NIKAY
I let out a deep sigh when he finished carving his name on the tree.
"You don't have to do that for me just to like you for my sister. Kung pakiramdam mo ay hindi kita gusto para sa kanya, hayaan mo na lang muna ako. Sadyang hindi ko pa talaga matanggap na mag-aasawa na si Ate Nikki kaya ganito ako sa 'yo. Sana naiintindihan mo rin ako." Tinalikuran ko siya at tumingin sa malawak na tanawin. Niyakap ko ang sarili ng maramdaman ko ang malamig na hangin.
"I understand. I'll just wait for the time na magustuhan mo ako, Nikay."
Kunot ang noo na binalingan ko siya. Nakapamuksang nakatayo na siya sa tabi ko at nakatingala sa kalangatin habang nakapikit. I couldn't stop the smile on my lips while looking at his handsome face.
Agad akong nag-iwas ng tingin ng magmulat siya ng mata at binaling ang tingin sa akin. Ayoko isipin niya na nagagwapuhan ako sa kanya kahit totoo naman.
"Gusto mo pa ba bumalik dito?" tanong ko.
"Yes."
Nakangiting inayos ko ang salamin ko. "Mukhang nagustuhan mo nga ang lugar. Maganda talaga rito lalo na kapag ganitong masarap ang simoy ng hangin at maaliwalas ang panahon," pagmamalaki ko sa lugar.
"Yeah. Very beautiful. Ang ganda nga ng view."
Muli ko siyang binalingan ngunit bigla akong natigilan dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
He cleared his throat bago tumingin sa malawak na tanawin. "Before I go back to Manila, promise me to bring me here again, Nikay."
Tumaas ang kilay ko. "Malapit lang naman ang lugar na 'to, bakit kailangan mo pa akong isama kung gusto mo bumalik dito? Kaya mo na siguro puntahan ang lugar na ito kahit hindi mo ako kasama," mataray ko na namang sabi.
"Whoever brought me here, she should also be with me on my last visit here?" Muli niya akong binalingan. "May violent reaction ka ba, Nikay?"
Sinimangutan ko siya. "Halika na, puntahan na natin 'yung next spot." Pag-iiba ko sa usapan saka siya tinalikuran.
Naglakad ako patungo sa sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit natigilan ako dahil hindi pala ito sumunod sa akin. Sa halip ay naupo ito sa ilalim ng puno at sinandal ang likod sa katawan ng puno. Pinatong ang braso sa nakabaluktot na isang tuhod at pumikit.
Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit namalayan ko na lang na dinukot ang phone sa bulsa ng pants na suot ko at sinimulan siyang kuhanan ng larawan. Ilang shots din ang ginawa ko bago nagdesisyon na balikan siya at nakapamaywang na tumayo ako sa gilid niya.
"May pupuntahan pa tayo, Kuya Thadd. Bakit umupo ka pa riyan?"
"Dito na lang tayo magpalipas ng oras. Sa susunod na lang ang ibang lugar," sagot niya ngunit nanatili pa ring nakapikit. "I feel sleepy, Nikay." Bahagyang humina ang boses niya. Halata ngang inaantok siya. Kahit ako kapag narito ay nararamdaman ang antok lalo na masarap ang simoy ng hangin.
Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. Sinandal ko na rin ang likod ko sa puno saka kinuha ang phone ko. Makikinig na lang ako ng music. Medyo late na rin kasi ng lumabas kami. Mas mainam nga na dito na lang magpalipas ng oras.
I searched for the music application and searched for a song. Upon seeing it I played the button. Tinapunan ko muna ng tingin ang katabi ko. Mukhang nakaidlip na ito kaya hininaan ko ang sound ng phone ko. At katulad ng dati, sa tuwing makakarinig ako ng music ay hindi ko maiwasang sabayan ito.
Kumanta ako sa paraang hindi ko maaabala si Kuya Thaddeus sa kanyang pagtulog. Dahan-dahan kong pinikit ang mata ko habang nag-e-enjoy sa pagkanta.
"Beautiful voice. Ang sarap sa tainga." Napamulat ako ng mata at tumigil sa pagkanta ng marinig ko ang boses ng katabi ko. Akala ko pa naman ay tulog na ito. Nang balingan ko siya ay nakapikit pa rin naman ito. "Go on, Nikay. I loved to hear your voice." He finally opened his eyes and looked at me.
"H-hindi na. Akala ko kasi tulog ka," sabi ko at nag-iwas ng tingin.
"What if you sing at our wedding? Will you do the same?" he sarcastically asked.
Sumimangot ako. "Syempre, hindi. Kasal n'yo iyon kaya obligadong kumanta ako. Ayoko naman ipahiya ang sarili ko lalo na sa mga bisita."
Naramdaman ko ang pagkilos niya. "Nikki said, it was you who chose the song for the wedding."
"Yes." Mukhang proud pa ako sa naging sagot ko.
"Kung ayaw mo pa pala mag-asawa ang Ate mo, why do you want to sing and choose the song when others can do it?"
Natigilan ako. Hindi agad ako nakapag-isip ng isasagot sa tanong niya. At ang tanong nito ang naging dahilan kung bakit ilang segundo namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bakit nga ba?
"Don't answer it. It doesn't matter anyway."
I heaved a heavy sigh. "Siguro dahil mahal ko ang Ate ko kaya mas pinili ko na ako ang kumanta sa kasal niya kahit ayaw ko pang lumagay siya sa tahimik. Her wedding day is important to her so I want that day to be memorable." Sa wakas ay sagot ko. "Siguro hindi mo maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak ko, pero alam mo ba, kahit hindi pa ako handa na mag-asawa si Ate Nikki, naging excited ako na sabihin sa kanya na may napili akong kanta para sa kasal ninyong dalawa. Baliw na nga siguro ako dahil nag presinta pa akong kumanta sa kasal ninyo na agad naman niyang sinang-ayunan."
Mahina akong tumawa ng maalala ko ng sinabi ni Ate Nikki na engaged na raw siya. Bigla agad sumagi sa isip ko na pumili ng kanta para sa kanilang dalawa ni Kuya Thaddeus pero hindi ko akalain na parang gusto kong bawiin sa bandang huli ang sinabi ko, lalo na ang pag presinta kong kumanta sa kasal nila dahil naisip ko na iiwan na pala ako ng kapatid ko.
Napagawi ang tingin ko sa kanya ng siya naman ang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Parang may kakaiba.
"I don't want to say this to you, Nikay but…" He paused at tumingin sa malayo. "Pwede bang 'wag ka na lang kumanta sa kasal naming dalawa ni Nikki? Pwede bang iba na lang ang kumanta sa kasal?"
Biglang may kung anong tumusok sa puso ko. 0o, nasaktan ako. Hindi ko kasi inaasahan na lalabas sa bibig niya iyon. Ayoko isipin na minamaliit niya ang kakayahan ko pero iyon ang alam kong dahilan kung bakit ayaw niyang kumanta ako sa kasal. Baka iniisip niya na hindi maganda ang kalabasan ng kasal nilang dalawa kapag ako ang kumanta. Sabagay, sino ba naman ako? I'm not a professional singer. Ni hindi nga ako sumasali sa mga contest, kumakanta lang ako kapag gusto ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng diretso ay alam kong wala siyang tiwala sa akin.
I stopped the music button at padabog na tumayo. Sa gilid ng mata ko ay tumingala siya para sulyapan ako.
"Madali akong kausap. Pero kausapin mo muna si Ate Nikki dahil nag-e-expect siya na ako ang kakanta sa kasal n'yo," walang kangiti-ngiti kong sagot.
Hindi ko na siya hinintay magsalita dahil naglakad na ako pabalik sa sasakyan. Nakita ko na siyang tumayo at naglakad palapit kaya binaling ko na ang tingin ko sa bintana.
"It's not what you think, Nikay. I have my reason why I don't want you to sing at the wedding," sabi niya ng makapasok sa sasakyan.
"Whatever your reason is, it's fine with me, Kuya Thaddeus. Naiintindihan ko," malamig kong wika.
Nagpakawala na naman siya ng buntong-hininga. Ilang sandali lang ay hindi na naman ako nakakilos ng hawakan niya ang seatbelt para ikabit sa akin.
"Ako na!" Hindi ko napigilan na taasan siya ng boses. Akma kong aagawin ang seatbelt na hawak niya ng ilayo naman niya ito.
"Don't move or else…" The look he gave me was threatening, na para bang kapag nag matigas ako ay may gagawin siya sa akin.
Matapang kong sinalubong ang titig niya. "Or else, what?" Hindi na naitago ang inis sa boses ko.
Ilang segundo na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mata ko at sa baba ng mukha ko– partikular sa labi ko. Tumaas ang sulok ng labi niya na parang may gusto siyang sabihin pero wala namang lumabas na salita sa bibig niya.
"Damn it." Mahinang sabi niya pero mariin ang pagbigkas. Mabilis na kinabit ang seatbelt sa katawan ko bago hinarap ang manibela.
Ang buong akala ko ay aalis na kami pero ilang segundo na ang nakalipas ay nanatili pa rin kami sa lugar kaya binalingan ko na siya.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
"Later," tipid nitong sagot habang seryosong nakatingin sa unahan ng sasakyan.
Hindi na ako kumibo. Inabala ko na lang ang sarili sa phone ko. Mayamaya lang ay tumunog ang ringing tone alert ng phone ko kaya sinagot ko agad dahil si Karina ang tumatawag.
"Bakit?" mataray na tanong ko.
"Ang taray naman ng friend ko. May bisita ka ba, girl?"
Nagbuga ako ng hangin. "Pasensya na. Bakit ka tumawag?" I asked in a calm voice.
"Galing ako sa bahay n'yo. Umalis ka raw sabi ni Tita Kelly?"
"Yes."
"Sana dinaanan mo ako, girl. Nakakainis ka. Kasama mo pala si Kuya Thaddeus." Halata ang kilig sa boses nito ng binanggit ang pangalan ng katabi ko.
I rolled my eyeballs. "Come on, Kari. What is it?" pag-iiba ko sa usapan.
"Hmp! Sungit. Baka pwede dumaan ka rito."
"Don't tell me may experiment ka na naman? Hindi ko pa nga ubos 'yung binigay mo kagabi," reklamo ko.
"Of course not. Basta dumaan ka rito bago ka umuwi at saka para ipakilala mo na rin sa akin si Kuya Thaddeus."
May narinig akong ingay sa background. Baka nakauwi na ang magulang nito galing sa Palawan.
"Oo na. Nariyan na ba sina Tita at Tito?"
"Wala pa. Pero mamaya narito na sila. Si Kuya ang kasama ko."
"Walang rides si Kuya Ken?"
"Wala–"
Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ni Karina ng impit akong napatili at muntik ko ng mabitawan ang phone ko ng biglang pinaandar ni Kuya Thaddeus ang sasakyan. Hindi ko na naman naiwasan na samaan ito ng tingin ng balingan ko.
"Dahan-dahan ka naman, Kuya Thadd," reklamo ko. Ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin pero medyo bumagal ang pagpapatakbo niya. Muli kong binalik ang atensyon sa kausap ko sa kabilang linya.
"Okay lang kayo?" Bakas ang pag-aalala sa boses ng kaibigan ko.
"Oo. Hintayin mo na lang ako. Pauwi na rin kami."
"Okay. I'm so excited!" Nilayo ko ng bahagya ang tainga ko dahil tumili ito. Halata ngang excited ito– excited makita ang kasama ko.
Tumikhim ako pagkatapos makipag-usap kay Karina saka seryosong tumingin sa harapan ng sasakyan.
"Dumaan muna tayo sa bahay ng kaibigan ko," agaw ko sa atensyon nito. Hindi ito sumagot.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay ni Karina at nakita kong naghihintay na ito sa labas ng bahay. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan pero muli kong sinara. Tumikhim ako saka binalingan si Kuya Thadd.
"Pwede mo ba ako samahan? Gusto ka rin kasi makilala ng kaibigan ko." Mahinahon na ang boses ko. Hangga't maaari ay ayoko ipakita sa harap ng kaibigan ko na hindi maganda ang mood ko lalo na sa kasama ko. Tiyak akong kukulitin na naman ako ni Karina magkwento. At kapag sinabi ko, sasama na naman ang loob ko.
Salubong ang kilay na binalingan niya ako. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya bago tumango bilang tugon.
Sabay na kaming bumaba. Nang palapit kami kay Karina ay hindi naitago ang amusement sa mukha nito ng makita ang kasama ko. Halata naman dahil nasa harap na niya kami pero hindi pa niya inaalis ang tingin kay Kuya Thaddeus. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito at kulang na lang ay tumulo ang laway.
Tumikhim ako para agawin ang atensyon ni Karina. Bumalik naman agad ito sa huwisyo sabay ngiti kay Kuya Thaddeus.
