Chapter 10

2217 Words
GINISING ng tuloy-tuloy na alarm ang masarap na tulog ni Hymae. Bumangon siya nang maalala na may trabaho siyang naghihintay. Ini-off niya ang maingay na alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at tumungo sa mini-kitchen niya. Uminom muna siya ng maligamgam na tubig para buhayin ang natutulog na dugo niya. Nakasanayan na niya ang uminom ng maligamgam na tubig pagkagising sa umaga. Eksaktong nailapag niya sa lavatory ang baso nang tumunog ang cellphone niya. Tinungo niya muli ang kama. Dinampot ang cellphone na nakapatong sa bandang paanan ng kama. Saglit lang ang tunog at pagkuwa’y tumigil din. Binuksan at binasa niya ang dumating na mensahe. ‘Good morning, Miss Skylor! This is to inform you that we will having a conference meeting today around eight in the morning at the fifth deck. Your attendance is a must. Thank you.’ Si Louie ang nagpadala sa kaniya ng mensahe. Kinumpirma naman niya kaagad na makararating siya. Hindi nga lang niya maiwasan ang lihim na tanong kung ano ang pagmi-meeting-an nila. Unang tumatak sa isipan niya ang gaganaping kaarawan ni Zandra. May dalawang oras pa bago magsimula ang meeting. Binilisan niya ang pagligo at pagbihis. Balak kasi niyang tumungo muna kay Marlon na mas maaga ng dalawang oras ang duty kaysa sa kaniya. Alam niyang nasa bar na ito. Kumain lamang siya ng nakasanayan niyang almusal bago lumabas ng kaniyang kuwarto. “Oh! Good morning sa maganda kong kaibigan!” masayang bati sa kaniya ni Marlon habang papalapit pa lamang siya sa bar counter. Wala pang guest si Marlon nang madatnan niya. Pumuwesto muna siya sa upuan. Nasa loob ito ng counter. “Good morning too, Marlon!” tugon niya. “Long time no see yata tayo ah. Mukhang busy ka kay Lorrence, ano?” nakangising panghuhula nito. She looks vibrant sa business attire niyang pares na black blazer at mini-skirt. White tube ang panloob na dinublehan niya ng blazer. “Pasensiya ka na, girl ha kung minsan na lang kita nadadalaw.” “Ano ka ba, okay lang sa ‘kin. As long as happy ka, happy na rin ako,” maarteng sabi ni Marlon. “Kasali ka ba sa meeting mamaya?” Nakaharap ito sa kaniya. “Oo naman. Supervisor kaya ako rito. Visor na all around din ang trabaho.” “Sabay na lang pala tayong pumunta sa conference room. Eight din naman kasi ang work ko. Hindi naman siguro questionable kung maaga akong tumambay rito.” “Naku! No cares naman ang management. Basta alam mo kung ano’ng oras ang pasok mo. Oo, sabay na tayo. Papasok naman mamaya ang isang kasama ko before mag-eight.” “May idea ka ba kung tungkol saan ang meeting natin?” Bakas sa mga mata niya ang pag-alala. Sinipat ng tingin ni Marlon ang mukha niya saka humalikipkip. “Uhm! Mukhang nahuhulaan mo na, girl. Nakikita ko sa mga mata mo ang pagmumukha ni Zandra.” Napangisi siya. “Talaga? May third eye ka ba?” “Meron! Nasa dulo ng ilong ko,” pilyong sagot nito. “Iyong totoo.” Sumeryuso ang mukha niya. “About ba talaga kay Zandra?” Tumango ang kaibigan. Bahagyang inilapit ang mukha sa kaniya. “Pa-sosyal na naman ang bruha, girl,” anas nito sa kaniya. “Akalain mong panay lalaki lang ang inimbita niya. Juice ko day bonggang harutan na naman ito.” “Are you invited too?” Sumimangot ito. “Kaloka! Girl ako, ‘no! Mas maganda pa kaya ako sa kan’ya,” maarteng angil nito. “Seriously, wala kang invitation?” seryusong tanong niya. Bigla itong ngumisi. “Biro lang. Oo, kahit bakla ako she invited me also. Ako kaya ang katsukaran niyan kapag wala nang may gustong kumausap sa kaniya, charot lang!” Napangisi siya. “Pang-no choice ka pala niya. So, pupunta ka?” “Oo naman. Baka bigla siya magka-menopause kapag hindi ako dumating, charot lang! Mag-e-emcee pa nga ako eh.” Napansin nito ang matamlay na mukha niya. Inaabangan nito ang magiging reaksiyon niya. “So, tuloy talaga ang party bukas ng gabi?” walang kabuhay-buhay na tanong niya. “Sure na. Liliit ang dibdib niya kapag hindi siya mag-celebrate ng birthday niya. ” Wala sa loob na mapangiti siya. “Nag-aalala lang ako baka sunggaban niya ang pagmamay-ari ko.” “Asus! Wala pa nga nagseselos ka na. Anyway, puwede ka naman pumunta eh. Akong bahala. Ako naman ang organizer ng party kasi cocktail party lagi ang choice ni Zandra.” “Talaga? Paano?” “Sabihin kong isa ka sa mga galamay ko para iayos ang party. Isasama natin si Alice para bongga ang tandem. Dapat present ang tatlong diyosa ng barko. ” Natawa siya sa sinabi nito. Naaliw tuloy siya sa halip na mag-alala. Hinintay lang nila na dumating ang kasama nito sa bar. May kalahating oras pa bago magsimula ang meeting. Dumating na ang kasama ni Marlon na papalit dito. Nauna na sila ni Marlon sa conference room. Silang dalawa pa lamang ang naroon. Mabuti na lamang at magkatabi ang kanilang upuan. May mga nakasulat na kasing pangalan sa lamesa na katapat ng upuan. “Talagang itinadhana tayo para maging magkaibigan,” wika ni Marlon nang sabay nilang hinila ang upuan na nakasiksik sa ilalim ng mahabang conference table. Ngumiti naman siya. “We’re meant to be friends.” Sabay rin silang umupo. Napansin ni Hymae ang pangalan ni Lorrence. Nasa tapat lang niya ito. Malamang ay magkaharap sila nito mamaya. “Lahat ng department heads ay a-attend ng meeting. Ganito kaespesyal na tao si Zandra. Nabubulabog ang buong barko tuwing birthday niya,” napapangiwing saad ni Marlon. “Obvious naman e. Sana all famous. Pero hindi ko carry ang trip niya.” “Hayaan mo, rarampa tayo bukas.” Bigla siyang napalingon sa katabi at nagtataka. “Para saan?” “Wala lang. Rarampa lang tayo habang nagpa-party. Marami ang malalasing. Tagasalo tayo ng matutumba. Tagabuhat ng mapaplakda at tagapunas ng mga tulo-laway sa kalasingan.” “Huh?” Napaawang ang mga labi niya. “Seryuso ka?” Napahagikgik si Marlon. “Grabe, kaloka ka. Paniwalang-paniwala ka naman na gagawin natin iyon.” “Pero talaga bang gan’on magpa-party si Zandra?” “Oo. Wild pa sa wild life. Kaya hindi naiiwasan na maiisyu siya sa ibang empleyado here. Tibayan mo na lang ang sikmura mo kapag nasa party ka na. Magbaon ka na ng loperamide, anti-vertigo, at krimil-s.” Naluka siya sa mga pinagsasabi ni Marlon. Kaya gustong-gusto niya itong kasama dahil buhay na buhay ang diwa niya sa mga kalokohan ng bibig nito. Habang nagkukuwentuhan sila ay unti-unti naman ang pagdatingan ng mga kasama nila sa meeting. Iniba na lamang nila ang topic baka may makarinig sa kanila na puro si Zandra na lang ang namamayagpag sa usapan nila. Ipinakita na lamang niya kay Marlon ang mga picture na kuha niya kahapon sa bottom deck. Namangha naman ang kaibigan. Abala sila sa kapanonood sa gallery ng cellphone niya at hindi namalayan na halos makompleto na ang mga miyembro. Pati ang pagdating ni Lorrence ay hindi na niya namalayan. Tumikhim si Lorrence. Sabay pa silang napapiglas ni Marlon. Kaagad naman niyang isinara at itinago ang cellphone. “How are you, Lorrence?” maarteng bati ni Marlon kay Lorrence. “I’m good. Good morning to you, girls!” bati naman ni Lorrence sa kanilang dalawa. Sinipat niya ito ng tingin at ngumiti. Panakanaka siya nitong sinusulyapan sa mukha. Naiilang naman siya na pasimpleng sinusulyapan ang ibang mga miyembro na naroon na sa conference room. Magkasunod na dumating sina Louie at ang limampung taung gulang na cruise head director na si Harold Bret. Si Harold ang magho-hold ng meeting. Nang makompleto na sila ay sinimulan na nito ang meeting. Nakatuon ang pansin ni Hymae sa pagbungad ng salita ni Harold. Binanggit nito na ang agenda ng meeting ay about sa birthday celebration ni Zandra. Umalingawngaw sa loob ng conference room ang pangalan ng modelo. “Everyone is aware for tomorrow night celebration of Miss Marquez, right? I want to hear about the preparation of every department. The event will be covered live worldwide. Let us start from the food and beverage department. Mr. Marlon Dwayne, please!” Tumayo naman si Marlon. Tiningnan muna nito sa cellphone ang nai-save na guidelines para sa speech nito. “Marlon Dwayne from fifth deck, Cruise bar department. Sir Bret, we have sufficient stocks for cocktails and requested mixed liquors. The concept is red, the bar set-up with round table for six. On the bar drinks with humanoid robot bartender. Foods are on skirted buffet table. We can accommodate for about a minimum of five hundred guests,” paliwanag ni Marlon. Nakikinig pa lang si Hymae ay nalulula na siya sa kalalabasan ng party. Alak ang namamayagpag sa statement ni Marlon. Tungkol sa inumin at set-up ng restaurant na gaganapan ng birthday celebration ni Zandra ang toka nito. Pagkatapos ni Marlon ay sumunod ang Galley department o kitchen department. Covered pa rin ng Food and beverage. Ang galley chef cook ang nagsalita tungkol sa menu na ihahanda sa kaarawan ng modelo. Sumunod na siya. Tinanong ni Harold ang availability ng mga linens na gagamitin sa skirting at set-up. Wala siyang kudigo. Mula sa isip niya ang mga sinabi. “Sir, all linens are available and ready for set-up. Housekeeping, specifically cleaners are ongoing making-up the area. By afternoon, the F&B crews may set-up the tables, chairs and others,” ang simpleng pahayag niya. Sunud-sunod nang nagbahagi ng mga impormasyon ang iba pang department heads. Inisa-isa ni Harold ang lahat ng departamento para makasiguro na successful ang kalalabasan ng party. Napapaisip lang siya habang nakikinig sa panig ng iba. Naalala niya ang sinabi ni Harold na may live coverage para sa endorsement ni Zandra. Kaso inuman ang magaganap, hindi kaya makasisira sa imahe ng management ang pakulo nila? Hindi siya kumbinsido sa iniisip niya. “Uy, mukhang wala naman yata sa speaker ang atensiyon mo,” anas sa kaniya ni Marlon nang mapansin na tagos sa likod ng speaker ang tingin niya. Hindi siya kumibo. Umayos na lamang siya sa pag-upo. Paminsan-minsan namang sumusulyap sa kaniya si Lorrence. Tapos na itong nagsalita tungkol sa siguridad ng darating na party. Nang matapos na lahat sa pagbabahagi ng pahayag ay si Harold naman ang nagsalita. Tawag-pansin sa kaniya ang pagbanggit nito sa pangalan ni Lorrence. Pinaalala kasi ni Harold kay Lorrence na ito ang magiging special guest ni Zandra. Pasimpleng sinipat niya ng tingin si Lorrence. Tila nagtatanong ang mga titig nito kung sasang-ayon ba siya sa sinabi ni Harold. Bahagyang lumapit si Marlon. “Hinihintay niya yata ang sagot mo. Pumayag ka na, di bale, makakapunta ka naman,” bulong sa kaniya ni Marlon nang mapansin ang pagsulyap ni Lorrence sa kaniya. Nagsasalita pa rin si Harold. Nang tumama ang tingin nila ni Lorrence ay pasimple siyang tumango tanda na pinapayagan niya ito. Kumunot ang noon ni Lorrence pero hindi nagpahalata. Marahil nagtataka ito sa biglang pagsang-ayon niya. Inaasahan na kasi nito na tututol siya. Hindi na binanggit ni Harold kung sino ang mga inimbitahan dahil alam naman ng lahat. Hindi na naging mahalaga sa kaniya ang iba pang sinabi ng director. Hanggang sa i-adjourned na nito ang conference meeting. Isa-isa nang nagsialisan ang mga miyembro. Nagpahuli na sila ni Marlon. Hindi naman niya inaasahan na magpaiwan si Lorrence. Hinintay lang nito na makalabas ang director. “Akala ko ba’y ipagbabawalan mo akong um-attend sa party?” kaagad tanong ni Lorrence sa kaniya nang silang tatlo na lang ang naiwan sa loob. Nakatayo na silang tatlo pero wala pang balak na lumabas. Nasa tabi lang niya si Marlon habang kaharap nila si Lorrence. “Ayaw kong madismaya ang kompanya sa hindi mo pagsang-ayon. Baka hindi ma-promote ang barko kapag hindi ka nakita ni Zandra,” nakangiting saad niya. “At mawawalan na tayo ng trabaho kapag hindi natuloy ang party,” sabat naman kaagad ni Marlon. Napangisi si Lorrence. “Mukhang may pinaplano kayo ah,” panghuhula nito. “Si Marlon ang may pakana,” aniya. “Oo. Ako talaga ang nagplano. Makaka-attend sila ni Alice bukas ng gabi,” giit ni Marlon. “Paano? Hindi naman sila binigyan ng invitation,” ani ni Lorrence. “Not a problem. Ako pa rin ang organizer. Ako ang nakakaalam kung sino ang isasama ko hanggang sa matapos ang party.” “Ang galling ng diskarte mo, Marlon.” Natuwa si Lorrence sa naging plano ni Marlon. “Siyempre, kaibigan ko yata ito,” aniya sabay akbay sa kaliwang balikat niya. “Okay pala kung gano’n. Thank you, Marlon,” masayang wika ni Lorrence. “O pa’no, mauna na ako sa inyo. May pagmi-neeting-an pa kasi kami ng mga ka-department ko.” Pagkuwa’y nagpaalam ito. Ngumiting tumango siya. Maarteng kumaway ng paalam naman si Marlon dito. Ilang saglit pa ay sabay na silang lumabas at tumungo sa kani-kanilang departamento. Binabaybay niya ang hallway papunta sa housekeeping department nang hindi inaasahang makita sina Lorrence at Zandra sa hindi gaanong kalayuan sa kinaroroonan niya. Hindi naman siya puwedeng lumapit at guluhin ang pag-uusap ng mga ito. Tila hindi siya napansin ng mga ito dahil bahagyang nakatalikod ang mga ito sa kaniya. Ilang hakbang din lang naman ay liliko siya pakanan. Hindi niya malalampasan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD