Chapter XV

1328 Words
Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Lauren. Ilang oras lang ang tulog niya. Actually halos 'di siya makatulog dahil sa kaiisip sa pagkikita nilang muli ni Sebastian at sa napipinto nitong pagkatuklas nito sa katotohanan na may anak sila. Hindi pa rin niya alam ang kanyang gagawin. Ang gulo ng isip niya. Ang natatanging pamilya niya ay pinipilit siyang ipakasal sa lalaking hindi niya gusto at ang ama naman ng anak niyang si Sieve ay posibleng kukunin sa kanya ang tanging kaligayahan niya, ang anak niya. Hindi na niya alam kung ano ang tamang gawin para mapanatili sa kanya ang anak niya. Natatakot siyang totohanin ni Sebastian na hindi na niya makikita ang anak niya kapag mapatunayan sa DNA test result na ito nga ang ama ni Sieve. Tama kayang aaminin nalang niya rito na anak nga nito si Sieve at baka sakaling maawa ito sa kanya at hindi nito tuluyang ilayo ang anak niya sa kanya? She needs to take the risk. Napabuntong hininga siya ng malalim saka lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkatapos uminom ng tubig ay bumalik na siya sa higaan katabi ang anak. Ginawaran niya ito ng halik saka pinilit ang sarili na makatulog uli. Napabalikwas ng bangon si Lauren ng mahinang niyugyog ang balikat niya ni Selma. Ginigising siya nito. "Lauren, alas otso y medya na." Sabi nito. Hindi siya nagpatawag ng ma'am dito dahil ayaw niya. Para na rin naman niya itong magulang. Madali niya itong nakagaanan ng loob. Mabilis na napatingin naman si Lauren sa orasan sa dingding. Alas otso y medya na nga. Dali-dali siyang bumangon at pumasok sa banyo para maligo dahil baka malate siya sa trabaho. Napahinto siya ng maalala ang anak. "Nasaan si Sieve, yaya Selma?" "Nasa labas po nakipaglaro kay Martin." "Andito si Martin? Ang aga naman yata." Nasabi nalang niya. Napapansin niya na halos araw-araw na itong nasa bahay nila. Hindi na nito inungkat ang usapin tungkol sa pagpapakasal. Kahit si Leon at Cecilia ay wala na ring nabanggit tungkol dito. Weird pero sana narealize na ng mga ito na mali ang pilitin siyang pakasal sa lalaking hindi niya gusto. Iniwan na niya si Selma na nag-aayos ng higaan niya. Sinarado niya ang pintuan ng banyo at nag-umpisa ng maligo. Binilisan niya ang pagligo dahil baka malate na talaga siya. Kasalukuyan siyang naglalagay ng shampoo sa ulo ng napahinto siya ng maalala ang sinabi ni Sebastian. Meet me at Huangcho hospital at 9 in the morning. Sisiputin ba niya ito? Paano kung hindi siya sisipot at totohanin nito ang banta sa kanya? Bahala na. Makipagkita nalang siya rito. Mag-aalas nuebe biente na ng palabas na ng bahay si Lauren. Makipagkita siya kay Sebastian. Bumaba siya ng taxi sa harap ng hospital. Hinanap agad ng mata niya ang lalaki ngunit hindi niya ito nakita. Tumuloy siya sa loob. Sobrang kinakabahan siya sa magiging kahihinatnan ng pag-uusap nilang ito. Nilibot niya ang paligid ngunit hindi niya nakita ang lalaki. Umuwi na kaya siya? Sa isip niya ng may biglang humawak sa braso niya na nagpakislot sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng malingunan si Sebastian na nagsalubong ang mga kilay at galit ang mukha. "What's this game Lauren? Bakit hindi mo dala ang anak mo? Where's my son?" Galit na tanong nito. "Bitiwan mo nga ako." Pilit na ipiniksi ni Lauren ang braso at binitiwan naman siya nito. "I'm here to talk to you...tungkol sa anak ko si Sieve." Umpisa niya na pinigilan ang pagnginig ng boses. "I see? Let's go." Sabi nito at hinila ang kamay niya at lumabas ng hospital patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Mas lalo namang nakaramdam ng pagreregodon ng kanyang puso si Lauren sa simpleng pagkahawak kamay nilang iyon. Ang init ng palad nito ay tumawid sa kanyang palad na nagdadala ng kakaibang pakiramdam. Binuksan nito ang pintuan ng kotse at iminuwestrang pumasok siya roon. Walang salitang sumunod naman siya at pumasok. Walang ni isa man sa kanila ang nagsalita habang binabaybay nila ang daan. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Narating nila ang shrine hill na kung saan makikita mula roon ang buong syudad ng Laguna. Medyo matirik na ang araw kaya nanatili lang sila sa loob ng sasakyan habang nakabukas ang mga bintana para malanghap ang sariwang hangin. "Talk." Maikling basag ng katahimikan ng Sebastian habang titig na titig sa kanya. Humugot siya ng malalim na hiningi. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niyang pag-amin dito. "Damn, Lauren, start talking." Naiinis ng sabi nito. "Okay, aaminin ko na, nagbunga nga ang isang gabing iyon sa Peru at si Sieve ang naging bunga n'yon. Ikaw ang ama ni Sieve." Pag-amin niya at halos pigil hininga sa paghintay sa magiging reaksiyon nito. "I knew it." Maikling wika nito at nahampas pa ang manubela ng sasakyan. "I'm sorry kung hindi ko kaagad inamin sa'yo dahil takot akong kukunin mo ang anak ko at ilayo sa akin." Halos maluha ng sabi niya habang kinagat ang pang-ibabang labi niya para pigilin ang mapaiyak sa harap nito. Tumitig ito sa kanya. Wala siyang mabasang emotion sa mukha nito. "What if ilayo ko nga si Sieve sa'yo, anong magagawa mo?" Tanong nito sa kanya. Noon biglang tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya. "Ako ang ina niya hindi mo siya pwede kunin sa akin Sebastian." "I have money and power Lauren. Kaya hindi imposibleng mailayo ko siya sa'yo. Let's see, a punishment sa hindi mo pag-amin agad?" Saad nito sa nang-aaruk na titig. "Maawa ka Sebastian, h'wag mong ilayo sa akin ang anak ko." Maluha-luhang wika niya. "Anong kaya mong gawin para hindi ko ilayo sa'yo ang anak ko?" Hindi nakaimik si Lauren. Ano nga bang kaya niyang gawin para hindi malayo sa anak niya? Wala siyang maisip. She has nothing to offer. Tuluyan na nga kayang malayo sa kanya ang anak niya? Hindi. Hindi niya kaya. "Hayaan mong ako ang mag-aalaga sa kanya. Like a nanny or your slave basta makita ko lang ang anak ko araw-araw." Pagmamakaawa niya rito. Napahagulhol na siya. Naawa siya sa sarili niya dahil sa sinapit niya. Bakit kailangan pa niyang danasin ang ganito. Bakit kailangan pa niyang magmakaawa sa walang pusong lalaking ito para lang makasama ang anak niya? Ganito ba talaga ang pakiramdam ng isang taong mahirap. Parang walang kapangyarihan para suwayin ang utos ng iba? Walang pangyarihan para labanan ang mapang-aping tao? Alam niyang wala siyang kalaban-laban rito dahil gaya nga ng laging sinasabi nito na isa itong mayaman na tao. She feels helpless. Pero wala siyang magawa kundi magmakaawa rito. Luluhod siya kung kinakailangan ngunit kamumuhian niya ang lalaking ito. "I'll think about it but now let's go get some lunch and then spend your time with our son." Sabi nitong nakangiti at pinahid ng daliri nito ang luha sa pisngi niya. Napakislot naman siya sa ginawa nito at napaatras palayo rito. Ano iyon? Pagkatapos siyang paiyakin ay papahirin nito ang mga luha niya? Huh, I hate this guy. Sa isip-isip ni Lauren. Umayos naman ito ng upo at pinaandar ang sasakyan. Dinala siya nito sa isang magarang restaurant. Halos wala siyang nakilala sa mga pangalan ng pagkain sa menu kaya ng order nalang siya ng juice. Wala din naman siyang ganang kumain. Napansin ni Sebastian na juice lang ang inorder niya kaya nag-order ito ng pagkain para sa kanya. Hindi niya ginalaw ang pagkain ng dumating. Nawawala na talaga ang appetite niya kapag nakaharap ang lalaking ito. "If you don't eat that then I don't know if I will consider your proposal." Sabi nito at nag-umpisa ng kumain. Alam niya ang ibig sabihin nitong proposal. Galit na inumpisahan niyang kainin ang pagkain sa harap niya. Walang hiya talaga ang lalaking ito. Nagngingitngit sa inis si Lauren habang nilantakan ang pagkain. Sekretong napangiti naman si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD