NIKAY
Hindi ako mapakali sa higaan. Maya't maya ang bangon ko ngunit kalaunan ay muli akong mahihiga. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Ewan ko ba, ngayon lang nangyari sa akin ito. Kung kailan may pasok ay hindi naman ako makatulog.
Tumagilid ako ng higa at kinabig si Mik-Mik. Mabuti pa itong alaga ko, mahimbing na ang tulog dahil kahit kanina pa ako hindi mapakali sa higaan ay hindi ito nagigising.
Pinindot-pindot ko ang malamig nitong ilong. Mayamaya lang ay pinisil ko dahilan para magmulat ito ng mata ngunit kalaunan ay muling pumikit. Nagbuga na lang ako ng hangin saka hinayaan na itong matulog. Pati tuloy ito ay dinadamay ko sa pagpupuyat.
Ipinasya kong kunin ang phone ko. Natagpuan ko ang sarili na nasa gallery at nakatingin sa gwapong mukha ni Kuya Thaddeus. Ipinilig ko ang ulo ko dahil ilang segundo yatang hindi kumurap ang mga mata ko habang nakatingin sa larawan niya. What went into my mind and I was able to take a picture of him?
"Argh!" gigil na bulalas ko saka bumangon. Ipinasya ko na lang na bumaba. Sa likod ng bahay na lang ako magpapalipas ng oras at baka sakaling dalawin na ako ng antok.
Kumuha ako ng crackers at bottled water bago tinungo ang likod. Umupo ako sa upuan. Nilagay sa magkabilang tainga ang dala kong earphone at naghanap ng music sa phone ko. Nakangiting tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit habang sumasabay sa awitin.
Sa sobrang focus ko sa pagkanta at pagmasid sa kalangitan ay muntik na akong mapatili sa sobrang gulat ng tumambad sa harap ko si Kuya Thaddeus.
Hawak ang dibdib ay tinanggal ko ang earphone sa tainga ko. "Kuya Thadd naman, nagugulat ako sa 'yo," sabi ko habang pinapakalma ang kaba sa dibdib ko.
"Did I scare you?" He sat next to me as if he didn't care about my reaction.
"Sino ang hindi matatakot sa 'yo? Ang laki mong tao tapos bigla kang susulpot sa harap ko." Tumaas baba ang dibdib ko sa sobrang kaba. Para talaga akong tinakasan ng kaluluwa sa pagsulpot niya
"Sorry."
"Bakit gising ka pa?" usisa ko bago uminom ng tubig. Baka makatulong ito para kumalma ang puso ko dahil sa takot.
"I can't sleep. How 'bout you? Why are you still awake?"
"Pareho lang tayo kaya pinili ko na dito magpalipas ng oras."
"I see." Sa gilid ng mata ko ay binalingan niya ako. Can I listen too?" Tukoy niya sa pinakikinggan ko.
Hindi na ako sumagot, binigay ko na lang ang isang earphone sa kanya.
"I'm not a fan of music."
"Eh, bakit ka nakikinig?" Tinapunan ko siya ng tingin. Nakatingala na siya sa kalangitan.
"Because I'm with you."
Bigla na naman akong hindi nakapagsalita. Nablangko na naman ang utak ko at parang mahirap hagilapin ang isasagot sa sinabi niya. Hindi naman iyon tanong pero nahihirapan ako sumagot.
"Ang sabi ni Ate Nikki, apat daw kayong magkakapatid. All twins," pag-iiba ko na lang sa usapan.
"Yeah."
"Curious ako, lahi ba kayo ng mga kambal? So may posibilidad na baka kambal din ang maging anak n'yo ni Ate Nikki?" Bigla akong na-excite na magkaroon sila ng anak ng kapatid ko. Kapag nagkataon ay unang apo ng magulang ko at pamangkin ko.
"Maybe," tipid nitong tugon.
"Uhm… if you don't mind, pwede ko ba makita ang picture ng family mo?" nahihiya na sabi ko. Hindi ko pa kasi sila nakita. Kung 'yung sa kanya nga kapag pinapakita sa akin ni Ate Nikki ay wala akong interes, sa pamilya pa kaya niya? Kahit paano ay binibigyan ko na ng pagkakataon ang sarili na makilala ang pamilya ng magiging asawa ng kapatid ko.
"Sure."
Nakangiti na lumapit ako ng upo sa tabi niya ng buksan niya ang kanyang phone. Isa-isa niyang pinakita sa akin ang larawan ng pamilya niya.
Buong paghanga na tinitigan ko ang larawan ng mga kapatid niya. Tinuro niya ang kanyang kambal na si Alessia. Kung gwapo si Kuya Thaddeus, maganda naman ang kambal nito. Para lang itong female version ni Kuya Thadd. Stolen shots ang kuha ng iba ng kambal niya pero kahit saang anggulo ay napakaganda pa rin nito tingnan.
Ang sunod na pinakita niya ay ang bunsong kambal, si Alexis Ethan at Asher Grey. The two are identical so it's hard to guess which of the two is Asher and Alexis.
"And these two are my parents." He showed a picture of the two couples. "I want you to meet my first love, my Mommy Lexa." Ramdam ko sa boses niya ang pagmamahal niya sa kanyang ina.
"Ang ganda n'ya." Kumislap yata ang mata ko ng makita ko ang nakangiting larawan ng mommy ni Kuya Thadd. Nakakahawa ang ngiti nito.
"And one of my models when it comes to family relationships, my Daddy Gregg," pakilala niya sa kanyang daddy.
Para akong kinilig ng tinitigan ko ang mukha ng daddy ni Kuya Thadd. Nakayakap ito mula sa likuran ng mommy niya. Ang sweet nila tingnan. Seryoso lang ito pero paano kapag ngumiti na ito? Diyos ko, kaya naman pala may pinagmanahan sa kagwapuhan ang mga anak lalo na itong katabi ko.
Hindi ako makapagsalita dahil para silang biniyayaan ng magandang lahi. Bigla ako na-excite na makilala ang pamilya niya.
"Isa lang ang masasabi ko, what a perfect family. Ang gu-gwapo ng kapatid mo. 'Yung kambal mo, wala akong masabi sa ganda. 'Yung parents mo, gosh! Pwedeng ipantapat sa mga artista," puno ng paghanga na sabi ko.
Tumikhim si Kuya Thaddues. "So it means, gwapo rin ako, ganon ba?"
Mula sa phone niya ay nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagsilay ng pigil na ngiti sa labi niya.
Nakasimangot na umirap ako. "Oo na, gwapo ka na rin. At saka, hindi naman pumipili si Ate ng hindi pogi."
"Parang sinabi mo na kaya lang ako nagustuhan ng Ate mo ay dahil gwapo ako."
Natatawa na umiling-iling ako. "Isa na rin siguro ang pagiging pogi mo pero alam ko na may iba pang dahilan kung bakit nagustuhan ka ng kapatid ko, Thadd– I mean, Kuya Thaddeus."
"Just call me Thadd if you don't feel comfortable calling me Kuya, Nikay."
Nagbuga ako ng hangin. "Okay. Tutal, hindi pa talaga ako ready sa pagpasok mo sa buhay ng Ate ko, sige. Pero tatawagin kitang Kuya kapag nasa harap natin ang magulang ko at si Ate Nikki. Deal?" Nag-thumbs up ako sa kanya, senyales na may kasunduan kaming dalawa.
Tumaas ang isang kilay ko ng hindi pa siya nagta-thumbs up dahil nanatiling nakatingin lang siya sa kamay ko. Parang hindi pa yata siya sang-ayon sa kasunduan.
Bahagya akong tumagilid ng upo paharap sa kanya. Kinuha ko ang isang kamay niya at kinuyom ang kamao saka pinatayo ang hinlalaki. Pinaglapat ko ang kamao naming dalawa maging ang mga hinlalaki namin saka nakangiting nag-angat ng mukha para sulyapan siya.
"Deal?" ulit ko sa sinabi ko kanina.
"Deal."
Tinapat ko sa harap niya ang hintuturo at parang bata na kunwaring binaril siya sabay kindat. Kahit paano ay nawala ang inis ko sa kanya kanina. Gumaan na ang pakiramdam ko sa pag-uusap naming dalawa.
"Are you still mad?"
Kumuha ako ng crackers. Habang nginunguya ko ito ay umiling ako.
"I'm not mad. Masama lang ang loob ko. Pero hindi naman ako 'yung tipo ng tao na pinapatagal ang sama ng loob. Nakita mo naman, kinakausap na kita ng matino, hindi ba?" Mahina akong tumawa dahil sa huli kong sinabi. "Kailan nga pala babalik si Ate? Malapit na ang kasal n'yo pero trabaho pa rin ang focus niya. Nandito ka pero wala naman s'ya. Useless ang bakasyon mo kung wala s'ya dito," pag-iiba ko sa usapan.
"She was just finishing her shoots. After 2 weeks, she is already here. Anyway, my arrival here is not useless. You are there to accompany me, right?"
Umikot ang mata ko. "Ano pa nga ba ang magagawa ko eh, sa akin ka ibinilin ni Ate." Inabot ko sa kanya ang supot ng crackers na hawak ko. "Gusto mo?"
"Gabi na. Nag-toothbrush na ako."
"Ang arte." Tumulis ang nguso ko. Akma kong ilalayo ang crackers na hawak ko ng kunin naman niya. Awang ang labi na tiningnan ko lang siya habang sunod-sunod ang subo sa crackers. "Akala ko ba ayaw mo?"
"Nagbago na ang isip ko."
Natatawang binuksan ko ang bottled water para sana uminom pero hindi ko na nagawa dahil inagaw niya ito. Napapailing na tinuon ko na lang ang atensyon sa phone ko.
Mayamaya lang ay nakaramdam na ako ng antok. Dalawang beses pa ako humikab kaya binalingan ko na siya. Alanganin akong ngumiti dahil nakatingin pala siya sa akin.
"Sleepy?"
Tumango ako bilang tugon. "Ikaw?"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinanggal na niya ang earphone sa tainga bago binigay sa akin saka tumayo.
"Let's sleep," aniya.
Tumayo na rin ako. Binalik ko muna sa refrigerator ang supot ng crackers dahil may laman pa ito. Uminom muna ako ng tubig bago sabay kaming umakyat.
"Good night," sabi ko ng nasa tapat na ako ng silid ko.
"Good night, Nikay," he said and walked towards his room.
Nakangiting nahiga ako sa kama. Masarap pala sa pakiramdam na maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Kaya siguro agad na namigat ang talukap ko ng lumapat ang likod ko sa kama. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako sa alarm ng digital clock sa bedside table ko. Huminat muna ako ng katawan bago tinungo ang banyo para maligo. Sandali lang ako sa banyo. Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng silid ko.
"Good morning, 'My," bati ko sa mommy ko ng nakasalubong ko ito sa sala. Pinatong ko muna ang bag ko sa sofa bago lumapit kay mommy.
"Mag-almusal ka muna bago pumasok."
"Kape lang, 'My," inaantok pa na sabi ko. Umangkla ako sa braso nito at hinilig ang ulo sa balikat nito.
"Gagawa na lang ako ng sandwich. Kainin mo habang nasa sasakyan ka."
Hindi na ako sumagot. Sumunod na lang ako rito habang nakapikit at nanatiling nakahilig ang ulo sa balikat nito.
"Bakit parang puyat na puyat ka? Huwag mong sabihin na nagpuyat ka na naman sa lintik na korean na 'yan kahit alam mong may pasok ka?" sermon nito sa akin.
"Of course not." Nagmulat ako ng mata. Agad akong napatuwid ng tayo ng makita ko si Thaddeus na nakaupo at titig na titig sa akin. "Good morning, Tha– Kuya Thaddeus." Tsk. Muntik na akong madulas. Seryosong tumango lang ito sa akin.
Nagtimpla muna ako ng kape bago naupo sa tapat niya. Habang hinahalo ang kape ay hindi ko naitago ang pagsilay ng ngiti ko sa labi ng biglang sumagi sa isip ko ang nangyari ng nagdaang araw ng dahil sa kape. Kaya naman ay mula sa kape ay nag-angat ako ng mukha para sulyapan ang kaharap ko.
Unti-unti nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng pagtulis ng nguso ng mahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin. Siguro hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung kapatid nga ba talaga ako ng mapapangasawa niya.
Pasimple kong binalingan si mommy, abala ito sa paggawa ng sandwich na babaunin ko kaya muli kong binalik ang tingin kay Thaddeus.
"Bakit ba?" walang sound na tanong ko rito saka pinandilatan ng mata.
"You haven't combed your hair, again," seryosong puna nito sa buhok ko.
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung sinadya ba niya na iparinig kaya ang siste, napabaling ng tingin sa akin si mommy. Alanganin lang ang ngiti na pinakawalan ko at patay-malisya na tinuon ang atensyon sa paghigop ng kape.
"Naku, hijo, masanay ka na sa bunso kong iyan. Lahat ng katamaran ay sinalo ng batang iyan."
Sumimangot ako. Hindi naman lahat. Tamad lang talaga ako mag-ayos sa sarili ko.
"Masipag ako mag-aral, 'My," pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Alam ko." Napapangiti na muling tinuon ni mommy ang atensyon sa ginagawa.
Tinapunan ko ng tingin si Thaddeus. Dahil nakatingin ito sa akin ay inirapan ko ito.
"Good morning!" Napalingon ako ng marinig ko ang matinis na boses. "Good morning, Kuya Thadd!" Argh! Ang magaling kong kaibigan ay narito at nauna pa batiin ang kaharap ko kaysa sa akin na kaibigan niya.
"Good morning, Kari. Aalis na ba kayo?" tanong ni mommy.
"Opo, Tita." May inabot itong supot kay mommy. "Pasalubong po ni mommy at daddy."
"Salamat dito, hija. Pupunta na lang ako sa bahay ninyo mamaya para makapagpa-salamat na rin." Inabot ni mommy ang supot saka ako binalingan. "Bilisan mo na riyan at baka ma-late ka pa."
"Opo." Inubos ko muna ang kape ko. Nang gumawi ang tingin ko sa kaibigan ko ay nakaupo na ito sa tabi ni Thaddeus at kung ano-ano ang tinatanong habang kumukurap-kurap ang mata na akala mo ay may sakit. Baka nakalimutan na niya na fiancé ng Ate ko ang pinapa-cute-an niya. "Kari, halika na." Agaw ko sa atensyon nito.
"Aalis na tayo?" matamlay na tanong nito.
"Oo. O baka gusto mo, 'wag ka ng pumasok. Dito ka na lang sa bahay para makapag-usap pa kayo ni Kuya Thaddeus ng masinsinan," pang-aalaska ko rito.
Tumulis ang nguso nito at mukhang masama pa ang loob na tumayo. "Bye, Kuya Thadd. Bye, Tita."
"Ingat kayo."
Kinuha ko ang sandwich na gawa ni mommy bago ito hinagkan sa pisngi. Hinila ko na rin palabas ng dining area si Karina dahil wala pa yata itong balak umalis. Pero bago kami makalayo ay narinig ko pa nagsalita si Thaddeus.
"Sino maghahatid sa kanila sa school, Tita?"
"Si Kenneth, hijo."
Yes, it was always Kuya Kenneth. Si Daddy kasi ay mas maaga umaalis ng bahay para puntahan ang farm namin kaya sinasabay na ako ni Kuya Kenneth sa paghatid niya kay Karina.
Nakangiting pinagbuksan ako ni Kuya Kenneth ng pintuan sa front seat ng nasa labas na kami ng gate. Sa back seat kasi umuupo si Karina na dapat ay ako dahil nakikisakay lang ako. Pero lagi ako inuunahan ni Kari sumakay tulad ngayon kaya no choice ako kundi sa front seat umupo. Nakakahiya naman tumanggi lalo na at nakabukas na ang pintuan para sa akin.
"Good morning, Nikay," malawak ang ngiti na bati ni Kuya Kenneth.
"Same here, Kuya Kenneth."
Papasok na sana ako ng may humawak sa braso ko na nagpatigil sa akin. Mula sa kamay na nakahawak sa braso ko ay nag-angat ako ng mukha para sulyapan ito.
"Ako na ang maghahatid sa 'yo sa school."
"K-Kuya Thadd."
Walang kangiti-ngiti na binalingan niya si Kuya Kenneth. "If it's okay with you, bro?"
Hindi na ako magtataka kung nagpresinta siyang ihatid ako. The way he stared at Kuya Kenneth, parang binigyan niya ito ng tingin na wala na itong karapatan na ihatid ako dahil narito na siya. Parang ang hirap tuloy mamili kung sino ang sasamahan ko sa kanilang dalawa.