NIKAY Sinamantala ko ang pagkakataon habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Ngunit ilang segundo lang ay kumilos na ako. Masakit na mas pipiliin ko pa rin ang kaligayahan ng ate ko. Ngayon ko lang siya nakita na sumaya ng ganito. Ramdam kong mahal niya si Thaddeus at hindi ako pwedeng humadlang. Tulad nga ng sinabi ko kay Kari, 'di bale ng ako ang masaktan, huwag lang si Ate Nikki. Nilapat ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at marahan siyang tinulak para kumalas sa pagkayakap niya sa 'kin saka bahagya akong lumayo. A smile appeared on my lips before I raised my face to look at him. "Okay lang ako. And I swear I didn't cry. Sige na, hindi mo na kailangan mag-alala sa nararamdaman ko. Baliwala lang sa akin 'yon," pagtaboy ko rito. "Nikay…" I rolled my eyeballs. "Hindi bagay sa

