Chapter XVI

1265 Words
"So this is your house?" Tanong ni Sebastian sa kanya pagkatapos iparada ang sasakyan nito sa labas ng kanilang bahay. Nagpumilit itong ihatid siya kahit anong tanggi niya. Gusto raw nitong makita ang anak niya. Ngunit nakiusap siyang hwag na muna makipagkita sa anak. Pumayag naman ito sa isang kundisyon na ipapakita nya ang anak kinabukasan. "Sa tiyuhin ko ang bahay na 'yan. Nakikitira lang kami." "Mukhang magara naman. Bakit naisipan mong sa magtindira sa mall?" Curious na tanong uli nito. "It's a long story. Sasabihin ko sa'yo sa ibang pagkakataon." Sagot niya. "Well, asahan ko 'yan. So see you tomorrow. Ipapasundo ko kayo rito." Sabi ni Sebastian. Gusto nitong makita ang anak niya ng oras na 'yon ngunit nakiusap si Lauren na h'wag muna s'yang pumasok ng bahay. Hindi pa siya handang ipakilala si Sebastian kay Leon at Cecilia. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nila at hindi rin n'ya alam kung paano ipakilala si Sebastian. Hindi n'ya ito boyfriend. Sasabihin ba n'yang ito ang magiging amo n'ya dahil magiging parang yaya s'ya ng sarili niyang anak? O sasabihin ba nya sa mga ito kung gaano ka walang hiya ang lalaking ito? May pakialam naman kaya sila sa kanya? Hindi niya alam kaya mas mainam na saka na niya ito ipakilala kung may pagkakataon sa tamang panahon. "Okay. Bye." Maikling sagot n'ya saka binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas na. Hindi na niya ito nilingon at diri-diritsong binuksan ang gate at pumasok na. Narinig naman nya ang ingay ng sasakyan nitong umalis na. Hindi niya namalayan na may dalawang pares ng mga matang nag-aapoy sa galit na nakamasid sa kanya. Walang tao sa living room. Tahimik ang buong bahay. Dumiritso na siya sa kwarto nila ng anak niya. Naabutan niya itong pinapatulog ni Selma. Alas dos na ng hapon kaya it's siesta time na para sa anak. "Ako na dyan, ate Selma. Magpahinga ka na muna." Sabi niya. "Napaaga yata ang uwi mo Lauren." "Hindi po ako pumasok sa trabaho ngayon. May pinuntahan lang ako." Sagot niya. Hindi naman ito nag-usisa pa at umalis na. Tianbihan nya ang anak sa higaan at niyapos saka hinalikan. "I love you, baby." Halos bulong niya rito. Nakadilat naman ang mga mata nito ngunit halatang inaantok na kaya mahinang tinapik-tapik niya ang likod nito. Nakatulog naman ito agad at siya ay humihikab na rin. Dahil sa kulang na tulog ng nagdaang gabi ay dahan-dahan din siyang iginupo ng antok. Alas singko na ng hapon nagising si Lauren. Nagising siya dahil si Sieve ay tumuntong sa tiyan niya at sinakyan siya na parang kabayo. Halos hindi pa niya maidilat ang kanyang mga mata dahil inaantok pa rin siya. Si Sieve ay hindi pa rin tumigil sa pang-iistorbo sa tulog niya dahil tinusok-tusok nito ang mata niya. Napangiti siya sa kakulitan nito. Mayamaya ay hinalikan siya nito sa pisngi at yumakap. Natouch naman siya sa ginawa nito. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kakayanin kung ilayo ito sa kanya. "I love you, baby." Sabi niya sa anak at pinupog ito ng halik at yakap. Bumangon na siya at inakay ang anak palabas papuntang kusina para uminom ng tubig ng madaanan niya si Martin na nasa sala kausap si Leon at Cecilia. Bumati naman ito sa kanya at ngumiti. "Lauren sabay tayong maghapunan mamaya." Sabi ni Leon. Ano kayang meron at bakit gusto nitong magsabay silang maghapunan? Sa isip ni Lauren. Kadalasan kasi ay hindi siya sumasabay ditong kumain simula noong araw na pinilit siya ng mga itong inumin ang gamot na pampalaglag sa anak niya. Tumango lang siya at dumiritso na sa kusina. Busy ang kusinera nilang si Susan sa pagluluto ng hapunan. Pagkatapos uminom ng tubig ay pinainom din niya si Sieve na pilit inaagaw ang baso sa kanya dahil gusto rin nitong uminom. Bumalik na sila sa kwarto at binuksan ang TV. Manonood siya ng TV habang hinihintay ang hapunan. Alas sais y media pa lang ay ready na ang hapunan. Tinawag siya ni Selma para sa hapunan. Naabutan niya doon si Leon, Cecilia at Martin. Ngumiti naman ang mga ito sa kanya. "How's your day, Lauren?" Tanong ni Cecilia. "Okay, naman po." Maikling sagot niya. Weird dahil ni minsan ay hindi siya kinukumusta nito. Noon ay hindi naman siya pinagmalupitan nito ngunit hindi rin naman siya tinuturing na anak or mahal na pamangkin. Kumbaga parang wala lang. Wala lang itong pakialam sa kanya. "Mabuti naman kung ganon." Wika nito saka sumubo. Tumikhim si Cecila mayamaya. Tahimik lang na kumakain si Leon at Martin. "Lauren. Patawarin mo kami ni uncle Leon mo sa pagpilit sa'yo na pakasalan si Martin." Saad nito. Halos napatigil naman siya sa pagnguya ng pagkain sa bibig niya. Hindi niya inaasahan iyon. Dininig na ba talaga ang dasal niya na sana'y marealize ng mga ito na mali ang pilitin siya? "I'm sorry iha. From now on hindi kana namin pipiliting magpakasal kay Martin." Dagdag ni Leon. "Nagkausap na kami ni Martin tungkol dito at masaya rin siya sa desisyon namin dahil may iba pa lang nagugustuhan itong si Martin." Wika ni Cecilia na ngumiti pa kay Martin at sa kanya. "Si Tiya naman binuking pa ako." Parang nahihiyang saad naman ni Martin. Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig mula rito. Sana hindi ito panaginip lamang. "So pinapatawad mo na ba kami iha?" Tanong ni Leon sa kanya ng hindi siya umimik. "H'wag niyo ng isipin iyon. Kalimutan na natin iyon." Sabi niyang nakangiti sa mag-asawa at kay Martin. "Patawarin mo rin kami sa lahat ng nagawa naming masama sa iyo." Si Cecilia sa seryosong mukha. "Kalimutan na ho natin iyon. Kumain nalang tayo." Nakangiting sagot niya rito. Masaya siya dahil sa wakas ay narealize ng mga ito ang pagkakamali. Ito nalang ang maituturing niyang pamilya kaya masaya siya na nagkakasundo na sila uli. Patapos na silang kumain ng magsalita si Cecilia. "Malapit na ang birthday mo, Lauren. Sa susunod na linggo na. Anong plano mo?" "Wala ho akong plano para sa birthday ko ante." "Aba'y hindi pwede, kailangang magcelebrate tayo. Diba Leon?" "Tama ka, dapat nating maghanda sa birthday mo. Aba'y hindi ka naghanda last year kaya dapat maghanda tayo ngayon." Sang-ayon ni Leon. "Hindi na ho." "Huwag kang mag-alala sa gastusin kami ang bahala sa lahat." "Sa Martes na po ang birthday ko at may pasok po ako sa trabaho noon kaya wala akong time magcelebrate ng birthday. Isa pa ayokong magpaparty." Tanggi niya sa alok nito. "Eh di i-advance natin ang birthday mo. Gawin natin this week. How about this Sunday? 'Di ba restday mo iyan? Tamang-tama maghanda tayo dito sa bahay. Kung ayaw mo ng malaking handaan ay pwede namang tayo-tayo nalang. Small party." Pangumbinsi ni Cecilia. "Kayo ho ang bahala." Pagsang-ayon nalang si Lauren. Mukhang wala kasing balak ang mga itong tigilan siya. Napangiti naman ang mga ito sa sagot niya. "Great. So wala ka nang gagawin kundi magpaganda sa birthday mo." Sabi ni Cecilia at tinapos na ang pagkain. Ngumiti lang siya at tinapos na rin ang pagkain at pinalitan si Selma sa pagpapakain kay Sieve. "Ako na kay Sieve, ante Selma. Kumain ka na." Tumalima naman si Selma at tinulungan si Susan na ligpitin ang pinagkainang plano at inilagay sa lababo. Pagkatapos ay kumuha sila ng malinis na plato at nag-umpisa ng kumain. Siya naman ay sinusubuan ang anak ng pagkain. Halos hindi naman maipinta ang mukha nito ng sinubuan niya ng okra ang bata at kinagat naman nito iyon. Nagkatawanan silang tatlo sa naging reaksiyon ni Sieve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD