NIKAY Hinawakan ko ang kamay ni Nathalia para ibaba. Hahayaan ko na lang si Napoleon ang makapansin sa amin. "Hayaan na lang natin na siya ang makakita sa atin." Tumango naman agad ito. Muli kong binalingan ang stars sa braso niya. "Hindi natin ito tatanggalin na stars mo, ha. Ipapakita muna natin ito sa daddy mo. Okay?" "Yes po, tita. Gusto ko rin po sana makita ito ni mommy pero busy po s'ya sa work e." Biglang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nito. Naawa ako rito. Hindi maipagkakaila na sabik ito sa ina. Halata naman sa boses nito ang lungkot. "Pwede naman natin ipakita sa mommy mo kapag bumalik na s'ya, 'di ba? At saka, hindi lang naman ito ang matatanggap mong stars. Malay mo, pagbalik ni mommy ay may stars ka ulit. Sa ngayon, ako muna at si Daddy Thaddeus ang makakak

