NIKAY "D-dito mo balak kunin ang virginity ko? S-sa kotse pa talaga?" Salitang lumabas sa bibig ko. A playful smile appeared on his lips. "Where do you want me to take your virginity? In my room?" "No!" mabilis kong sagot. Sa tagal nilang nagsama ni Ate Nikki, posibleng may nangyari na sa kanila sa kamang iyon. Tsk, bakit nga ba lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon? Parang hindi ko ma-imagine na may nangyari sa kanilang dalawa tapos sa kanya ko rin isusuko ang virginity ko. Para lang kaming nagsalo ni Ate Nikki sa isang pinggan na puno ng pagkain. "Stop it, Thadd. Hindi mo ako madadala sa mga matatamis mong salita. Bitawan mo na ako dahil baka magising ang anak mo at hanapin ka." Pinilit kong huwag maapektuhan sa mga sinabi niya. Kahit paano ay nasa tamang pag-iisip pa naman ako.

