nito.
“What do you think I should do?”
“Kausapin mo si Lorrence. Malalaman mo kung ano ang matimbang para sa kaniya. Ikaw ba o ang bruha ang pipiliin niya. Kilala ko na kasi ang ugali ni Zandra.”
“Tingin mo ba, walang nangyari sa kanila ni Lorrence at Zandra noon bago ako dumating dito?”
“Hindi ko alam. Isa lang ang alam ko na pinatulan niyang staff dito.”
“Huh? Hindi ba kaya si Lorrence?” Nangangamba siya.
“Hindi. Si Sir Louie,” bulong nito.
Mabuti na lamang at sa bandang sulok sila ng restaurant at malayo sa mga grupo. Walang makaririnig sa kuwentuhan nila.
“Hindi sa sinisiraan ko si Zandra. Cabin attendant pa lang ako noon. Hindi ko sinasadyang mabuksan ang pinto ni Ma’am Zandra, naka MUR sign naman kasi kaya akala ko magpapa-Make up room siya.”
“Talaga? So ano’ng nakita mo?”
“Akala ko walang tao sa loob. Dumiretso sana ako sa banyo para maglinis. Kaso, napaatras na ako nang makita ko silang nude pareho at may ginagawa like gawain ng mag-asawa. Kinabahan ako at lumabas na lang. Para akong praning kaiisip sa nakita ko.”
“Kinakabahan ako para kay Lorrence. Baka akinitin din niya.”
“Iba si Lorrence. Matagal ko na siyang kilala. Maraming magagandang guests dito pero hindi niya pinatulan. Wala akong ibang pinagsabihan nito, sa iyo lang. Baka isipin ng iba, gumagawa lang ako ng storya.”
“Mukha namang sanay na si Zandra. Pero okay naman siyang kausap. Mabait naman ang unang impresyon ko sa kaniya. Iyon nga lang, lantad ang katawan niya at kahit sino mapapatingin.”
Patuloy sila sa pagkain habang nag-uusap.
“Hindi lang iyan, Hymae. Marami pang sumisingaw na isyu tungkol sa kaniya.”
“Like what?”
“Hindi naman siya likas na mayaman dati. Inampon siya ng Spanish na mag-asawa. Sad to say, kinuha siya sa isang casa sa Malate, Maynila. Dalagita na siya nang inampon. Binihisan at naging modelo pa nga eh. Maganda naman kasi at sexy. Pinamanahan siya ng itinuring niyang ama bago ito namatay.”
“Ang suwerte pala niya.”
“Oo. Kaso, hinanap ng katawan niya ang dati niyang trabaho. Mabait si Zandra at mapagbigay. Talagang lalaki ang kaligayahan niya. May time lang na napaka-demanding niya pero lahat ng inaagrabyado niya ay binabayaran niya.”
“Do you think, Alice, papatulan siya ni Lorrence?”
Umiling ang kaibigan. “Hindi. Alam na kasi ni Lorrence ang ugali niya. Nirerespeto lang niya lalo na kapag nasa maraming tao.”
“Ang hirap kasing makipagsapalaran kapag ang mahal mo ay inaakit ng obsessive woman. Parang ang hirap i-handle lalo na at hindi namin mailantad ang relasyon namin.”
“Masyado ka namang nagwo-worry. Magtiwala ka lang kasi sa boyfriend mo.”
“I know. Naiisip ko lang na marami pa kaming pagdadaanang pagsubok. Ang hirap naman kasing ipaglaban ang nararamdaman ko kapag makita kong kinakalantari ng ibang babae si Lorrence.” Inis ang namumuo sa isip niya.