"Oh dahan-dahan" Paalala ni Lauren sa anak ng pagsayad ng mga paa nito sa lupa ay agad sana itong lalakad na akala mo'y ang galing na talagang maglakad. Marunong na itong maglakad pero kailangan pa ng kunting alalay. Okay lang kung sa bahay dahil pwede itong gumapang gapang sa halig.
Dinala niya sa may park ang anak pagkatapos magsimba ng 3pm mass. May eco-park sa lugar nila. May mga taong nagbibiksiklita at may nagpipicnic rin. Tahimik kasi ang lugar at malinis kaya maraming namamasyal dito lalo na tuwing weekend.
May mga bata ring naglalaro kaya aliw na aliw ang anak n'yang makipaglaro sa ibang bata.
Inilalabas n'ya ng bahay ang anak tuwing restday n'ya. It's a kind of bonding at the same time makahalubilo naman ang anak n'ya ng ibang bata. He's too young pero nakikita n'yang iba ang level ng talino ng anak n'ya. Sa tuwing may itinuturo s'ya rito ay nakukuha o naalala agad nito. Kaya sa murang edad ay gusto n'yang eexpose ito sa paligid para hindi ito ma'boring.
"Mommy, ball" sabi ng anak n'ya sabay turo sa bolang pinaglalaruan ng batang nasa apat na taong gulang ang edad.
"Okay, baby we'll buy ball later but for now uuwi na muna tayo, okay?"
Tumango naman nito na para bang naintindihan ang sinabi n'ya.
Kinuha at kinarga na n'ya ang anak upang uuwi na.
Papalabas na sila ng park ng biglang bumukas ang nadaan nilang kotse na kahihinto lang.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib n'ya ng mapagsino ang lumabas sa kotse.
Si Sebastian, na ngayon ay titig na titig sa kanyang anak na si Sieve habang palapit ng palapit sa kanila.
Gusto niyang takpan ang mukha ng bata o ilayo ito ngunit huli na at isa pa baka maghinala ito. Sana'y hindi nito mamukhaan ang anak dahil kahit saang anggulo tingnan ay kamukha ito ng ama.
"Hey" bati nito sa kanya at tiningnan uli si Sieve.
"Hey, baby boy, what's your name?" Nakangiting tanong ni Sebastian kay Sieve. Ngunit hindi sumagot ang bata at nilaro-laro lang nito ang buhok niyang nakalugay.
Ngunit hindi parin tumigil si Sebastian dahil hinawakan nito ang maliit na kamay ni Sieve para tumingin ito sa kanya.
"Anong palangan mò, baby?" Nakangiting tanong uli nito.
"Siv" maikling sagot ng bata.
"Seb?" Tanong uli ni Sebastian dito ngunit di na sumagot ang bata.
Tiningnan naman ni Sebastian si Lauren na parang hindi na gumalaw sa kinatatayuan.
"How old is he?" Seryosong tanong nito.
"Ano?" Nabigla siya sa tanong ni Sebastian.
"One" sagot rin niya agad ng makitang matiim na nakatitig sa kanya si Christian.
"When is his birthday?" Sunod na tanong agad nito.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Biglang taas ng boses ni Lauren na tanong sa binata.
"Just tell me. Don't lie to me Lauren. Is he my son?" Diritsang tanong nito na halos magpanginig sa buo niyang katawan. Mahina lamang iyon ngunit may diin.
Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya alam kung sasabihin na lang ba ang totoo o hindi.
"What?" Balik tanong niya kay Sebastian habang tumatawa.
"Paano ma naman naisip na anak mo ito? Dahil lang ba may nangyari sa atin ng isang beses akala mo anak mo na ito?" Wika niya habang tumatawa ng pagak.
"Hindi. Hindi ko inisip na magbunga ang isang beses na pagniniig nating iyon ngunit.."
"Iyon naman pala eh. Aalis na kami." Agad na putol ni Lauren sa sasabihin pa ni Sebastian.
Ngunit pinigilan ng binata ang braso n'ya para hindi siya makaalis.
"Ngunit ng makita ko ang bata ay alam kong nagbunga ang isang gabing iyon." Pagpapatuloy nito na tinititigan siya.
"Nakakatawa ka rin ano. Hindi mo nga ito anak. Anak ko ito sa ibang lalaki. See my engagement ring? Magpapakasal na kami dahil may anak kami." Ipinakita niya ang singsing sa daliri nya. Ito 'yong singsing na binigay ni Martin noong engagement party nila.
Binitiwan naman nito ang pagkakagawak sa braso n'ya.
"One last question Lauren. Don't lie to me.Don't mess with me." Banta nito sa kanya na may diin. "Is he my son?" Halos patumbahin na siya sa titig nito sa kanya.
Nag-umpisa ng manginig ang tuhod n'ya. Natakot s'ya rito ngunit mas natakot s'yang kunin nito ang anak n'ya sa kanya. Hindi n'ya kakayanin.
"Hindi mo nga siya anak. Nababaliw ka na ba at nang-aangkin ka ng anak ng iba?" Pilit na pinalakas ang boses ni Lauren at galit.
Ngunit 'di natinag si Sebastian.
"I gave you a chance to tell me the truth Lauren but you chose to lie. Well, good for you if you tell the truth but if not, and if I found out after the DNA test that he is my son, you can't see him anymore." Mahinang sabi nito na may pagbabanta.
Halos hindi na siya makahinga. Nagsisikip na ang dibdib niya. Gusto ng mag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak. Iisipin pa lang na hindi na niya makikita ang anak ay parang hihimatayin na siya.
"Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko." Sabi niya sa garalgal na boses habang ang mga luha ay nag-uunahan ng tumulo sa pisngi niya.
"You don't have any idea of who I am, honey. I can make impossible things possible. Dare me." Nakangiting sabi nito sa kanya.
Inayos n'ya ang pagkarga sa bata at mabilis na iniwan ito.
Ngunit hindi na naman sila pinabayaang umalis.
"Before you'll try to hide my son, let me remind you that you can't hide him from me. Meet me at Huangcho hospital tomorrow at 9 o'clock in the morning for the DNA test and of course bring the baby. Don't worry about your work at SB mall. I'll call your manager." Mahabang sabi nito.
Halos tumatambol na ang dibdib ni Lauren sa nararamdamang takot. Wala na talaga siyang kawala rito dahil malalaman na nito ang katotohanan. Napahigpit ang yakap niya sa anak na ngayon ay walang pakialam sa kung anong pinag-usapan nila dahil pilit pa nitong inaabot ang mukha ni Sebastian na nakalapit na sa kanila.
Naaliw naman ang binata sa ginawa ng bata kaya mas lalo pa nitong inilapit ang mukha para mahalikan ang bata.
Napasinghap naman si Lauren ng halos madikit na ang mukha ni Sebastian sa mukha niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. Ang kaninang takot na takot na mawala ang bata ay biglang napalitan ng kuryente ang buong sistema niya ng naidaiti ang kamay nito sa braso niya.
Parang nakiliti naman si Sieve dahil humagikhik ng kilitiin ni Sebastian.
"See? He knows his father. Right baby?" Sabi pa nito at hinagkan ang kamay ng bata na hinawakan ang mukha niya.
"Hindi mo nga siya anak."
"Well, patunayan mo yan bukas, honey dahil kung hindi mo 'yan mapapatunayan ay pagsisisihan mo ang pagdeny sa akin na maging ama n'ya."
Sabi nito at pinalandas ang daliri sa pisngi nya. Napakislot at napaatras naman siya sa ginawa nito.
Mukhang nasiyahan naman ang binata sa nakitang reaksiyon ng mukha niya.
Dali-daling umalis si Lauren na karga-karga ang anak at pinara ang nakitang taksi.
Naiwan si Sebastian na nakatiim-bagang.
There's no escape this time. Sa isip-isip niya.