KATATAPOS lang mag-hot shower ni Hymae nang marinig ang doorbell sa pinto. Nakasuot pa siya ng white bathrobe at tinutuyo ng hand towel ang basang buhok. Tumungo siya sa pinto at ini-open ang mini-monitor ng CCTV camera na nakatutok sa labas at tapat pinto. Nakita niya si Lorrence na nakatayo roon.
Hindi niya kaagad binuksan ang pinto. Sumandal siya sa dingding at napapaisip habang tuloy ang pagtutuyo niya sa buhok. Hindi naman tumigil sa katutunog ang doorbell. Naalala niya ang huling sinabi nito na puntahan siya nito. Naguguluhan siya sa pagiging stalker nito sa kaniya.
Wala siyang inis o galit kay Lorrence nang dahil sa nangyari sa kanila. Alam niyang may pagkakamali rin siya. Nagustuhan niya ang pakikitungo nito sa kan’ya. Pero marami lang siyang iniisip na magiging problema niya kapag lalo silang naging malapit sa isa’t isa.
“Hymae, please! I know, you’re still awake,” narinig niyang sabi nito.
Nagdadalawang isip siya kung bubuksan ba niya o hindi ang pinto. Hindi pa man niya nakaharap ay sinasalakay na ng kaba ang dibdib niya. Para siyang nasasabik na natatakot. Pinindot na nang pinindot ni Lorrence ang doorbell.
Nainis siya sa ginawa nito kaya binuksan niya at sinimangutan ito. Subali’t sa kabila ng kumusot niyang mukha ay sinalubong naman siya nito matamis na ngiti.
“Good evening, Miss Skylor!” magiliw na pagbati nito.
Tinaasan lang niya ng kilay ang pagkindat nito sa kaniya. Pero lihim na uminit ang mga pisngi niya. Nang mapansin na tila may mga yabag na paparating ay dali-dali niyang hinila ito papasok at isinara ang pinto.
“Ipapahamak mo pa talaga ako?” yamot na bulalas niya rito.
Nagulat ito sa ginawa niya. Nagtatakang tinitigan siya habang humalukipkip siya at umiirap sa mukha nito.
“What’s wrong?” maang na tanong nito.
“What’s wrong-what’s wrong ka diyan!” inis na ulit niya sa sinabi nito. “Makikita ka ng mga tao na pumupunta dito sa kuwarto ko. Ano’ng iisipin nila sa ‘tin? Ilang buwan pa lang ako rito, ayaw kong magkaroon ng bad record nang dahil sa ‘yo!” paninisi niya rito.
Kalmado ito na naglakad patungo sa kama niya at naupo sa gilid. Sinundan niya ito ng pairap na tingin. Nakaharap ito sa kaniya at namumungay ang mga matang nakatitig sa mukha niya.
“I’m sorry! Maganda ka pa rin kahit nakasimangot ka sa akin,” anito.
Napabuntong-hininga siyang nag-iba ng tingin. Hindi na niya napansin ang paminsan-minsang paglalakbay ng mga nito sa hubog ng katawan niya.
“Ano ba talaga ang sadya mo?” hindi makatinging tanong niya.
“Ikaw! Sinabi ko naman sa ‘yo kanina na pupunta ako ngayon para yayain kang mag-dinner,” paalala nito.
“No!” mariing tanggi niya.
“Why?”
Napatingin siya rito. “Hindi mo ba inisip ang kahihinatnan natin kapag nalaman ng iba na nagiging close tayo?”
“Dinner lang naman ah. Management din naman ang dahilan kung bakit nagsama tayo sa iisang kuwarto at gumawa ng milagro,” angil nito.
Hindi niya alam kung sasabunutan o tatampalin niya ito. Pinigilan niya ang sarili at dinaan na lamang sa ekseheradong pagbuga ng hangin.
“Ibang usapan naman ang ginawa ng management. Just for fun lang ang sabi, pero iba ang nangyari. Kung hindi tayo nalasing, baka walang gano’n!” paglilinaw niya.
“Okay, past is past! Wala na tayong magagawa roon. But…”
“Ano?” Napatingin siya sa mukha nito.
Sumeryoso ang mga mata nitong nakasulyap sa kan’ya.
“Forgive me! Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, ikaw ang nasa isip ko,” seryosong sabi nito.
Wala sa loob na napangisi siya. “Nababaliw ka na yata.”
“Maybe, crazy for you!”
“Tigilan mo nga ako!” saway niya.
Saka lang niya napansin ang desenteng porma nito. Simpleng powder blue na polo at itim na pantalon ang suot nito. Naka-leather black shoes pa. Hindi nagbabago ang masculine scent nito na halos kakapit ang bango sa buong kuwarto niya.
“Hindi ka ba talaga makikipag-dinner date sa akin?”
Umiling siya. Napansin niya ang bahagyang pagkadismaya nito sa naging sagot niya. Pinanindigan niya ang sinabi niya.
“Kahit magdamag kang maghintay, hindi ako susugal sa ‘yo para lang ma-expose sa labas kasama ka,” mariing sabi niya.
“How about here?” suhestiyon nito.
“Magdi-date tayo rito?” kinakabahang tanong niya.
Nakita na naman niya ang malagkit na mga titig nito.
“If you don’t mind.”
“No, please!” pakiusap niya rito.
Nakaramdam siya ng lihim na habag nang mapansin ang pagyuko nito. Alam niyang hindi ito natuwa sa naging sagot niya. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero nagdadalawang-isip siya. Tutunguhin na sana niya ang pinto para buksan at palabasin ito nang naunahan siya ng doorbell.
Tarantang binalikan niya si Lorrence at hinila ang kamay nito. Nabigla ito sa pagkataranta niya.
“Halika! Magtago ka muna,” utos niya rito.
Kaagad naman na sumunod ang binata nang igiya niya ito sa banyo.
“Dito ka muna. Mag-lock ka. Katukin na lang kita mamaya, okay?” Parang bata na binilinan niya.
Tumalima naman ito. Tinungo niya ang pinto sa main at binuksan.
“Alice!” tensiyonadong sambit niya, wala sa loob na ngumiti siya.
Hindi niya pinahalata na kinakabahan siya dahil may itinago siyang lalaki sa kuwarto niya. Pinatuloy niya ang kaibigan.
“Pasensiya ka na kung naabala kita,” paumanhin ni Alice.
Pinaupo muna niya ito sa upuang nasa coffee table. Naupo rin siya sa isa pang bakanteng upuan.
“Biglaan yata ang pagpunta mo, may problema ba?” nag-aalalang tanong niya.
“May io-open sana ako, kung okay lang sa ‘yo,” anito.
Napangiti siya. “Sure naman! Ano pa ba’t naging kaibigan mo ‘ko.”
“Bago ka dumating, may karelasyon na ako na tagarito,” pag-amin ng kaibigan.
“Dito? You mean, katrabaho?” pangungumpirma niya.
Tumango si Alice.
“Who? What’s the problem?” na-curious siya.
“Si Jake. Security siya dito sa ship. Matagal nang may nangyayari sa amin. Patago ang relasyon namin. Pero, sinabi niya na gusto na niyang magpakasal kami. Gusto na rin kasi niyang bumuo kami ng pamilya.”
“So, ano’ng plano mo?”
“Hindi pa kasi ako handa. Lalo na nandito pa kami sa laot. Baka pareho kaming mawalan ng trabaho or maghihiwalay kami,” malungkot na saad ng kaibigan.
“Baka puwede n’yo munang pag-usapang mabuti. Ipaliwanag mo sa kan’ya ang lahat,” payo niya rito.
“Salamat. Pasensiya ka na, sa ‘yo lang kasi ako nagtitiwala.”
“Same to you, Alice. Kayo ni Marlon ang malalapit kong kaibigan rito.”
“Oy, teka lang, magkuwento ka naman,” anito.
“Ng ano?” Kumusot ang mga kilay niya.
“Tungkol sa inyo ni Lorrence,” anas nito.
“Huh?”
“Huwag kang mag-deny sa akin.”
Kinabahan siya sa sinabi ng kaibigan. Pinagdadasal niya na hindi magkakamaling lumabas ng banyo si Lorrence.
“Hey!” pukaw sa kan’ya ni Alice nang mapansin ang pananahimik niya.
“A-ano’ng nalalaman mo?” pagkakautal niya.
“Alam ko na kung ano’ng nangyari sa inyo nang gabing ‘yon.”
“Shh! Atin-atin lang ‘to,” mahinang sabi niya. “Teka, paano mo nalaman?”
“Walang naka-duty na room attendant kaya no’ng dumating ang night-shift na kapalit ko, ako na ang nalinis sa pinanggalingan ninyong kuwarto.”
“So, alam mo na na…”
Tumango ito sa nais sana niyang itanong. Nahiya tuloy siya nang malaman na alam na ng kaibigan. Nguni’t malaki ang tiwala niya rito.
“Don’t worry, walang nakakaalam sa nalaman ko,” anito.
“Meron pa.”
“Sino?”
“Si Marlon.”
“Naku! Wala kang problema sa baklang ‘yon. Kahit sekreto ko alam niya pero never niyang pinagsasabi sa iba. Halata lang niya pero hindi niya alam na may nangyayari na.”
Marami pa silang napag-usapang mga lihim nila. Ilang saglit pa ay nagpasya nang umalis si Alice. Nagpapasalamat ito sa ibinigay niyang oras para magkausap sila. Hinintay muna niyang makalabas at makalayo ang kaibigan saka ini-lock ang pinto at binalikan si Lorrence sa banyo.
Kinatok niya ito at kaagad naman na nagbukas. Napansin niyang pawis na pawis ito dahil hindi naaabot ng air-con ang loob ng banyo. Nataranta siyang hinawakan ang kamay nito at hinila palabas ng banyo.
“Naku! Sorry talaga!” paghingi niya rito ng pasensiya.
Seryoso lang na nakatingin sa kan’ya ang binata habang pinupunasan niya ng nadampot na hand towel. Basang-basa pati ang likod nito. Hindi na kasi niya namalayan na natagalan ang pag-uusap nila ni Alice. Nawala tuloy sa isip niya na pinatago niya sa banyo ang binata.
Wala sa loob na inisa-isa niyang tinanggal ang botones ng polo nito. Nag-alala kasi siya baka matuyuan ito ng pawis at makasama ang lamig ng air-con sa katawan nito. Wala siyang malay kung gaano nagustuhan ni Lorrence ang ginagawa niya rito.
“Kung anu-ano pa kasi ang napag-usapan namin kaya natagalan. Hindi ko talaga naisip kanina na kulob at mainit sa banyo kaya…”
Natigilan siya nang maramdaman ang init ng mga palad nito na dumampi sa likod ng mga palad niya. Kawak pa niya ang panggitnang botones na tatanggalin niya sana sa pagka-hook nito. Napako ang tingin niya sa dibdib nito na nagmarka sa manipis na puting sando nito.
“Thank you,” anas nito.
Hindi niya inasahan ang pagkintal nito ng halik sa noo niya. Napakasarap ‘yon sa pakiramdam niya. Nagsisimula na namang magtambol ang dibdib niya. Tila nag-lock ang bibig niya at walang maisip na sasabihin.
Hindi na siya lasing para sabihing hindi niya alam ang ginagawa niya. Tunay na ang nagpaparamdam sa sarili niya. Ang init at pananabik na hindi niya maunawaan sa sarili. Natagpuan na lamang niya ang sarili na yakap na nito.
Nakalapat ang mga palad niya sa matigas na dibdib nito. Damang-dama niya ang init nito na tila dumaloy na sa mga ugat niya. Bumilis pa ang t***k ng puso niya. Umalab na rin pati ang daluyan ng hininga niya.
“Hindi ko alam kung tama ba’ng sabihin ko na mahal na kita. But, my heart says, I need you. I don’t understand, but I want you. Forgive me for saying this to you. Alam kong hindi pa tayo lubos na magkakilala. If you don’t mind, let me show you my feelings and know you better,” mahinahong sabi nito.
“I’ve never felt like this before. I was in a relationship, but not like this. Bakit ikaw pa na walang ugnayan sa akin, sa ‘yo ko pa maramdaman ‘to. Pero, huwag kang umasa na sasabihin kong mahal kita,” tugon niya.
“I don’t need to hear that. It’s enough for me to feel you,” anito.
Dahan-dahang umangat ang mukha niya. Damang-dama niya ang mainit na hininga nito sa mukha niya. She can’t resist staring at his bluish eyes. Titig na titig ito sa mga mata niya. Pakiramdam niya’y naaabot ng titig nito ang kaluluwa niya.
Naramdaman niya ang masuyong paglakbay ng isang palad nito patungo sa kanyang batok. Iyon ang nagtulak upang lumapat ang mga labi niya sa mapusok na mga labi nito. Nawalan siya ng kapangyarihan para tanggihan lalo na nang tumamis sa mga bibig niya ang mga labi nito.
Sinalakay siya ng matinding kaba, kaba na nananabik. Sinabayan niya ang paglalaro ng mga labi nito. His hands started to untie the knot of her bathrobe. Lumantad ang kabuuan niya. Nagkusa naman ang mga kamay niya upang tanggalin ang pang-itaas nito.
“Forgive me for doing this again,” anas nito nang maghiwalay ang mga labi nila.
He lay her down on bed. She loves to touch his muscular chest. Pinupog nito ng halik ang leeg niya.
“Ugh!” ingos niya.
Napaigtad siya nang bumababa ang mga labi nito sa dibdib niya. Gustong-gusto nito ang bahaging ‘yon. Kumislot, umigtad, at kung ano’ng halinghing niya habang nalilibang ito roon.
“Ooh!” Kumislot siya nang may nagustuhan sa ginawa nito.
Panay ang kagat niya sa ibabang labi at kumukusot sa kubre ng kama ang mga kamay niya. Pamilyar sa kaniya ang susunod na kilos nito. Narinig niya ang pagtanggal nito ng sinturon at pagbaba ng zipper. Marahang lumapat ang mainit na katawan nito sa ibabaw niya.
Sumalikop sa magkabilaang kamay niya ang mga daliri nito. Pinupog ng mga halik ang labi niya. Kasabay niyon ay may marahang pumapaloob sa hiyas niya.
“Ugh!” Napaungol siya nang maghiwalay ang mga labi nila.
Bumaon ang mga kuko niya sa likod nito habang nilalabanan ang matigas na alaga nito sa loob niya. Kumirot sa simula. Nang ganap nang nasa loob ay pinaghandaan na niya ang paglikot nito.
“Ooh!” Humataw ito sa paglabas-pasok sa kaharian niya.
Panay ang halinghing niya habang kumakapit sa mga braso nito. Yumuyugyog ang buong katawan niya sa matinding pagbayo nito. Hanggang sa makaramdam siya ng init na pinakawalan nito sa loob niya. Naglapat ang dibdib nila saka muli siya nitong pinupog ng mga halik.
“Thank you,” sabi ni Lorrence nang matapos siyang halikan nito.
Ngumiti siya. “May kapalit ‘to,” pilyang wika niya.
Ngumiti rin ito. “Kahit ano pa ang kapalit.”
“Talaga?” Inikot siya nito at siya ang pumaibabaw.
“Oo. Ano ba ang gusto mong kapalit?”
“Kapag nagbunga, may karapatan ka para mahalin ako,” kondisyon niya.
“What if not?” kunot-noong tanong nito.
Yakap siya nito.
“Huli na ‘to. Hindi mo na ako lalapitan pa.”
“What? But…”
Inilapat niya ang daliri niya sa bibig nito.
“Masyado nang malalim ‘tong nangyayari sa atin. Mas masakit na kapag mabaliw ako sa pagmamahal sa ‘yo,” aniya.
Sumeryuso ang mukha nito.
“Laro lang ba sa ‘yo ‘to? O gumaganti ka sa ex mo? Seryuso ako sa iyo, Hymae. Mamahalin at pakakasalan kita kung hindi mo tatanggihan,” anito.
“Hindi ka mahirap mahalin, Lorrence. Wala na akong pakialam sa ex ko. Sa ngayon kasi, hindi pa ako handang mawalan ng trabaho. Alam naman natin na bawal ang ganitong affair dito sa barko.”
“I know. Mag-ingat na lang tayo. Basta, hindi kita pakakawalan. Nagkakaedad na ako. Matagal ko nang pinangarap na makapag-asawa at magkaanak.”
Napangisi siya. “Kanino?”
“Sa ‘yo!” napapangiting sagot nito.
“Assuming! Magbabago pa ang ihip ng hangin. Ilang araw pa lang tayong magkakilala, mag-asawa na kaagad?”
“Why not? Ginawa na nga natin ang ginagawa ng mag-asawa.”
“Baliw!” aniya saka ngumisi at gano’n din ito.
Habang nagkukulitan sila ay biglang agaw-pansin ang pagtunog ng cellphone ni Lorrence sa ibabaw ng kama. Umilaw ang screen at lumitaw ang pangalan ng caller. Siya ang unang nakakita dahil malapit ‘yon sa ulo ni Lorrence at nakadagan pa siya rito.
Sumimangot siya na umalis sa ibabaw nito tumalikod. Nagtataka naman ito sa ikinilos niya.
“Sagutin mo na! Baka hinahanap ka na niya,” nagtatampong utos niya rito.
Dinampot naman ni Lorrence ang cellphone at tiningnan ang caller. Kaagad nitong ini-off. Si Zandra kasi ang tumawag.