KUMALAT na ang espiritu ng alak sa buong katawan ni Hymae. Hilung-hilo na siya nang alalayan siya ni Marlon at ng kapuwa niya empleyado. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Piniringan ang mga mata niya at sumusunod siya kung saan dadalhin ng mga ito.
Hindi na niya maituwid ang pananalita niya at wala na rin siyang maintindihan sa mga sinasabi ng mga ito. Ang alam lang niya ay pumasok siya sa isang silid. Nangangapa siya, hinahanap niya ang kama dahil antok na antok na talaga siya. Narinig niya ang pagsara at pagka-locked ng pinto.
Umikot pa siya at kung saan-saan humapuhap. Nawala na sa loob niya na tanggalin ang piring niya. Hanggang sa bumangga ang mga tuhod niya sa matigas na bagay. Kinapa niya, tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay nasa kama na siya. Umikot siya at ibabagsak niya ang likod sa kama.
Subali’t nakatayo pa lamang siya ay biglang may bulto na bumangga sa harapan niya. Sa lakas nito ay bumagsak ang likod niya sa malambot na kama at dumagan ang mabigat na katawan sa ibabaw niya.
“Ugh! W-who…are you?” nauutal na tanong niya.
Kahit nanlulupaypay ay pilit na kinakapa ang mukha nito. Nalaman niya na may piring din ang mga mata nito. Gusto niya itong itulak para makakilos siya.
Nguni’t nanlalambot na ang buong katawan niya. Kumilos ito at tumapat sa mukha niya ang mukha nito. Naamoy niya ang hininga nito, nakainom din ito.
“Ugh!” ungol nito.
Hindi na siya nakawala sa pagkakadagan nito. Naka-hang ang mga paa nila. Hindi niya inaasahan na pupugin nito ng halik ang mga labi niya. Nawalan siya ng lakas para tutulan ito. Hindi na niya namamalayan na sinasagot na niya ang mga halik nito.
It was so sweet. Lalong nag-init ang pakiramdam niya. Pinamanhid ng alak ang buong katawan niya. Pero nang simulan siyang halikan nito ay may kakaibang sensasyon na humalukay sa pagkatao niya. Init na nagpalakas sa t***k ng puso niya.
“Ugh!” she moaned.
Lumikot ang mga halik nito, pababa nang pababa. She don’t know how to stop him. Hinayaan lang niya itong gawin ang nais nito. Hindi na niya naisip kung tama o mali ang ginagawa niya. Iisa na lang ang pakiramdam na alam niya nang mga sandaling ‘yon, ang alab na hindi niya malabanan.
Pinaubaya niya ang sarili niya rito. Naramdaman niyang may natanggal sa suot niya pero hindi niya inaksayahan ng panahon para sawayin. Kislot at igtad na lamang ang nagagawa niya tuwing may kakaibang ginagawa ito sa kanya. Salitan nitong pinaglalaruan ang malulusog na yaman niya sa dibdib.
Tumagal ang mga labi nito roon. Ungol na lamang ang naisasagot niya kapag nagugustuhan niya ang ginagawa nito. Hindi niya na alam kung gaano ito katagal roon. Hanggang sa gumapang ang init pababa. Nakarating na ito sa kaselanan niya.
Tumindi ang sensasyon niya roon. Panay ang sabunot niya sa kubre ng kama habang nalilibang ito sa ibaba niya. Gusto niyang pigilan pero nagugustuhan na niya ang paglalaro nito sa ibaba niya.
Hanggang sa maramdaman niya ang pagtigil nito. Alaka niya’y natapos na. Bumalik ito sa ibabaw niya at doon na niya naramdaman ang mas kakaibang sensasyon. His hard and long manhood ay unti-unting pumapaloob sa kaangkinan niya. Saglit siyang nahimasmasan at halos bumaon ang mga kuko niya sa balat nito. Napakapit siya sa magkabilang balikat nito upang labanan ang kung ano’ng sakit at halong sarap na naramdaman niya.
“Ugh! Hmmp!” hindi napigilang halinghing niya.
May kirot na nangibabaw sa kaselanan niya. Una’y marahan ito hanggang sa unti-unting pumusok at bumilis. Hindi na niya alam kung saan siya kakapit dahil naging malikot ito sa ibabaw niya. Matagal ‘yon at hindi na niya namalayan, nasa kaluob-looban na niya ito.
Napalitan ang kirot ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Sumabay na rin siya sa kalikutan nito at nagugustuhan na niya. Para siyang alipin nito at napapasunod siya sa nais nitong mangyari. Wala na siyang pakialam kung gaano ito kabihasa pagdating sa kama. Ang alam lang niya, lumigaya siya sa ganoong senaryo nila.
Pumusok pa ito at halos maindayog ang buo niyang katawan hanggang sa may kung anong mainit na likidong sumabog sa kaangkinan niya. Kasunod na ang pagbagsak ng lupaypay na katawan nito sa ibabaw niya. Wala na siyang matandaan pagkatapos niyon, nakatulog na siya.
KINAUMAGAHAN, gulat na gulat si Hymae matapos tanggalin ang piring sa mga mata niya. Napansin niya ang kahubaran niya. Labis na kinabahan siya nang masipat ng tingin ang nakadapa at nakahubad na lalaki. May piring pa ang mga mata nito. Dali-dali niyang pinagdadampot ang mga nagkalat niyang damit.
Pagkabihis ay nagmadali siyang umalis ng silid na ‘yon. Mabuti na lamang at walang katao-tao sa hallway na nadaanan niya. Tumungo siya sa kaniyang kuwarto. Saka lang niya naramdaman ang kaunting pagkakahilo nang makapasok siya sa loob ng banyo.
It can’t be! Nakahihiya ito. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit sa kan’ya pa? Ni-hindi ko pa nga kilala ang taong ‘yon. Mabuti sana kung boyfriend ko, puwede pa! Paano na ‘to?
Gulung-gulo siya nang mga oras na ‘yon. Gusto niyang sisihin ang sarili pero nangyari na ang lahat. Alam niyang may nangyari sa kanila ng lalaki. Nangangatal pa ang mga tuhod niya at nararamdaman niya ang pananakit ng katawan lalo na ang maselang bahagi.
Huli na kung pagsisihan ang pagkakamaling nagawa sa buhay niya. Nangangamba siya sa magiging bunga niyon. Napaluha siya sa sobrang kalituhan. Nagkulong muna siya ng ilang oras sa kuwarto niya.
Nawalan siya ng ganang kumain at namalayan na alas-dos na ng hapon. Inayos niya ang sarili. Nahihiya man siyang lumabas nguni’t nilakasan ang loob. Kailangan niyang makausap si Marlon. Tinungo niya ito sa bar.
Pagdating niya sa bar ay napansin niyang maraming guest na inaasekaso si Marlon. Na-hook ang tingin niya sa babaeng nakaupo roon habang kausap ang lalaking katabi nito. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy siya. Agaw-pansin kasi ang kilos ng babae.
Maganda ito, seksi, at parang modelo. Pero halos iluwa na nito ang mga umbok sa dibdib doon sa lalaking katabi nito. Napakaigsi pa ng red skirt nito na terno sa tube na suot nito. Walang lalaki ang hindi lilingon sa gano’ng postura nito. Pati na nga siya ay napatingin.
Maayos din naman ang suot niya. Humubog ang fitted na yellow dress niya sa seksi niyang katawan. Above the knee at litaw ang makinis at maputing mga binti. Mukhang modelo man ang babae, mas maipagmamalaki naman niya ang malulusog na yaman niya sa dibdib.
Huminga siya nang malalim bago lumapit doon. Inukupahan niya ang bakanteng upuan. Semi-round kasi ang bar at nasa dulong gilid siya sa bandang kaliwa. Makikita siya ng babaeng kanina pa niya tinitingnan at ng lalaking katabi nito. Hindi na niya napansin ang minsan pagkasulyap sa kan’ya ng lalaking katabi ng nakapulang babae.
“Hey, kumusta ka na?” anas na tanong ni Marlon nang magkaroon ito ng sandaling panahon para lapitan siya.
“I need to talk to you,” sabi niya.
“Mamaya, sabay tayo mag-dinner. Darating nang maaga mamaya ang isa kong kasama na nag-day-off kahapon.”
“Who is she?” tanong niya.
Napansin ni Marlon ang pagkatitig niya sa babaeng nakapula.
“Siya si Miss Zandra Marquez. Model at endorser ‘yan ng barkong ‘to. Siya ang VIP guest na naka-on the house sa executive room,” anas nito.
“Siya pala ang nasa Room E500? Laging naka-DND ang kuwarto niya kaya hindi malinisan ng mga room attendant. Hindi naman kasi Zandra ang pangalan niya sa guest list.”
“Oo. ‘Do not disturb’ talaga lagi ang status niyan noon pa man. Alexandra Miller ang ginagamit niya. Naku, mamaya na tayo mag-usap. Aasekasuhin ko muna sila,” anito at iniwan muna siya.
Naiintindihan naman niya ito. Hindi na siya nakapagpaalam na aalis muna para mag-ikut-ikot. Nagmukha siyang guest na pagala-gala sa paligid. Ayos lang naman sa kumpanya basta off-duty at hindi lalampas sa alas-diyes ng gabi, ang curfew hour ng mga empleyado.
Tumungo muna siya sa recreational park sa ika-anim na palapag. Parang nasa lupa rin na may mga hardin, plaza at mga palaruan. Pakiramdam niya ay wala siya sa barko dahil walang pinagkaiba sa kalupaan ang mga facility na naitatayo roon.
Nililibang niya ang sarili sa kapanonood sa kabataang nag-i-skating sa gitna ng artificial snow ground na napalibutan ng mga bakal na harang. Mag-isa siyang nakaupo sa mahabang steel bench na naka-fixed sa sahig. Hindi niya inaasahan na may maupo sa tabi niya.
She smells a masculine scent na halos maiwan sa ilong niya ang bango nito. Naiilang lang siyang tingnan ito sa mukha pero napapansin niya ang malaking pangangatawan nito. Nakasuot ito ng navy-blue na uniporme mula polo hanggang pantalon. Nakasuot ng itim na leather combat shoes.
“Off-duty mo today?” biglang tanong nito.
Napalingalinga muna siya para tingnan kung sino ang kinakausap nito. Walang ibang taong malapit sa kanila. Siya ang tinatanong nito.
“Are you asking me?” mahinahong kompirma niya.
Saka lang niya nakita ang mukha nito. Nakatingin ito sa kan’ya. Wala pang isang dipa ang layo nila sa isa’t isa. Ngumiti at tumango ito. Hindi siya nagkakamali na ito ang lalaking katabi ng babaeng nakapula kanina sa bar.
Hindi niya maintindihan kung bakit may kaba siyang nararamdaman nang magtama ang mga mata nila. Parang sinadya yata nito na sundan siya.
“Oo, day-off ko. First day-off ko after three months kong pagtatrabaho rito,” sagot niya.
Naglahad ito ng kanang kamay. “I’m Lorrence Smith!” pakilala nito. “And you?”
Tinanggap niya ang kamay nito. Nguni’t biglang may kung ano’ng init na sumalakay sa dibdib niya nang hawakan niya ang kamay nito. Kinabahan siya pero hindi siya nagpahalata.
“H-Hymae Skylor!” sagot niya.
Kaagad niyang binitawan ang kamay nito. Para kasing pamilyar sa kanya ang pagkakahawak nito. O baka naguguluhan lang siya dahil sa nangyari kagabi. Naiilang siya lalo na at panay ang sulyap nito sa mukha niya.
“Ano’ng work mo rito?” tanong niya nang hindi nakatingin.
“Security officer. Paiba-iba ang time schedule ko. Ikaw?”
“Executive housekeeping supervisor.”
“Ah! Ikaw pala ang pumalit kay Miss Leah. Baguhan ka pala rito. Kaya pala ngayon lang kita nakita. Dalawang buwan kasi akong na-assign sa kabilang ship, sister company rin nito.”
“Talaga? Tatlong buwan pa lang ako rito,” aniya.
“May naiwan ka rin ba sa Pinas?” tanong nito.
“Na ano?”
“Someone.”
Napabuntong-hininga siya. “Someone who betrayed me, meron! Mga ahas lang naman sila,” hindi napigilang bulalas niya.
Napangisi ito sa sinabi niya. “Nakatutuwa ka palang kausap,” anito.
Napayukong ngumisi siya. “Bakit mo naman natanong?”
“May someone rin kasi akong naiwanan, she betrayed me too,” sabi nito.
Ewan ba niya, natutuwa siya sa kausap niya. Hindi niya maikakaila ang katangian nito na papatok sa kababaihan. He has a dark-brown hair and eyebrows. Kapansin-pansin ang bluish na mga mata nito.
“Masakit ang mapagtaksilan ng taong mahal mo,” aniya.
“Yeah! Long-time relationship sometimes not fated. We’ve been ten years in relationship, pero hindi na siya nakapaghintay. I think, it was my fault,” kuwento nito.
“Halos pareho pala tayo. Matagal ka na ba rito?”
“Isang dekada na.”
“Really?” Napasulyap siya sa mukha nito. Ngumiti naman ito sa kanya.
“Kaya siguro hindi na nakapaghintay ang nobya ko. Wala pang isang araw na magkasama kami kapag makababa ako ng barko.”
“Kahit ako rin siguro, makipaghiwalay na lang kung gano’n,” aniya.
Magsasalita sana ito nang biglang may sumulpot na babae at bigla na lamang yumakap rito. Nagulat siya at napatayo.
“Hey Lorrence! I’ve been looking for you. Bakit mo kasi ako iniwan sa bar kanina?” anang babae na todo kung kumalawit ang mga braso sa leeg ni Lorrence.
“Uhm! Excuse me, maiwan ko muna kayo,” biglang paalam niya.
Medyo nahihiwagaan lang siya sa babae. Sinaway niya ang sarili na huwag nang pag-aksayahan ng panahong isipin ang mga ito.
Si Zandra ang babaeng ‘yon. Nanghinayang lang siya sa naputol na pag-uusap nila ni Lorrence. Inilihim na lamang niya ang pagkakainis niya sa babae, lantaran naman kasi ang ginagawa nito. Hindi na niya inalam kung ano’ng ugnayan nito kay Lorrence at kung makayakap ay parang pag-aari na nito. Lingid sa kaalaman niya ang pagsunod ng tingin ni Lorrence sa kanya habang papalayo siya.
Binalikan niya si Marlon sa bar. Eksakto lang ang pagdating niya, papalabas na ng counter si Marlon.
“Where have you been?” malamyang tanong ni Marlon sa kan’ya nang salubungin siya.
“Nagpahangin lang. Alam ko kasi na busy ka kanina,” tugon niya.
“Oh, let’s go!” anyaya nito.
“Where are we going?”
“Doon sa employee’s restaurant, sa second deck. Mas malapit sa kusina. I’m so hungry na,” anito.
Sumunod na lamang siya sa kaibigan. Nasa fifth floor kasi sila, pababa sila sa second floor kung saan naroon ang restaurant na para sa mga empleyado. Kahit siya ay naramdaman na rin ang guton dahil hindi siya nakapag-almusal at tanghalian.
Pagbukas ng elevator na sinakyan nila ay dali-daling nilapitan ni Marlon ang lamesang may dalawang bakanteng upuan. Nakasunod lang siya rito.
“Stay here, ako na ang pupunta sa counter at uorder ng kakainin natin. Ano ba ang gusto mo?” anito.
Napangiti siya habang hila ang upuan na nakasiksik sa round table.
“Kung ano ang order mo, iyon na rin ang akin. Hindi naman ako mapili,” aniya rito.
“Carry lang?” taas-kilay na tanong nito.
Tumango siya. Umalis naman kaagad si Marlon para mag-order sa counter. Self-service kasi roon. Naupo siya habang hinihintay ang kaibigan. Ilang beses na rin siyang nakapunta sa restaurant pero madalas ay si Alice na ka-department niya ang kasama niya sa pagkain. Minsan lang kasi sila nagkakaroon ng pagkakataon ni Marlon para magkasama sa pagkain.
Ilang saglit pa ay bumalik si Marlon dala ang tray ng pagkain nila. Tinulungan na niya ito sa paglipat mula sa tray palapag sa lamesa. Seafood fried rice, tuna fillet, at chicken mushroom soap ang inurder nito. Pineapple juice ang inumin nila.
“Wow! Ang galing mong pumili ng menu. ‘Buti na lang wala akong allergy,” natutuwang sabi niya.
Napapangiti ito. “Libre ko na lahat ‘yan huh!” masayang hayag nito.
“Talaga? Thank you! Thank you!”
“Malaki-laki na kasi ang naipon ko kaysa sa iyo kaya ako muna ang taya. Bawi ka na lang kapag malaki na ang ipon mo,” anito.
“Promise!”
Sabay na nilang inumpisahan ang pagkain.
“Oh, ano na pala ang nangyari sa blindfold date ninyo?” biglang tanong nito.
Halos mag-lock ang panga niya sa narinig niya. Naalala ang nangyari kagabi. Napansin nito na tila napapaisip siya.
“Bakit? Hindi ba masarap ang dinner na nakahain sa kuwarto?”
Umiling siya. Napataas ng kilay si Marlon habang nakatitig sa mukha niya. Hindi niya alam kung paano magsimula.
“Hey! Are you okay?” nag-aalalang tanong nito. “Nakilala mo ba ang naka-date mo? Ako, kilala ko siya,” anito.
Bigla siyang napatingin sa mukha ni Marlon.
“What? Kilala mo siya?” namamaang na tanong niya.
Nagtataka si Marlon sa nababalisang itsura niya. Natingga ang pagkain nila.
“What’s wrong? Of course, I know him! Hinanap ka nga siya sa akin kanina sa bar, tinatanong kung kilala ko raw ang partner niya na nanalo kagabi ng grand prize.”
“Then? Ano’ng sinabi mo?” kinakabahang tanong niya.
“Sasabihin ko na nga sana ang pangalan mo, eh bigla na lang sumulpot si Miss Zandra, hayun, nabaling ang atensiyon niya roon. Universal woman kasi si Zandra, kahit sinong lalaki na type, aakitin niya,” anito.
“So, back to him. Sino ang partner ko?”
“Si Lorrence!” walang preno na sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “You mean, Lorrence Smith?” kinabahang pangungumpirma niya.
“Oh, ano naman kung siya?” angil nito.
“Omg!” Natutop niya ang bibig.
“Hoy, bruha! Ano’ng acting ‘yan? Nabahawan na ang pagkain natin oh!” saway nito.
Bumilis ang t***k ng puso niya. Napansin ni Marlon ang pagkatulala niya.
“Ano ba kasi ang nangyari? Nag-usap kayo?” pangungumbinsi nito.
Umiling siya. Nati-tense siya habang naghihiwa ng tuna fillet.
“Eh ano? Kumain lang pala kayo?” tanong pa rin nito.
Umiling ulit siya. Napaihip na ng bangs si Marlon sabay tirik ng mata sa kisame.
“Ano ba? Magsalita ka kasi! Ano ‘to, pinoy henyo? Pahuhulain mo na lang ako hanggang sa matumbok ko?” angal na nito.
“Iba ang nangyari. Please, hinaan mo naman ang boses mo, nakahihiya eh,” saway niya rito.
“Okay. Ano?”
“Promise me, sekreto lang natin ito, huh?” pakiusap niya rito.
Nag-cross ito ng dalawang daliri. “Madaldal lang ako, but you can trust me,” mahinang sabi nito.
“Walang date, wala kaming pinag-usapan, hindi rin kami nag-dinner. Pero may nangyari…”
“What? Ano’ng ibig mong sabihin?” anas na tanong nito.
“May nangyari sa amin,” amin niya rito.
Nanlaki ang mga mata at natutop ni Marlon ang bibig. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Pansamantala muna nilang iniba ang usapan para makapag-concentrate sila sa pagkain. Hindi inaasahan na sa lugar din na ‘yon ay magpapakita si Lorrence kasama ang lalaking kabaro nito.
“Girl, puwede na ba tayong umalis?” tanong niya kay Marlon nang makita niya si Lorrence.
“Why? May natira pa oh,” anito at pagtukoy sa pagkain nila.
“Tara na!” pagpapamadali niya rito.
“Mauna ka na lang kaya. Dahil ba sa kanya?” anito at nginusuan ang papalapit na si Lorrence.
Lalo siyang hindi mapalagay. Tumayo na siya dahil ayaw niyang makita siya ni Lorrence. Hindi siya napigilan ni Marlon. Umalis siya, ngunit nakita na siya ni Lorrence na nagmamadaling lumabas ng restaurant. Si Marlon ang saglit na kinausap nito.