NICAH KAYEZIEL
Kinabukasan ay nagising na naman ako sa ingay ni mommy. Wala ito sa silid kundi nasa bakuran at mukhang sinisermunan si daddy. Mataas na rin ang sikat ng araw kaya bumangon na ako. Hinaplos ko muna ang balahibo ni Mik-Mik bago umalis sa kama.
Tinungo ko ang bintana at binuksan para makita ko ang magulang ko. "Good morning mga mahal kong magulang!" masiglang bati ko sa dalawa na agad namang tumingin sa akin.
"Ikaw na bata ka, tinanghali ka na naman ng gising. Nakapag-almusal na kami pero ikaw, naghihilik pa," sa halip ay sermon na sagot ni mommy.
"Kagigising ko lang sinermunan n'yo na agad ako. Hindi ba kayo nagsasawa manermon sa amin, 'My?"
"Tama ang anak mo, mahal. Hindi ka ba nagsasawa manermon?" segunda ni daddy.
"Hanggat kasama n'yo ako, hindi ako magsasawa na sermunan kayo." Nakapamaywang na hinarap ni mommy ang daddy ko. Walang nagawa si daddy kundi yakapin na lang ang kabiyak.
Napapailing na umalis ako sa bintana at tinungo ang banyo para maghilamos. Nang makapagpunas ng mukha ay dinampot ko na ang salamin ko sa bedside table at tinungo ang pintuan. As soon as I opened the door, Kuya Thaddeus appeared in front of me, seriously leaning on the railings as if he was waiting for someone. Teka, ako ba ang hinihintay niya? Nasa tapat ng silid ko kasi siya nakaharap.
"Ganitong oras ba talaga ang gising mo?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Kapag weekends lang," sagot ko.
"I see." Lumapit siya sa akin. Ngunit hindi agad ako nakagalaw ng hawakan niya ang buhok ko at sinuklay ng mga daliri niya. "Hindi ka ba marunong magsuklay?"
The hell! Lahat na lang ba pupunain niya?
"Tinatamad ako," walang gana kong sagot at lumayo ng bahagya sa kanya. "Si Ate Nikki?"
"Maagang umalis ang Ate mo." Nag-squat ito ng upo, kaya pala dahil lumapit sa kanya si Mik-Mik. At kailan pa sila naging close ng alaga ko? "Why Mik-Mik?" tanong na naman niya. Marahil ay nabanggit sa kanya ni Ate ang pangalan ng alaga ko.
"Nik-Nik nga dapat ang kaso–" Tumigil ako sa pagsasalita at biglang natawa dahil sa naging reaksyon nito nang mag-angat ng mukha para sulyapan ako. Baka akala n'ya ay nagbibiro lang ako kaya halos magdikit ang kilay niya. "That's not a joke, Kuya Thadd. Nik-Nik talaga dapat ang pangalan niya dahil gusto ko isunod sa pangalan ko." I promptly explained.
Tumayo siya at humakbang palapit sa akin sabay bigay kay Mik-Mik. "Don't laugh, Nikay. I hate when you laugh."
Awang ang labi na sinundan ko siya ng tingin habang pababa ng hagdan. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ayaw niyang nakangiti ako kay Kuya Kenneth at ngayon, ayaw naman niyang tumatawa ako sa harap niya. Saan na lang ako lulugar at ano ba mayroon ang utak niya? Paano ba sila nagkasundo ni Ate Nikki?
Napapailing na bumaba na ako. Agad sumampa si Mik-Mik sa sofa at naupo ng nasa sala na kami. Ako naman ay dumiretso sa kusina para mag-timpla ng kape. Humaba pa ang leeg ko at hinanap si Kuya Thaddeus dahil baka bigla na naman itong sumulpot sa harap ko.
Nang tapos na magtimpla ay lumabas ako para panoorin ang magulang ko sa kanilang ginagawa. Sumunod naman si Mik-Mik sa akin. Paglabas ko ay natigilan ako dahil nakaupo si Kuya Thaddeus sa veranda at nakatuon ang atensyon sa magulang kong nagkukulitan.
Sumampa si Mik-Mik sa bakanteng upuan. Nang maupo ako sa katabing upuan ng alaga ko ay saka niya ako binalingan. "Your parents are cool," saad niya.
"Thank you. Ang parents mo ba?" tanong ko habang hinahalo ang kape ko.
"They're cool too. Mukhang magkakasundo ang mga magulang natin."
Tumango-tango ako. Hinipan ko ang kape na nasa kutsara bago hinigop. I hesitated to smile when I noticed he was looking at me.
"Kape tayo," yaya ko rito.
"Sure," aniya. Pero iba pala ang ibig niyang sabihin dahil kinuha niya ang kape ko at pati kutsara na hawak ko. Awang na lang ang labi ko habang pinagmamasdan ito na unti-unting hinihigop ang kape na tinimpla ko.
"Hmm, kuhang-kuha mo ang lasa ng kape na gusto ko," aniya na hindi alintana ang pagsama ko ng tingin sa kanya.
"Dito ka ba talaga mag-i-stay?" hindi ko napigilang itanong.
"Yes. Why? Ayaw mo ba ako rito?"
"Oo," walang paliguy-ligoy na sagot ko. Wala na akong pakialam kung fiancé siya ng kapatid ko. Ang tigas ng mukha niya na inumin ang kape na ako ang nagtimpla. "Maraming hotel sa lugar namin pero bakit dito ka pa sa bahay nag-stay? Parang wala rin pinagkaiba na nag-live in kayo ni Ate Nikki dahil dito ka tumutuloy sa amin. Hindi pa kayo kasal ng kapatid ko pero magkasama na kayo sa isang bahay. Masyado ka naman yatang excited na makasama si Ate at hindi mo muna hinintay na makasal kayong dalawa?" Hindi ko na napigilan ang sarili na taasan siya ng kilay.
He took another sip of coffee before looking directly into my eyes. "I like you for being straightforward, Nikay. And my answer to your question is, ayoko mag-hotel. Why? Dahil gusto ko mapalapit at makilala pa ng mas mabuti ang pamilya ng magiging asawa ko. Especially you, Nikay."
Natigilan ako sa sinabi nito. Bakit parang may kakaiba sa huli niyang sinabi?
"Bakit? Kapatid lang naman ako ng pakakasalan mo? Sa magulang ko dapat ikaw mapalapit at hindi sa 'kin." Hindi ko na naitago ang pagkairita ko sa kanya. Siguro naman ay hindi siya manhid para hindi maramdaman na ayaw ko pa mag-asawa si, Ate Nikki. Baka sakaling magbago ang isip niya na huwag muna pakasalan ang ate ko. Hindi pa talaga ako handa na mag-asawa si Ate Nikki. Isipin ko pa lang na aalis na ito sa bahay ay nalulungkot na ako.
"Because in the first place, you don't like me. Between you and your parents, ikaw ang dapat na ligawan dahil halata naman na ayaw mo sa 'kin. Ayaw mo pa mag-asawa ang kapatid mo kaya ganyan ang trato mo sa 'kin. Am I right, Nikay?"
Ngumisi ako. Mabuti naman at madali niyang nakuha ang nais kong ipahiwatig. "Tama ka. Ayaw ko pa. At isa pa, two years pa lang kayong dalawa, hindi ba? Bakit parang nagmamadali kayo magpakasal?" Hindi ko na talaga mapigilan ang lumalabas sa bibig ko. Pero itong lalaking nasa harap ko ay parang balewala lang yata sa kanya ang pagiging prangka ko dahil tila natutuwa pa ito na sinasagot ko siya.
Ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa rin lumalabas na salita sa bibig niya. It made me think that maybe they didn't prepare for the marriage, that maybe they were in too much of a hurry. Ibig sabihin ay pwede ko pa kumbinsihin si Ate Nikki na huwag muna pakasalan ang lalaking ito.
Tumayo na ako at pairap na tinalikuran siya.
"Hindi marunong magtimpla ng kape. Gusto pala ng kape, hindi na lang sinabi para nagtimpla ako ng para sa kanya," bubulong-bulong na sabi ko habang papunta sa kusina. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakapag-kape sa umaga kaya magtitimpla ulit ako.
Mayamaya lang ay naisipan kong tawagan si Ate Nikki. Saan ba nagpunta ang babaeng iyon at iniwan dito ang fiancé niya?
"Yes, my dear sister?" bungad nito sa akin ng sagutin ang tawag ko na parang wala lang rito na may iniwan ito sa bahay.
I rolled my eyeballs. "Nasaan ka, Ate? Kararating lang ng fiancé mo, umalis ka naman." Hindi naitago ang iritable sa boses ko.
"My shoot kasi ako ng Monday, Nikay. Kailangan ko rin ng beauty rest. Kapag umalis ako riyan bukas, baka pagdating ko sa shoot ay haggard na ako," paliwanag nito.
"Hindi mo ba pwede kumbinsihin ang fiancé mo na sa hotel na lang mag-stay?" diretsong tanong ko.
"But, why?"
"I don't like him," prangkang sagot ko.
Bahagya kong nilayo ang phone ko sa tainga ko dahil sa malutong na tawa na pinakawalan ng kapatid ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Ngayon lang 'yan, Nikay pero kapag nagtagal, magkakasundo rin kayo ni Thadd. Mabait ang magiging bayaw mo, Sis. Seryoso lang talaga ang love ko." Parang masusuka yata ako ng binanggit nito ang endearment nila.
"P-pero–"
"Come on, Sis. Binilin ko siya sa 'yo kaya dapat, maging mabait ka sa kanya, okay?"
Nakasimangot at padabog kong binaba ang phone ko ng mawala ito sa kabilang linya. Paano ko naman makakasundo ang lalaking iyon eh, masyadong pakialamero?
"Ginawa pa akong babysitter."
"Do I look like a baby to you?"
Muntik na akong mapatili ng marinig ko ang malaking boses sa likuran ko. Sapo ang dibdib ay dahan-dahan akong pumihit paharap.
"Ikaw pala, Kuya Thadd."
"Yes. At narinig ko ang mga sinabi mo sa Ate Nikki mo." When I first saw him, I knew he was a serious person, but he seems to have become even more serious now. Totoo lang naman ang sinabi ko. "It's alright if you don't like me. Si Nikki naman ang pakakasalan ko at hindi ikaw."
Walang imik na sinundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad palayo sa akin. Tumaas ang sulok na labi ko at hinarap ang kape na tinimpla ko. Ilang segundo akong natulala bago humigop ng kape knowing na katitimpla ko lang nito kaya napaso ang dila ko. Ewan ko ba pero parang naapektuhan ako sa huli niyang sinabi.
"Hmp! Sino ba siya sa akala niya? Kahit makasal sila ni Ate Nikki, hindi ko pa rin siya magugustuhan," nakasimangot na sabi ko.
Nagkulong ako sa kwarto pagkatapos ko magkape. Bumaba lang ako ng tinawag ako ni mommy para kumain ng tanghalian. At habang kumakain ay hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Kuya Thaddues. Hinayaan ko lang sila magkwentuhan ng magulang ko.
Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto para manood ng last episode ng sinusubaybayan kong korean dramas. Ngunit kalaunan ay nagbago ang isip ko. Wala na ako sa mood manood ngayon.
Bumangon ako sa higaan at binuhat si Mik-Mik. Kaya kanina pa wala sa kondisyon ang utak ko dahil bigla ako nakonsensya sa ginawa ko. Hindi naman ako ganito pero parang ang sama ko kanina.
"Samahan mo ako, Mik-Mik. Kailangan ko mag-sorry sa kanya," kausap ko sa alaga ko na akala mo ay naiintindihan ako.
Napag-isip-isip ko, baka magtampo ang Ate Nikki ko dahil hindi maayos na pakikitungo ko sa fiancé niya. Ako ang higit na dapat na sumuporta sa gusto niya mangyari dahil doon siya magiging masaya. At saka, kapag nalaman ng parents ko na iba ang pakikitungo ko sa mamanugangin nila ay baka pati sila ay magalit sa 'kin. Hindi naman nila ako pinalaki na masama ang ugali.
I left my room and went to Kuya Thaddeus' room. "Kuya Thadd?" I knock on the door. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa ring sumasagot. Baka nagalit na sa akin kaya ayaw magsalita. "S-sorry sa mga sinabi ko kanina. Ikaw kasi eh, kape ko ang ininom mo. Ikaw kaya magtimpla ng kape tapos iba ang uminom?" Kape talaga ang issue kung bakit naging harsh ako sa kanya kanina. "At saka, naging honest lang ako. Mabuti na rin 'yung alam mo, hindi ba?" dagdag ko pa.
Napanguso ako ng hindi pa ito sumasagot. Namalayan ko na lang ang sarili na nilapat ang tainga ko sa likod ng pintuan at awtomatikong dumapo ang isang kamay ko sa doorknob at pinihit ito. Ang buong akala ko ay naka-lock pero laking gulat ko ng magbukas ito. Dahil nasa pintuan ang bigat ko ay malaki ang naging awang ng pintuan kaya napahakbang ang paa ko papasok.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kuya Thaddeus na nakatayo at halatang nagulat din ng makita ako.
"Do you know how to knock on the door?" Lagot na, mukhang galit nga.
"A-ano kasi, k-kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot. Akala ko walang tao."
"You thought there was no one but why did you open it anyway?" Ang sungit naman. Gumaganti ba siya dahil pinagsalitaan ko siya ng masama kanina?
"H-hindi ko naman sinasadya." I looked in another direction. I can no longer look at his cold eyes. Ngunit napalunok ako ng dumapo ang mata ko sa katawan niya. Saka ko lang napagtanto na naka-topless pala siya at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa ibaba ng katawan niya. "G-gusto ko lang mag-sorry sa sinabi ko kanina. At saka, gusto ko lang sabihin na kung gusto mo ng kape, pwede mo naman sabihin sa 'kin para ipagtimpla kita. Hindi 'yung kape ko ang iinumin mo?" What a childish reason pero dapat lang siguro na malaman din niya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina.
Habang nagsasalita ay nakatuon naman ang mga mata ko sa katawan niya. Diyos ko, bukod sa abs ng mga korean actor na napanood ko, ngayon lang ako nakakita ng hubad na katawan sa malapitan. Hindi ko akalain na maganda pala ang fit ng katawan ni Kuya Thaddeus. Baka kaya nagustuhan siya ni Ate Nikki dahil kilala kong mahilig sa magandang katawan ang kapatid kong iyon.
"Is that all?" Nag-angat na ako ng mukha ngunit napaatras ako dahil nasa harap ko na pala siya. Sa sobrang tutok ko sa katawan niya ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
"Y-yes. S-sige, lalabas na ako." Tinalikuran ko na siya.
"Wait." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napapihit ako paharap ngunit nawala ako sa balanse kaya napunta ang bigat ng katawan ko sa kanya. Sabay kaming bumagsak sa sahig. Saka ko lang na-realize na sa ibabaw pala niya ako bumagsak. "Are you alright?" tanong niya.
Hindi ko nagawang magsalita. Bigla yatang nablangko ang utak ko at naumid ang dila ko. Saka lang ako nakapag-react ng sunod-sunod na tumahol si Mik-Mik. Saka ko lang napagtanto na hawak ko pa pala ito at nasa gitna namin ni Kuya Thaddeus na parang gusto na kaming kagatin dahil naipit ito ng katawan naming dalawa.