Chapter 62

1933 Words

NIKAY Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na hinayaan ang sarili ko na lumapit sa kanya o siya man sa akin. Umiiwas na rin ako kahit tumingin sa kanya. Mali ang ginawa niya kanina. Aaminin ko at hindi ko itatanggi na may bahagi ng pagkatao ko na nagustuhan ko ang paghalik niya. Kung hindi ko iyon gusto, bakit nagawa kong tumugon? At dahil sa ginawa ko ay nakokonsensya ako. Asawa siya ni Ate Nikki at hindi dapat ako umeksena sa kanilang dalawa. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang dalawa. Hindi ko nakakalimutan ang sinabi ni Ate Nikki na siguraduhin ko lang na hindi ako makikipag-relasyon sa may asawa. Ayoko kainin ang lahat ng sinabi ko. Nandito ako ngayon sa silid ko. At dahil wala akong magawa sa loob ng kwarto kaya naghalungkat ako sa closet ko. Narito pa an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD