NIKAY "How are you, my princess? Namiss mo ba si mommy?" "Yes, mommy. Buti na nga lang po narito si Tita Nikay. Kahit pa'no po nabawasan po ang pagka-miss ko po sa inyo. It's fun to be with, Tita Nikay, mommy." Pasimple akong napangiwi sa walang prenong bibig ni Nathalia. Sana lang ay hindi bigyan ng masamang kahulugan ni Ate Nikki. Bata lang si Nathalia at madaldal. Hindi pa niya iniisip kung ano ang mararamdaman ng ibang tao dahil sa nga lumalabas sa bibig niya. Basta makapagsalita siya ay okay lang. "Really, huh?" sabi nito na hindi nakaligtas sa pandinig ko. There was a trace of sarcasm in her voice. Should I react? Baka nagkamali lang ako ng pagkakaintdi. "Marami akong pasalubong sa 'yo. Mamaya buksan natin isa-isa. Okay?" "Okay po, mommy." Pinaupo niya si Nathalia sa sofa

