NIKAY Umalis si Ate Nikki sa ibabaw ni Thaddeus. May kinuha ito sa gilid ng kama at naglakad palapit sa akin. Nakita ko na rin bumangon si Thaddeus at seryosong binaling ang tingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at muling binalik ang tingin sa kapatid ko. "Here." Inabot ni Ate Nikki sa akin ang isang malaking paper bag na mukhang mamahalin ang nasa loob. Pero sa halip na kunin ay hinawakan ko siya sa kamay at hinila palabas ng silid. Sinara ko ang pintuan at bahagyang lumayo rito. "What?" natatawang tanong nito. "Bakit nasa silid mo si Kuya Thaddeus? Hindi pa naman kayo kasal, 'di ba?" pag-uusisa ko. Sa halip na sagutin ako ay malutong itong tumawa. Kinuha niya ang kamay ko at binigay ang hawak na paper bag. "Come on, sis. Hindi na kami mga bata. Natural lang na pumunta si

