NIKAY Simula ng huling pag-uusap namin ni Thaddeus ay umiwas na ako. Wala rin naman kaming ginawa sa tuwing magkakaharap kami kundi magbangayan. At pakiramdam ko ay gano'n din ang ginagawa niya. Kapag may pagkakataon kasi na nagkakasalubong kami sa bahay ay mas pinipili niyang bumalik kung saan siya galing. Hindi na rin siya sumasabay ng kain sa amin ni Nathalia. Isang beses ay biglang hindi ko nakita si Nathalia sa kwarto. Para akong tinakasan ng kaluluwa dahil baka nawala na ang pamangkin ko. Ilang segundo lang ako nawala ay bigla na itong naglaho na wala man lang nakakapansin. Sa sobrang pagkabahala ko ay nagpatulong na ako kay Manang Lydia at Rita. Hinalughog namin ang buong bahay pero maging mga sulok ay wala kaming nakita kahit anino ng pamangkin ko. Hindi rin makakalabas ito n