"Si Kuya Thaddeus, fiancé ni Ate Nikki," pakilala ko rito. Mabilis na inabot ni Karina ang kamay sa kasama ko na agad naman nakipag-kamay sa kaibigan ko. Halos mapunit yata ang labi nito sa pinakawalang ngiti lalo na ng makadaupang palad si Kuya Thadd. "Kuya Thadd, si Karina, bestfriend ko. Siya 'yung bunsong kapatid ni Kuya Kenneth."
"Nice to meet you, Karina."
"Oh my gosh! You look like a model. Ang gwapo n'yo po!" Impit na tumili si Karina at para itong bulate na hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Muntik ko na nga itong kurutin dahil masyado nitong pinahalata ang kaharutan nito sa kasama ko. Ako na lang ang nahiya sa inasal nito.
Magsasalita na sana ako ng dumating si Kuya Kenneth. Tumango ito kay Kuya Thaddeus bago nakangiting bumaling ng tingin sa akin.
"Hi. Lumabas kayo?"
"Pinasyal ko si Kuya Thaddeus." Lumipat ang tingin ko sa kaibigan ko na hindi inaalis ang tingin sa kasama ko. "Bakit mo nga pala ako pinadaan, Kari?"
Mula kay Kuya Thaddeus ay lumipat ng tingin sa akin si Karina. Unti-unti nawala ang ngiti nito sa labi at alanganing tumingin sa Kuya nito.
"A-ano nga 'yon, Kuya?"
Nagsalubong ang kilay ko. Pinagmasdan ko lang ang magkapatid na parang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan dahil sa mga tingin nila sa isa't isa.
"Bakit ako ang tinatanong mo?" natatawang sabi ni Kuya Kenneth at bahagyang tinulak ang kapatid.
Exaggerated na tumawa si Karina kaya tinaasan ko ito ng isang kilay. Pinagloloko yata ako ng babaeng ito.
"Nakalimutan ko na, girl. Sorry." Nag-peace sign pa siya sa akin at alanganing ngumiti. Inisip ko na lang na sa sobrang pagka-amused niya kay Kuya Thadd kaya niya nakalimutan.
"Sira ka talaga. Text mo na lang ako kapag naalala mo na," natatawa na sabi ko.
Nagpaalam na kaming dalawa ni Kuya Thadd sa magkapatid. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng tinawag ako ni Kuya Kenneth kaya pumihit ako paharap.
"Bakit, Kuya Kenneth?"
Bumuka ang labi nito pero muling tinikom. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi.
"Kuya, nakalimutan mo rin 'yung sasabihin mo?" Makahulugan ang ngiti na pinakawalan ni Karina sa kapatid.
"Shut up!"
Natatawa na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa magkapatid. Nakakatuwa talaga mag-asaran ang dalawang ito.
"Never mind, Nikay," sabi na lamang ni Kuya Kenneth at sinamaan ng tingin si Karina bago pumasok sa loob ng bahay.
"Kuya Thaddeus, balik ka ha," pa-cute na baling ni Karina sa kasama ko.
I turned to face Kuya Thaddeus but my smile disappeared when I saw him looking at Kuya Kenneth. Para kasing may kakaiba sa mga titig nito. Saka lang niya inalis ang tingin kay Kuya Kenneth ng niyaya ko na siyang umuwi.
"I don't like him," sabi ni Kuya Thadd ng nasa loob na kami ng sasakyan.
"H-ha? Sino?" takang tanong ko.
"Karina's brother," malamig ang boses na tugon nito.
"Mabait si Kuya Kenneth."
"Yeah. He's nice but I don't like the way he looks at you, Nikay." Seryoso niya akong binalingan. May kakaiba na naman sa mga tingin na pinupukol niya sa akin. "And I hate him for that."
Awang na lang ang labi na hindi ako makapagsalita. Ano ba ang klase ng tingin sa akin ni Kuya Kenneth na ayaw niya? Bakit ba parang pinag-iinitan niya ang tao?
"'Yung totoo, Kuya Thadd, kasama ba sa pagiging bayaw mo ang maging protective sa akin kaya pati tingin ni Kuya Kenneth ay big deal sa 'yo?" Napapailing na tanong ko sabay tingin sa harapan ng sasakyan.
"I'm just selfish." Mahina lang pero hindi nakaligtas sa pandinig ko kaya binalingan ko siya pero nakatuon na ang atensyon niya sa pagmamaneho pabalik sa bahay. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin kaya ipinagsawalang bahala ko na lang.