TUMUNOG ang doorbell ng kuwarto ni Hymae. Inaasahan niyang si Lorrence ang darating. Tamang-tama lang at nakapagbihis na siya. Tinungo niya ang pinto at binuksan.
Pagkabukas ay bumungad ang maaliwalas na mukha ni Lorrence. Napakatamis ng mga ngiti nito. Hindi niya maiwasang hindi titigan ang mapungay na mga mata nito na titig na titig sa mukha niya.
“I’m glad to see you again, sweetie!” bungad na sabi nito sa kan’ya.
Ngumiti siya habang matiim ang tingin niya rito. Lalo itong natuwa sa pagtitig niya.
“Are you sure na safe ang dadaanan natin? Baka mamaya may makakita sa atin at ire-report tayo sa top management,” nagdududang wika niya.
Umiling ito. “Hindi kita ilalagay sa alanganin. Trust me.”
“Okay, let’s go!”
Tanging dala lamang niya ay black pouch na naglalaman ng cellphone niya. Ini-lock muna niya ang pinto bago siya sumunod kay Lorrence. Sinadya nilang hindi magdikit o magsabay sa paglalakad para safe sakaling may makakita sa kanila.
Simple lang ang suot niyang magenta with sleeve dress na level lang sa mga tuhod niya ang haba. Suot niya pampaa ang itim na flip flops. Naka-chignon style ang pagkakapusod ng buhok niya.
Nauuna sa paglalakad si Lorrence. Ito kasi ang guide niya pababa sa kuwarto nito. Hindi sila sumakay ng elevator. Iginiya siya nito sa exit door kung saan may hagdan papunta sa bottom deck.
“May surveillance rin ba hanggang dito? Mukhang walang dumadaan dito. Walang katao-tao,” aniya habang palinga-linga sa paligid.
“Meron lahat ng sulok. Pero sa ngayon, wala. Naka-off pa.”
“Naka-off? Why?” nagtatakang tanong niya.
Tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa pagbaybay sa steel stairways.
“Dadaan kasi ang prinsesa ko. Kaya pansamantala munang matutulog ang mga cctv.”
Napangisi siya. “Ikaw huh! Sinasabutahe mo ang mga security dito para lang sa akin?”
“Ganyan katindi ang tama ko sa iyo.”
“Nababaliw ka na nga!” pilyang sabi niya.
“Okay lang basta sa iyo ako mababaliw.”
Hindi niya alintana ang pagod sa kahahakbang sa hagdan dahil tuloy ang palitan nila ng pag-uusap habang pababa. Panay ang lingon nito sa kan’ya at binabantayan ang bawat paghakbang niya.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang palapag ng kuwarto nito. Hindi na niya namamalayan na nasa ilalim na sila dahil halos magkakahawig ang anggulo ng bawat palapag ng barko. Nakaliligaw kapag hindi sanay sa pasikut-sikot.
“I feel something different,” bulalas niya nang may maramdaman.
“What? Something horrible?”
“No. Parang sobrang tahimik ang deck na ‘to kaysa sa taas at something… a pressure?” Napataas ang isang kilay niya.
Natigilan si Lorrence sa paglalakad at humarap sa kan’ya. Napahinto rin siya sa paglalakad.
“Oh! I guess what you mean. We are here at the bottom of the ship.”
“What? Parang hindi ko ramdam kanina.”
“This deck is thirty feet below the sea level. Malapit na tayo sa engine.”
Napanganga siya. “Wow! You mean, I can see the underwater species?”
Tumango ito. “Exactly!”
Parang gusto niyang tumalon sa tuwa. Nalibot niya ang barko maliban sa engineering at bottom deck. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Ilang hakbang pa ay madadako na nila ang silid ni Lorrence.
“I’m so excited to see your room,” tuwang sabi niya.
“And excited to hug me there?” biro nito.
“Puro ka kalukuhan.”
Natigilan si Lorrence. Tumapat ito sa pinto. Sa tingin niya ay ito na ang cabin nito. Sinundan lang niya ng tingin ang pagbukas at pagpihit nito sa seradura matapos susian.
Tahimik lang siyang sumunod dito. Pagkabukas ay pinatiuna siya nito. Sumunod naman kaagad ito at ini-lock ang pinto. Manghang-mangha siya nang makita niya ang maluwang na silid.
“Wow!” napahanga siya. “Ang ganda naman ng kuwarto mo. Mas maganda pa yata ito sa executive room ng mga guest room ah.”
Inaasekaso ni Lorrence ang pagkain sa mini-dining table. Panay ang libot niya ng tingin sa kabuuan ng kuwarto. May sarili itong mini-bar sa loob. Centralized ang air-con, may sariling banyo, at mini-sala set.
Nang mapansin niya ang natatakpan ng ocean-blue na kurtina ay na-curious siya. Nilapitan niya at hinawi ito. She was amazed looking at the outside of the round glass window. May mga nakikita kasi siyang colorful na mga isda at kung anu-anong mga buhay na nilalang na lumalangoy at dumadaan sa clear glass window.
“Wow! They’re beautiful! First time kong makakita ng underwater view na hindi ako nababasa,” tuwang saad niya.
“Lahat ng bintana rito ganyan ang makikita mo sa labas,” anito habang abala sa paghahain.
“Really? Wala bang pating dito?”
“Minsan may mga baby shark or big shark talaga. Hindi naman kasi maiwasan na makakita ng mga nilalang sa dagat lalo na nasa gitna tayo ng karagatan.”
“Nakatatakot din pala kung iisipin. Hindi ba nila mababasag ang salamin ng bintana?”
Napangisi si Lorrence nang hindi niya nakikita.
“Makapal at matibay ang salamin niyan. Laban din yan sa malakas na pressure sa ilalim ng tubig.”
“Amazing!”
“Halika na! Kumain muna tayo. Tikman mo ‘tong special seafood na inurder ko,” anyaya nito sa kan’ya.
Iniwan muna niya ang pinapanood at hinayaan lang na nakahawi ang kurtina. Tumungo siya sa kinaroroonan ni Lorrence. Hinila nito ang upuan para sa kan’ya at inalalayan siyang umupo.
Umupo na rin ito. Inasekaso siya nito. Natutuwa naman siya sa ginagawa nito.
“How’s the taste?” tanong nito nang matikman niya ang grilled squid.
Napa-thumb’s up siya at tumangu-tango. “Perfect!”
“I ordered the different menu. Tikman mo lahat.”
“Talagang bubusugin mo ako ah.”
“Oo naman. Manonood tayo mamaya ng underwater view. There’s a huge glass window here na makikita nang malakihan ang view sa labas.”
“Really? Wow! I can’t wait to see.”
“Kumain muna tayo. Gawin natin ito nang madalas.”
Ngumiti siya. “I agree.”
Nag-e-enjoy siya na kasama si Lorrence. Bukod sa masarap ang inihain nitong dinner nila ay masaya pa itong kausap.
“Did you enjoy the food?”
“Yeah! Thanks for the delicious dinner.”
“Don’t mentioned it. You deserved it.”
Tinulungan na niya ito sa pagliligpit ng kinainan nila at pati sa paghugas. Lalo niyang na-appreciate ang katangian ni Lorrence. Kahit medyo malayo ang agwat ng edad nito sa kaniya ay natatangay siya ng pagiging matured nito.
Palibhasa’y ini-spoiled siya ng mommy niya at hindi sinanay sa mga gawaing bahay. Lorrence would be a perfect man for her. Kahit sinong babae ay kayang mahalin ito. Kaya minsan naisip niyang pasalamatan ang naging kabiguan niya at ang isang gabing nakasama niya ito.
“Where’s the huge window?” paghahanap niya.
“In the bathroom.”
“What?” gulat na tanong niya.
Napangisi si Lorrence sa naging reaksiyon niya. “Ano naman ang problema sa sinabi ko?”
Umiling siya. “You mean, habang naliligo ka, pinapanood ka ng mga nilalang sa dagat?”
“Yeah! They love watching my nakedness,” he proudly said.
Napapailing siyang nakangisi. “Ang lakas talaga ng loob mo.”
“Why not? Ano naman ang malay nila sa katawang lupa ko? Maliban na lang kung may serenang ma-in love sa akin at magustuhan ang katawan ko,” pilyong sabi nito.
“Papatulan mo naman?” bahagyang sumeryosong sabi niya.
“Basta kamukha mo, maybe yes.”
Kinurot niya ang tagiliran nito. Napakislot naman ito sa ginawa niya.
“You want to take a shower with me?” alok nito.
Biglang uminit ang mukha niya.
“Katatapos ko lang mag-shower.”
“Puwede ka naman mag-shower ulit.”
Iniwasan na lamang niya ang mga mata nitong tila sinusuyo siyang pagbigyan ito.
“Baka magkasakit ako sa kabababad ko sa tubig.”
Tinapos muna nila ang paghuhugas. Pagkuwa’y iginiya siya nito para maupo sa sofa. Nauna itong naupo at kinabig siya nito to sit on the top of his lap. Yakap nito ang kabuuan ng baywang niya.
Pumulupot naman ang mga kamay niya sa leeg nito. Tinitingala nito ang mukha niya at panay ang sulyap sa mga mata niya pababa sa mga labi niya.
“I just wondering why the company compared the ship’s terms to a land base hotel,” aniya.
“What do you mean?”
“Itong barko. Instead na magkaroon ng sariling terminology, ginagawa pa rin sa mga hotel ang tawag. Dapat nga hindi executive housekeeping supervisor ang tawag sa akin.”
“Ano pala ang dapat?”
“Hindi ko alam sa company. Pero ang term kasi na ginamit to my position ay term sa land base hotel.”
“Whatever they named it. Ang importante, pareho lang ang trabaho. Depende naman kasi sa kompanya iyan kung paano nila pangalanan ang mga staff nila.”
“Okay. Never mind it.” She smacked on his forehead.
“Are you aware of the prizes we won?”
“How about it? Hindi ko pa kasi alam kung kailan ibibigay ng company.”
“The company already gave it to me. Paghahatian sana natin iyon.”
“Sana? What do you mean?” kunot-noong tanong niya.
“I want to give it to you the whole amount.”
“Why? Paano ka?”
“I don’t need it. Isipin mo na lang na regalo ko na sa iyo ‘yon.”
“Ang laking halaga niyon para solohin ko.”
“Kung reregaluhan mo ako, dapat ikaw ang bibili. Walang excitement kapag pera ang ibibigay mo. I want something… surprising!”
Napangiti si Lorrence. “Puwede rin. So, gano’n na lang?”
Tumango siya. “I want to see the underwater view in a huge window, please!” pag-iba niya sa usapan.
“Let’s go!” ganyak naman ni Lorrence.
Kumilos ito. Kumalas ang yakap nila at tumayo siya. Hinawakan nito ang kamay niya at banayad siyang hinila papunta sa banyo.
Hindi siya makapaniwala na maluwang ang loob ng banyo. Full glass ang shower room at siguradong visible sa loob ang naliligo. May bathtub na nakadikit sa bintanang salamin at kung magbabad ay parang nasa ilalim lang ng dagat ang pakiramdam.
Halos apat na dipa ang lapad ng semi-oval shape na bintanang salamin kung saan matatanaw ang lamang-dagat. Dahil mabilis ang takbo ng barko kaya mabilis ding nadadaanan ang mga tanawin.
“Ang ganda! Ang laki pala ng bintana rito. Kitang-kita ko ang laman ng dagat,” tuwang sabi niya.
Nakatingin lang si Lorrence sa kan’ya habang nakasandal sa dingding ng banyo at nakahalukipkip. Gabi na pero ang ilaw ng barko sa ilalim ang nagbibigay liwanag sa mga tanawin.
Lumapit siya sa bintana at inilapat niya ang mga palad habang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas. Para siyang bata na giliw na giliw sa pinapanood. Hindi na niya alintana kung gaano siya katagal na nakatingin sa labas.
Napakislot na lamang siya nang biglang maramdaman ang mga kamay ni Lorrence na namulupot sa kabuuan ng baywang niya. Pati ang mainit na hininga nito sa batok niya.
“If I could wish, dito ka na lang sa kuwarto ko para lagi akong may kasama,” anas nito malapit sa tainga niya.
Napangiti siya. Gusto niya ang pagkakayakap nito sa baywang niya. He made her body warm sa kabila ng malamig na air-con sa loob. Her body needs him as long as they’re both in a private place.
Mapusok si Lorrence at kahinaan talaga nito ang kagaya niyang may kaakit-akit na kaseksihan. Aminado rin naman siya sa sarili na hinahanap niya ang presensiya ni Lorrence. Not just in a lust needs, she also loves him.
Halos mawala siya sa wisyo kapag naiisip na may ibang babae na kagigiliwan ni Lorrence. Love at one night stand na kung iisipin. Pero tinamaan talaga siya sa lalaking bumago sa sistema niya.
“Sorry if I can’t resist. I’m in the right age to feel this way. I think, you waking up my soul,” mahinang sabi nito habang sinsiil nito ng halik ang makinis na leeg niya.
“Ang dami mo nang sinabi. Alam ko naman ang gusto mong mangyari,” panghuhula niya.
Naging malikot ang mga palad nito. Mula sa baywang niya ay naglakbay ito sa malulusog na yaman niya sa dibdib. Napapapikit siya tuwing kikilos ang mga palad nito sa dibdib niya.
Lalong uminit ang pakiramdam niya nang siilin nito ng halik ang puno ng tainga niya. Nakagat niya ang ibabang labi nang unti-unting ibaba ni Lorrence ang zipper ng bistida niya mula dibdib hanggang tiyan.
Nakatalikod pa rin siya rito. Nakadikit pa ang mga palad niya sa salamin ng bintana. Habang nilalaro ng mga labi nito ang batok niya ay lumikot ang mga kamay nito para ibaba ang bistida niya.
Walang imik na tumalima siya. Ibinaba niya ang mga kamay at tuluyang nalaglag sa sahig ang suot niya. Pikit-matang humarap siya. Hindi nito pinalampas ang mga labi niya. Siniil na siya nito ng halik.
Tinanggal nito ang natitirang takip sa dibdib niya. Naglakbay ang mga labi nito sa leeg niya pababa sa malusog niyang yaman sa dibdib. Napaawang ang mga labi niya nang maramdaman ang init na masuyong naglalaro sa isang umbok niya sa dibdib.
Dumiin sa salamin ng bintana ang likod niya. Naglakbay ang mga palad niya sa mga matipunong balikat nito. Hanggang sa magkusang tanggalin niya ang pang-itaas na suot nito.
Hindi nakatiis si Lorrence na nakatayo lang sila. Hinila siya nito patungo sa loob ng shower room. Siya na ang nagkusang ibaba ang natitirang balot niya sa pang-ibaba. Nagtanggal din ito ng lahat ng suot nito.
Sandali nitong binuksan ang shower para basain ang sarili nila. Isinara rin nito pagkatapos. Saka siya nito hinalikan sa mga labi. Tinugon naman niya ito at sinabayan ang paglikot ng mga kamay nito.
Naging mapusok ang paglalakbay ng mga palad nito sa maseselang bahagi niya. Hindi na niya ito naawat nang pakawalan nito ang mga labi niya saka gumapang ang halik pababa sa dibdib niya. Animo’y gutom na gutom kung dakmain at tamasahin nito ang mga yaman niya sa dibdib.
Napaupo siya sa basin ng bathtub. Lalo itong ginanahan at ibinuka pa nito ang mga hita niya. Hindi niya inaasahang maglaro ang mga labi nito sa hiyas niya. Hindi niya malaman kung saan siya kakapit nang magustuhan niya ang kalikutan sa ibaba niya.
She grab his hair nang maramdaman ang mainit na sensasyong naglalaro sa loob ng kaharian niya. Habang lumilipas ang mga sandali ay lalo siyang umaalab. Sumagi sa balat niya sa binti ang nangangalit na sandata nito.
Ilang saglit pa ay umangat ito at naupo sa gilid ng bathtub at iginiya siya nito patayo. Pagkuwa’y pinaupo siya nito sa pagitan ng mga hita nito. Alam niyang nakaumang na ang tirik na sandata nito. Tumalima naman siya at sabik pang naupo sa tapat nito.
Humigpit ang pagkakapit niya sa magkabilang balikat nito. Pikit-mata at umawang ang mga labi niya nang unti-unting pumapaloob ang mahabang sandata nito sa hiyas niya. Damang-dama niya ang init nito sa loob niya.
Sinimulan na niya ang pagsayaw sa ibabaw nito. Buong-buo nang nilamon ng hiyas niya ang sandata nito. Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong dala ng pagkilos ng sandata nito sa loob niya.
Habang binibilisan niya ay lalo itong ginaganahan. Nilalaro ng mga labi nito ang yaman niya sa dibdib na lalong nagpainit sa nararamdaman niya. Kung hindi mapaawang ang mga labi ay napapakagat siya ibabang labi.
Tanging mga halinghing at ungol lamang nila ang nagsasagutan at maririnig sa kabuuan ng shower room. They made different styles na nagpasarap at nagpainit sa gabi nila. Making love in the shower room was not enough. Itinuloy nila sa malambot na kama.
They explore many styles that made them contented. It was a perfect night for Lorrence na makaniig at makatabi siya sa magdamag.