NIKAY Kinabukasan ay nauna na akong gumising kay Nathalia. Kailangan ko lutuan ito ng almusal dahil hindi na ito kumain ng hapunan. Nagtuloy-tuloy kasi ang tulog nito kaya hindi na nakakain. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si manang at Rita na nagka-kape. Niyaya nila ako pero tumanggi ako. Mamaya ko isasabay ang kape kapag kakain na. Sinabi ko na rin sa kanila na ako na ang magluluto ng almusal. Nag-prito muna ako ng itlog. Pagkatapos ay sinunod ko ang hotdog saka longganisa. Dinamihan ko na para makakain din sina manang at Rita. "Rita, may tali ka ba? Pahiram muna ako. Ayoko na bumalik sa itaas." Naiistorbo ako sa pagluluto dahil sa buhok ko. Nakalimutan ko magtali bago bumaba. "Nako, wala akong extrang tali, Ma'am Nikay." "Pasuyo na lang ako. Kunin mo na lang sa kwarto ko

