NIKAY Kinalma ko ang sarili ko. Kailangan ko pakiharapan siya ng maayos na parang walang nangyari sa akin noon. Sigurado akong matagal ng nawala ang nararamdaman ko sa kanya kaya dapat maging civil ang pakikitungo ko sa kanya. "You didn't say you were coming home, tita." Napabaling ako ng tingin sa pamangkin ko. "You surprised me, Tita Nikay," nakapaskil ang ngiti sa labi nitong sabi. "Because I truly want to surprise you, Nathalia. Happy ka ba na narito na si tita?" malambing na tanong ko. "Yes, yes, yes!" Impit itong tumili sabay yakap sa 'kin ng mahigpit. Tila sabik na sabik talaga ito sa akin. Tuwang-tuwa ito dahil nasa harap na niya ako. Pagtingin ko kina mommy at daddy ay parehong nakangiti ang dalawa habang nakatingin sa amin ni Nathalia. Kahit hindi nila sabihin ay natutuw

