Chapter 6

2282 Words
ABALA si Lorrence sa katututok sa system ng surveillance cameras na connected sa bawat sulok ng barko. Hindi na niya namamalayan ang paglapit ni Jake Walter sa likuran niya. Suot niya ang full-black security suite. May swivel chair siya pero hindi niya inupuan. Nagtitiyaga siyang tumayo at nakayuko sa monitor. “Mukhang nag-enjoy ka kagabi,” anas na panunukso ni Jake. Saglit siyang natigilan. May dalawa pa silang kasama sa loob ng head quarters nila pero abala ang mga ito sa tapat ng computer. “Sigurado ka ba’ng ikaw lang ang nakakita sa amin kagabi?” pangungumpirma niya kay Jake. “Sigurado ako. Sinundan talaga kita para maabisuhan ka kapag may papunta roon sa area n’yo. How is she?” Si Hymae ang tinutukoy ni Jake. “Going better. Okay naman siya. She's great.” “Jackpot ka sa kan’ya, buddy! Maganda, seksi, at smart. Hindi n’yo ba napag-usapan ang premyo na paghahatian n’yo?” “Not yet. Parang hindi siya aware. But I think, ibibigay ko na lang sa kaniya ang lahat,” aniya. “Mahigpit lang ang kumpanya pero taun-taon na namimigay ng one hundred thousand dollars. Kung ako lang siguro ang nanalo, bababa na kami ni Alice ng barko at pakakasalan ko agad siya,” napapangiting sabi ni Jake. “Nag-assumed ako, akala ko makakapag-asawa na ako,” nalulungkot na sabi niya. “What do you mean?” “Umasa talaga ako na aaminin ni Hymae na buntis siya. Hindi pa pala. Pero, okay na rin para hindi ko masira ang career niya. Nag-e-enjoy pa siya sa trabaho niya. Ang mahalaga, pareho na kami ng nararamdaman.” “Na-love at first s*x ka talaga sa kaniya. Huwag mo nang pakawalan, maraming mag-aagawan sa kan’ya kapag pinalaya mo.” “Hindi talaga. She’s mine now.” Si Jake lang ang mapagkakatiwalaan niya at nasasabihan niya ng mga personal na problema niya. Alam nito lahat ang kuwento ng buhay niya. Magmula nang makilala niya si Hymae ay ini-fixed na niya ang schedule niya sa pang-umaga. Sinabayan din niya ang araw ng day-off nito para makasama niya. Siya ang may control ng system ng cctv at sina-shutdown niya ang mga camera sa mga pribadong lugar kung saan sila nagkikita ni Hymae. Sinadya niyang yayain sina Jake at Alice para makasabay si Hymae sa tanghalian. Group lunch sila para walang makahahalata. Nauna na sina Alice at Jake sa second floor. Hindi kasi niya naabutan si Hymae sa department nito dahil tumungo ito sa bar kung saan naroon si Marlon. Umakyat siya sa panglimang palapag. Tinungo niya ang bar. Kaunti lang ang guest doon. Tumingkad sa paningin niya ang babaeng nagpapatibok sa puso niya. Papalapit pa lang siya ay inirapan na kaagad siya nito. Sanay na siya sa ganoong titig nito. Gano’n talaga ito kung bumati sa kaniya. Mas natutuwa siya kapag iniirapan siya nito dahil lambing ‘yon para sa kan’ya. “Uhm!” naglinis ng lalamunan si Marlon nang tabihan niya ang dalaga sa pag-upo. “Ano’ng kailangan mo, Mr. Smith?” bungad na tanong nito sa kan’ya. “Mag-lunch tayo sa baba. Nandoon na sina Alice at Jake,” anas niya nang bahagyang inilapit ang mukha sa mukha nito. “Go na kayo, girl! Mauna ka nang bumaba para walang makapansin,” tuwang suporta ni Marlon. “Okay, sumunod ka kaagad,” nakangiting sabi nito sa kaniya. “Bye, girl!” paalam nito kay Marlon. Kumaway lang si Marlon at sinundan si Hymae ng tingin hanggang sa makalayo ito. “Sure! Susunod ako,” tugon niya. Nauna na itong naglakad papuntang elevator. Sinundan niya ito ng sulyap. Walang kasawa-sawa na pinagmamasdan niya ang magandang katawan nito. Halos magka-stiff neck na siya sa kalilingon. “Uy, Lorrence! Huwag mo namang tunawin sa katititig mo ang kaibigan ko!” pilyong saway ni Marlon sa kaniya. “Okay. Sige, maiwan na rin kita. Susubuan ko pa ang prinsesa ko,” aniya at paalam kay Marlon. Sumakay na rin siya ng elevator. Nasasabik siyang makasabay si Hymae sa pagkain. Pumasok siya sa restaurant. Marami na ang naroon. Hinanap niya ang mga kasama niya. Pagkakita’y lumapit siya. Kaagad naman na inalok ni Jay ang upuan para sa kan’ya. Magkatabi sila ni Jake habang magkatabi naman sina Hymae at Alice. Natutuwa siya dahil si Hymae ang namili ng kakainin niya. Naka-ready na ito sa lamesa. “Sana ganito tayo palagi,” tuwang sabi ni Alice. “Puwede naman e,” wika ni Jake. Panay ang sulyap niya kay Hymae. Napapangiti siya tuwing iirapan at ismiran siya nito. Alam niyang sa kaniya lang nito ginagawa ang ganoong reaksiyon ng mukha nito. Kahit gano’n, hindi nagbabago ang kagandahan nito para sa kaniya. “Magpakabusog ka, ha! Dapat maubos mo ‘yan,” utos nito sa kaniya. Natutuwa naman siya sa simpleng pag-asekaso nito sa kaniya. “Basta ikaw, masusunod po,” aniya sa kasintahan. Ngumiti ito. Parang hinaplos ang puso niya sa tuwa. Kulang na lang ay ulamin na niya ito. “Dahan-dahan, buddy. Baka mabulunan ka,” pilyong puna ni Jake sa kaniya. Nagtawanan ang dalawang babae. Masaya siya sa bonding nilang apat. Hindi nga lang puwedeng tumagal ang pagtambay nila sa restaurant dahil thirty minutes lang ang lunch-break nila. Hindi rin sila sabay-sabay na lumabas. Magkasama na lumabas sina Alice at Hymae. Siya naman ay kasabay si Jake. Pero naunang bumalik sa headquarters nila si Jake. Saglit muna siyang nag-ikut-ikot. Marami kasi ang mga bagong guest. Busy ang elevator at escalators dahil sunud-sunod ang pag-akyatan ng mga guest. Eksaktong alas-sais ng gabi ang departure ng barko bound to Asia, specifically to Japan. Naka-open-jaw sailing kasi ang barko which means ay itenerary that begin and ends in different ports or one-way cruise. Nagtawag na rin siya ng dagdag na security sa arrival area. Bago pa man nagbukas ang arrival area ay nakapag-assign na siya ng mga security at mga K9-dogs para sa mga luggage checking. Bukod sa mga body at luggage scanner ay may mga security na nagbabantay. Nag-iikot naman ang iba. Sa arrival lang sila nahihirapan dahil iba’t ibang bansa at mga lahi ang sumasampa sa cruise ship. Masusing paggalugad ang ginagawa ng team niya para sa siguridad ng lahat. Saka lang siya bumalik sa headquarters matapos malibot at ma-secured ang area. Abala rin ang mga kasama niya sa pag-monitor sa mga surveillance camera. “Mukhang mas marami ang dumating kaysa sa umalis,” wika ni Jake nang makalapit ito sa kaniya. “Marami siguro ang mamamasyal sa Japan. Ang iba kasi, tour lang nang tour. Walang balak bumaba.” “Right! Kahit ako siguro ang bilyunaryo, gagawin ko rin ‘yan. Libutin ko ang buong mundo,” masayang saad ni Jake. “Oo nga pala, nabalitaan mo na ba?” pag-iba nito sa usapan. “Ang alin?” “Bumalik pala si Zandra? Inamoy lang ang Europe, saka nagpa-booked ulit. Mamayang gabi malamang ay amoy mo naman ang hahanapin niya,” pagbabatid nito. “Patay ako diyan. Baka dahilan na naman iyan para awayin ako ni Hymae,” nag-aalalang sabi niya. “Hindi mo naman type eh. Iwasan mo na lang. Sa dinamirami ng lalaking dumaan sa kan’ya, ikaw pa talaga ang binabalik-balikan niya,” napangising wika nito. “Hindi niya lang ako makuha-kuha kaya gano’n.” “Lakas talaga ng karisma mo sa babae, buddy! Mag-iingat ka lang, parang matapang si Hymae. Huwag mong hayaang magkagulo. Sigurado ang bukingan niyan kapag nagkataon.” “Hindi naman, Jake. Iba si Hymae. Kahit selos na selos na siya, hindi siya mag-eeskandalo,” tanggol niya sa kasintahan. “Ang suwerte mo kung gano’n. Basta alagaan mo ang relasyon n’yo. Hayaan mong maglaway si Zandra,” payo nito. Natutuwa naman siya sa suportang ibinibigay ng kaibigan. Hindi rin naman kasi ito naglilihim sa kan’ya. Pati ang relasyon nito kay Alice ay alam niya. Pero hanggang sa kanilang dalawa lang ang lahat ng napag-usapan nila. Pagkatapos ng duty niya ay kaagad niyang pinadalhan ng mensahe si Hymae. Tinatanong niya ito kung gusto nitong sumabay mag-dinner sa kan’ya. Hindi ito kaagad na nag-reply sa chat niya. Sinubukan niyang tawagan sa cabin steward department pero busy ang linya. Naghintay muna siya ng kalahating oras sa kuwarto niya. Hindi siya nauubusan ng pananabik na makasama ang nobya. Akmang mahihiga sa kama ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Kaagad niyang dinampot at sinagot. “Kararating ko lang sa room ko. Medyo pressured kasi kanina dahil sa embarkation. Marami kasi ang dumating onboard. How are you?” bungad na sabi sa kabilang linya. “I’ve been waiting for you, sweetheart! Would you mind if dito na lang tayo sa room ko mag-dinner?” “Hindi ko alam diyan. I’m tired,” tugon nito. “Sunday naman bukas, day-off natin. Kahit dito ka na matulog,” alok niya. “How?” “I’ll go to your room. Susunduin kita.” “Okay. But give me half an hour, I need to take a shower first,” anito. “Sige. Pupunta muna ako sa resto, uurder ako ng kakainin natin. Just call me if ready ka na.” Masaya siya sa hindi nito pagtanggi sa alok niya. Lumabas siya at tumungo sa luxury restaurant sa seventh deck para um-order ng pagkain. More on fine dining ang serbisyo roon pero nag-oder siya for take-out. Napakaelegante ng arrangement sa loob ng restaurant. Madalas ay mga mayayamang tao ang kumakain doon. Bukod sa satisfying ang lugar ay masasarap ang mga menu na sini-served doon. Umurder siya ng chicken cordon blue, chef salad, and grilled squid. Marami pa siyang napiling menu na ipatitikim niya kay Hymae. Kumuha na rin siya ng white wine. Habang hinihintay niya ang kan’yang order ay hindi inaasahang sumulpot doon si Zandra. Huli na nang iwasan niya ito ng tingin. Nakita na siya nito. May kasama itong babae na kasing-sosyal din nito. Dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan niya. Nakaupo kasi siya sa upuan ng round table for two. Maganda naman talaga si Zandra. Mahilig ito sa red clothes and accessories. Halos luwa ang mga umbok ng dibdib nito sa suot na backless dress na above the knee. Pantulog na yata nito na pinuluputan lang ng red wool scarf ang leeg. Malayo pa lang ay ngiting-ngiti na ito na nakatingin sa kan’ya. Nagsasalitan ang pag-eekis ng mga paa nito na tila rumarampa sa entablado. Iniiwasan niya ito ng tingin. Iniwan pa nito ang kasama dahil lang nakita siya nito. “How are you, darling?” kaagad na bati nito. Kaagad siyang tumayo nang akmang yayapusin siya nito. Nagtataka naman ito sa kilos niya. “I’m good, thanks, Miss Marquez!” maayos na sagot niya rito. Parang nakaramdam ito ng pagkapahiya nang bahagya niyang nilayuan. Nagkagat-labi itong lumapit at hinaplos ang dibdib niya. Humubog kasi sa puting t-shirt niya ang matipunong dibdib niya. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at inalis sa pagkakadikit sa dibdib niya. “I’m sorry, Miss Marquez, I have to go,” mahinahong paalam niya. Tamang-tama naman kasi na dumating ang take-out order niya. Dismayadong nakasunod ang tingin ng babae sa pagtanggap niya ng order mula sa waiter na lumapit. “Until now, you keep on rejecting me? Is there something wrong with me that you don’t like?” mga tanong nito sa kaniya. “I’m sorry, Miss Marquez! You’re the most respectful guest of this ship. I respect you for that. Please, as I always told you, I treat you as a valuable guest,” paliwanag nito. “I like you!” walang kagatul-gatol na sabi nito. “Thank you. Excuse me!” tugon niya rito at saka umalis. Gigil na gigil na sinundan siya nito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng restaurant. Hindi na niya alam kung paano naging ekseheradang nagda-drama si Zandra sa loob. Sumakay siya sa elevator pababa sa bottom deck. Naroon kasi ang kuwarto niya. Malapit lang sa engineering at captain’s area. Fully-air-conditioned at matatanaw ang under the sea view sa pamamagitan ng makapal na bintanang salamin. Ngunit bago siya makataring sa kuwarto niya ay nakasalubong niya ang head engineer na si Jorge. Malapit lang doon ang kuwarto nito. “Oh! Mukhang maparami ka ng kain niyan. Magkukulong ka na naman ba maghapon bukas?” wika ni Jorge nang mapansin ang magkabilaang hawak niya sa paper bag na naglalaman ng pagkain. “Oo! Dating gawi, Jorge,” napapangiting sabi niya rito. Hindi lang niya masabi na may bisita siya mamaya. May asawa na ito sa ‘Pinas pero alam niya kung ano ang mga kalukuhan nito. May bar sa 9th floor na dinadayo ng mga mayayamang guest, mga kalalakihan lang. May mga babae na puwedeng i-table roon at ang iba ay special services. Gumagastos si Jorge ng malaki para lang mapunuan ang pangangailangan nito bilang isang lalaki. Pero kahit kailan ay hindi niya ito tinularan kahit na hinihimok siya nito. Hindi lang ang katulad ni Jorge ang gumagawa niyon. Kahit mahigpit ang kompanya, may lumalabag pa rin. Isa na siya roon. Pero sa isang dekada niya sa laot ay iisang babae lang ang nagalaw niya. Kaya gano’n na lang ang pananabik niya kay Hymae ito lang kasi ang pumuno sa pangangailangan niya bilang isang lalaki. Nakalayo na si Jorge nang tingnan niya. Nahuhulaan na naman niya ang gagawin nito. Noong nakaraang gabi kasi ay nakita niya ito na may babaeng dinala sa kuwarto nito. Kinaumagahan na nang lumabas ang babae. Hindi niya pinakikialaman ang galaw nito. Wala rin naman kasi itong pakialam kahit magdala man siya ng kasama sa kuwarto niya. Nasa loob na siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Hymae ang nag-chat sa kan’ya. Sinasabi nito na ready na niyang sunduin sa kuwarto nito. Hinayaan muna niya sa ibabaw ng round table ang binili niya. Tumungo siya ulit sa elevator para puntahan ang dalaga sa kuwarto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD