NIKAY Hindi ako mapakali habang naghihintay sa oras ng labasan ni Nathalia. Pag-uwi ay siguradong madilim na mukha na naman ni Thaddeus ang sasalubong sa akin. Napapaisip ako kung bakit siya apektado sa pagkikita namin ni Napoleon. Bakit ba big deal parati sa kanya na nakikipaglapit ako sa lalaki? Ayoko isipin na nagseselos siya dahil imposible iyon. Asawa niya ang ate ko, for God's sake! Pabalik na kami sa bahay pero parang lumilipad ang utak ko. Kaya pinasya kong tumigil muna sa gilid ng daan. Baka kung ano pa ang mangyari sa amin lalo na at may kasama pa akong bata. "Are you alright, tita?" tanong ni Nathalia ng mapansin na huminto ako. Nakangiting binalingan ko ito. "Yes, baby." Tumango-tango ito bago tumingin sa labas. Ano kaya kung itanong ko? "Baby." Agaw ko sa atensyon nito

