NIKAY Pagdating sa bahay ay naabutan kong naghihintay sa sala si mommy at Ate Nikki. Nasa sofa rin si Mik-Mik nakahiga na agad bumangon para salubungin ako. Kumakawag ang buntot at tumalon-talon ng nasa paanan ko na ito, nagpapahiwatig na kunin ko kaya agad ko itong binuhat. Bakas naman ang pag-aalala sa mukha ni mommy at Ate Nikki ng lumapit sa 'kin. "Tsk, hindi mo talaga pinalampas ang ulan, ano?" napapailing na tanong ni mommy. Alanganin lamang na ngiti ang sinagot ko rito. Napansin kong tumagos ang tingin ni Ate Nikki sa likuran ko. Marahil ay nakita na nito si Thaddeus. Nauna na kasi akong lumabas ng sasakyan at naiwan itong walang imik na para bang malalim ang iniisip. "Naligo ka rin sa ulan?" Napansin na ni Ate Nikki na basa ito. "Masyadong malakas ang ulan kaya nabasa na r

