NIKAY Huminga ako ng malalim bago pumihit paharap sa kanya at seryoso ko siyang tinitigan. Walang bakas sa mukha niya na nagbibiro lang siya kaya mas lalo akong nabahala and at the same time, bigla akong kinabahan. "What did you just say?" "Gusto kita," matapang niyang sagot. "Hinihintay ko lang ang debut mo bago ko sana ito sabihin pero hindi ko na pala kayang maghintay. And I was about to answer when you asked kung may gusto ako sa 'yo pero dumating naman ang magaling kong kapatid," paliwanag niya. Now I know why he treated me so differently. I just couldn't believe that he would like me. Parang ang tipo kasi niya ang lalaki na hindi ang katulad kong simple lang na babae ang hinahanap. "I-I don't know what to say, Kuya Kenneth," tanging nasabi ko. "It's okay, Nikay. Hindi pa t

