NAGMAMADALING tinungo ni Hymae ang elevator. Aakyat siya sa fourth floor kung saan naroon ang kuwarto niya. Nguni’t hindi pa nagsara ang elevator ay biglang sumulpot si Lorrence. Hindi niya namalayan na nakasunod pala ito sa kanya.
My god! Bakit niya ako sinundan?
Hindi niya ito matingnan. Wala siyang nagawa nang pigilan nito ang pagsara ng elevator at pumasok. Dalawa lang sila sa loob. Ilang na ilang siya rito lalo na kapag maaalala ang nangyari sa kanila kagabi.
“We need to talk, Miss Skylor,” pormal na sabi nito sa kanya.
Kinabahan siya. Humirap ang paglunok niya. Kumalat sa loob ang bango nito. Sa laki ng katawan na batak sa gym ay siguradong hindi siya makawawala kapag niyakap siya nito.
“May dapat ba tayong pag-usapan?” Pinag-isipan pa niyang mabuti ang itinanong niya rito.
“About last night,” anito.
Bumilis pa ang pagkabog ng dibdib niya. “I don’t know that,” maang niya.
Seryoso at buo ang tinig nito. “Don’t lie to me, please!”
“Hindi ako ‘yon,” tanggi niya.
“This is not about me. It’s about you,” giit nito.
Hindi niya napigilang harapin at tingalain ang mukha nito.
“Please, huwag mong ipilit na ako ‘yon,” naiinis na bulalas niya.
Nagbukas ang elevator. Dali-dali siyang lumabas at mabilis na naglakad papunta sa kanyang kuwarto. Hindi naman siya tinigilan nito. Nakabuntot pa rin sa kanya. Nasa tapat na siya ng pinto ng kanyang kuwarto nang huminto siya at hinarap ito.
“Please, stop following me!” galit na sabi niya.
Hindi natinag si Lorrence. Bago niya ito tinalikuran ay may ibinitin ito sa daliri. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na kuwentas sa kamay nito.
“Now tell me, hindi pa ba ikaw ang babaeng kasama ko kagabi?”
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya ito matingnan nang deretso sa mga mata. Wala siyang nagawa kung hindi ay lamunin ang pride niya. Binuksan niya ang pinto gamit ang susi niya at pumasok siya.
“May I enter?” paghingi nito ng permiso para pumasok sa kuwarto niya.
Hindi na siya kumibo. Dumiretso siya sa loob at hinayaan si Lorrence kung papasok ito o hindi. Tumuloy ito at ni-lock ang pinto. Pag-aari niya ang kuwentas na hawak ni Lorrence. May heart pendant ‘yon na may maliit na picture nila ng mommy niya.
“Bakit mo pa ako sinundan?” walang kangiti-ngiti na tanong niya.
Nakaharap siya sa salamin ng mataas na cabinet. Tinatanggal niya ang maliliit na hair-clip sa buhok niya. Nakikita niya si Lorrence sa likuran na nakaupo sa gilid ng kama.
“After what happened last night, hindi na ako napalagay. Hinanap ko kaagad ang babaeng nagpabago sa damdamin ko. I don’t know, hindi ko lang maiwasang isipin ang nangyari.”
“Nagkita na tayo kanina sa park, bakit hindi ka nagtanong?”
“Hindi pa talaga kita nakilala. Kanina ko lang naman binuksan ang pendant ng kuwentas mo saka ko na-recognized na ikaw ang nasa mini-picture. Nakita ko kayo ni Marlon at paalis ka kaya sinundan na kita,” paliwanag nito.
“Ngayong alam mo na, ano pa ang kailangan mo sa akin?”
Sinusungitan niya ito para hindi nito mahalata na naiilang siya. Aminado rin naman siya sa sarili na magaan ang loob niya rito. Nag-aalangan lang siya lalo na’t dapuin ng mga babae, baka isa pa siya sa paglalaruan nito.
“Gusto ko lang malaman kung kumusta ka na,” anito.
“Me?” humagikgik siya. “Kailan ka pa naging concern sa akin? Hindi pa naman tayo close,” angil niya.
“Hindi pa ba close ang nangyari sa atin kagabi?”
Napaseryoso siya. “Aksidente lang ‘yon,” aniya.
“Hindi ka nag-aalala?”
“Alala sa ano?”
“Paano ‘pag nabuo ang ginawa natin?”
“You don’t need to worry about me,” giit niya.
“Sabihin mo na lang kung mag-positive.”
Natawa siya sa sinabi nito. “Assuming naman ‘to.”
“May nakatatawa ba? Babae ka, ikaw ang mawawalan. What if, nabuntis pala kita, okay lang sa iyo ‘yon?” balot ng pag-alala na wika nito.
Humarap siya at humalukipkip. Napapangiti siya sa sumeryosong mukha nito. Hindi niya akalaing na ang inakala niyang womanizer ay haharap sa kanya para alamin ang kalagayan niya.
“Ang bait mo naman, Mr. Smith. Ang suwerte naman ng mapapangasawa mo kung ganyan ka mag-alala sa kanya.”
“Hymae, hindi biro ang usapan natin. Kung kinakailangan pakasalan kita para mapanindigan ko kapag nabuntis ka, gagawin ko. Seryoso ang nangyari sa atin, ‘di ba?”
“Seryuso na kung seryuso. Pero bakit ba namomroblema sa akin? Hindi pa tayo nagmamahalan para pakasalan mo. Nang dahil lang ba kung mabuntis ako? Lorrence, take your time at mag-enjoy ka. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan mo. Kung mabuntis man ako, hindi ko ipapakargo sa ‘yo.” buhay ang loob na sabi niya.
“What if, gusto kong magkaroon ng karapatan sa magiging anak ko?” seryusong tanong nito.
Parang nangungunsensiya pa ito dahilan para malito siya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang siyang nanghina nang makita ang seryusong mga titig nito. Sa loob-loob niya ay nagpapasalamat siya sa magandang hangarin nito sa kan’ya.
Malakas talaga ang appeal nito sa babae at pati siya ay aminado na naaakit dito. Sa pangangatawan pa lang ay panalung-panalo na. Nai-imagine tuloy niya ang nangyari sa kanila kagabi. Ang katawang nasa harapan niya ang nakauna sa kaniya.
Tumayo ito. Iniabot nito sa kanya ang kuwentas niya. Tinanggap naman niya.
“Please, let me know kung ano na ang kalagayan mo. Magsabi ka lang ng totoo sa akin, please!” pakiusap nito.
Hindi siya nakakibo. Napakislot na lamang siya nang humawak sa magkabilang balikat niya ang mga kamay nito. Sinalakay siya ng matinding kaba at biglang nag-init ang katawan niya. Hindi niya maiintindihan kung ano ang mararamdaman niya. Hindi naman niya natutulan ang ginagawa nito.
“Lorrence?” anas niya at humirap ang paglunok niya.
“I’m sorry if I need to say this. After what happened last night, hinahanap-hanap ko. Wala mang namamagitan sa atin, but please, give me a chance para kilalanin pa kita. I don’t understand, para akong nagising na ikaw na ang babaeng nilalaman ng isip ko,” anas nito.
Natameme lang siya. Naaamoy niya ang mabangong hininga nito. Tumapat at nagtama ang mga mata nila. Para nitong binilanggo ang kaluluwa niya. Tumatambol pa rin ang dibdib niya.
Hindi niya naawat ang pagpikit ng mga mata niya. Naramdaman niya ang pagkagat ng mga labi nito sa mga labi niya. Parang nasasariwa tuloy niya ang nagyari sa kanila kagabi. Nilalaro nito ang mga labi niya hanggang sa mamalayang tinutugon na rin niya. Umalab na ang buong katawan niya.
Subali’t bago pa man lumalim ay marahang naitulak niya ito. Iniwasan niya ng tingin.
“Please, umalis ka na,” mahinang utos niya rito.
“Thank you for your time. Goodnight!” anito.
Hindi na siya sumagot at hinayaan itong makalapit sa pinto. Nagbukas at nagsara ang pinto. Wala na ito nang lingunin niya. Nanghinayang siya sa pag-alis nito nguni’t mainam na ‘yon kaysa kung saan pa sila dadalhin ng nararamdaman nila.
Nahirapan tuloy siyang matulog. Kung anu-ano ang naglalaro sa isipan niya. Naalala niya ang pagtataksil ni Bryan at Cristy sa kan’ya. Pero mas nangingibabaw sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Lorrence.
Naguguluhan siya nang maalala ang sinabi ni Lorrence na pakakasalan siya nito kapag nabuo ang ginawa nila. Iniisip niya kung ano ang magiging papel niya sa buhay nito lalo na at may Zandra na umaaligid sa buhay nito. Sumakit ang ulo niya sa kaiisip. Hindi na niya namalayan kung ano’ng oras siya dinalaw ng antok at nakatulog.
ISANG malakas na tunog mula sa alarm clock ang gumulantang sa masarap na tulog ni Hymae. Kinapa-kapa niya sa ibabaw ng bedside table at pinatigil nang mahawakan. Nakararamdam pa rin siya ng kaunting pananakit ng katawan. Araw na naman ng trabaho.
Parang tinatamad siyang bumangon pero kailangan. Bumaba siya ng kama at dumiretso sa banyo. Inclusive sa accommodation nila ang free meal na three times a day. Ang snack at extra meal na labas sa kontrata ay personal nilang babayaran pero discounted. Sanay na siya na hindi pumupunta sa restaurant para mag-breakfast. Cereals at hot milk lang ang hinahanap niya kapag umaga.
Naka-ready na siya para pumasok sa opisina niya sa housekeeping department. Saglit niyang isinantabi ang problemang gumugulo sa isip niya. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho.
She looks so gorgeous sa ternong black cardigan at mini-skirt. Puti ang tube na suot niyang sa loob. Naka-peep toe shoes na itim at may taas na three inches. Taas-noo at tuwid ang mga balikat habang naglalakad sa hallway.
Matamis ang mga ngiti niya tuwing may makasasalubong siya. Siya pa ang unang bumabati. Light lang ang make-up niya at rose-pink ang lipstick na bumagay naman sa maputi niyang kutis. Kapansin-pansin ang fairly white and perfect set of legs na rumarampa papasok sa kanyang departamento.
“Good morning!” masayang bati niya sa mga kasamahan.
Malugod naman ang iginanting pagbati ng mga ito. May kanya-kanyang office table ang mga subordinates niya. Mini-meeting niya ang mga ito tuwing umaga bago magsimula ang trabaho. Saka naman ire-relay ng mga ito sa mga nasa lower position.
Hindi niya dinadala sa trabaho ang mga personal niyang problema. Walang masyadong nakahahalata sa kan’ya kung ano ang mga pinagdadaanan niyang pagsubok. Siya ang nagbibigay ng mga task sa mga supervisors ng iba’t ibang sections.
“If anything or any problem occurs within our department, please, don’t hesitate to approach me. I need everything clear and we should avoid any complaints from our valuable guest onboard,” dagdag niya bago tuluyang tapusin ang meeting.
Covered kasi ng department niya ang room services, public areas onboard, janitorial, landscaping, at iba pang mga konektado sa maintenance ng kalinisan sa barko. Bawat area ay may mga supervisors at iyon ang ini-executes niya.
“Miss Skylor!” tawag sa kan’ya mula sa likuran niya.
Napalingon siya. Si Alice ang tumawag sa pangalan niya. Ito na lang ang naiwan dahil nagsi-alisan ang iba para i-meeting ang mga nasasakupan ng mga ito.
“Huwag kang masyadong pormal kapag tayong dalawa na lang,” napapangiting sabi niya rito.
Si Alice kasi ang pang-araw na telephone operator ng departamento. Lahat ng pumapasok na tawag ay ito ang sumasagot.
“Sabay na naman tayong mag-lunch mamaya,” anito.
“As usual. Wala naman akong ibang nakakasama kung hindi ikaw,” aniya habang nagbubukas ng sytem sa desktop niya.
“Nagsisimula na namang magbigay ng sakit sa ulo ang nasa room E500,” sumbong ni Alice.
Napatingin siya kay Alice. “Si Miss Zandra Marquez? I mean, Alexandra Miller? Why?” mga tanong niya.
Humalukipkip si Alice. “Imagine, nagpapa-make-up room ng madaling araw. Nainis tuloy si Realyn, ang kulit kasi. Hindi lang three times nagpapalit ng bed sheets, kesyo hindi raw type ang amoy ng fabric,” tugon nito.
Si Realyn ang graveyard shift na telephone operator.
“Wala tayong magagawa. Guests are always right. Lalo na very important person siya. Maging sensitive na lang tayo sa kanila. Trabaho natin ‘to, so be patience,” payo na lamang niya rito.
Bukod sa systematic operation at pagbabad sa computer ay naglalaan din siya ng oras para sa physical checking. Pinupuntahan niya ang mga designated areas para masiguro na nagpa-function ang lahat. Para lang isang buong malaking bahay ang iniikutan niya araw-araw.
Iniwan muna niya si Alice para puntahan ang janitorial area. Naalala kasi niya ang nabanggit ng janitorial supervisor na may mga kagamitan na dapat nang palitan at mag-inventory. Tumungo siya roon.
Nasa hallway pa lamang siya at naglalakad ay hindi niya inaasahang makasalubong si Lorrence. Malayo pa lang ay tutok na tutok ang tingin sa kanya. Habang rumarampa siya ay sumasalakay na ang kaba niya. Hindi niya mapakalma ang nagwawala sa loob ng dibdib niya.
Ewan ba niya, pinipigilan niyang ngumiti. Samantalang lahat ng nakasalubong niya ay pinaulanan na niya ng mga ngiti. Lihim naman siyang sumaya nang makita ang kaguwapuhan nito.
“How’s your day, Miss Skylor?” magiliw na pagbati nito sa kanya.
Hindi niya pinansin. Nilampasan lang niya. Hindi ito pumayag na balewalain niya. Sinundan siya nito at sinabayan sa paglalakad. Panay ang sulyap nito sa mukha niya.
“Don’t tell me, iniiwasan mo ako,” anito.
“No. We’re on the line of duty,” katuwiran niya.
“Kahit man lang ngiti, wala?” paghahanap nito.
Sinaglitan niya ito ng sulyap at ngumiti sabay bawi rin agad. Napangisi ito.
“Okay na?”
“Wow, and tipid!” reklamo nito.
Tuloy lang ang lakad. Tuloy rin ang pagsabay nito.
“Wala ka ba’ng trabaho, Mr. Smith?” tanong niya at deretso lang ang tingin.
“Meron. Break time lang. Ikaw, hindi ka ba nagbi-break?”
“No. May gagawin pa ako.”
“Ang seryuso mo naman pagdating sa trabaho. Paano kung yayain kitang mag-dinner date mamaya?” tanong nito.
Natigilan siya. Napalingon siya at inirapan ito.
“Para ano? Para may mangyari na naman sa atin?” nanyayamot na tanong niya.
Napangisi ito. “Of course, not! Kakain lang tayo. Treat kita sa luxurious restaurant dito. Ang ganda mo pa rin kahit nayayamot ka sa akin.”
“Tumahimik ka nga!” aniya at muling naglakad.
Sumasabay pa rin ito.
“Sasamahan na lang kita sa pupuntahan mo.”
“Ang kulit mo. Baka makita tayo ng mga spy camera at iisipin ng management may something tayo,” saway niya.
“Masyado ka namang natatakot.”
“Mahal ko ang trabaho ko, Mr. Smith.”
“Same. But, I wanna know you better,” anito.
“Not here, not now! Bakit hindi mo na lang tuunan ng pansin si Zandra? Baka malaya ka pa to show it in public,” mariing sabi niya sa huling mga kataga.
Natigilan ito. Wala siyang pakialam basta’t tuloy ang lakad niya. Sinundan siya ulit nito.
“Why did you mention her?” Si Zandra ang tinitukoy nito.
“Lulubog ang barko kapag nalaman niya na may nangyari sa atin,” aniya.
Hindi niya maintindihan, bigla na naman siyang nainis kay Zandra.
“She’s nothing to me.”
“You don’t need to explain. But, I think…bagay kayo at hindi labag sa patakaran ng kumpanya kung siya ang magiging forever mo.”
Natigilan at napapailing ito. Hindi na siya sinundan nito.
“I’ll knock on your door tonight, huh? It’s up to you if you mind me. Good luck!” pahabol na sabi nito.
Hindi na siya lumingon. Pero malinaw niyang narinig ang sinabi nito. Nagkataon naman na nakasalubong niya si Mr. Hashi Yama, ang biyonaryong pasahero. Tuwang-tuwa ito sa masayang pagbati niya at nagawa pa siya nitong kamayan. Pinuri-puri nito ang magandang postura niya.
Wala na siyang malay sa dumilim na mukha ni Lorrence sa bandang likuran habang nakatingin sa kanila. At hindi ito bingi para ‘di marinig ang malakas na boses ng guest na halos mag-echo sa buong deck. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila. Pero hindi sigurado kung gaano katagal iyon iisipin ni Lorrence.