Nang wala itong makuha na sagot sa akin ay kinuha niya ang braso ko at hinila ako palayo sa crowded area na iyon. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kila Ate Heidi since hindi na rin sila mahagilap ng mga mata ko. “Where are you taking me?” kuryosong tanong ko sa kanya. “Basta,” tipid niyang sagot ngunit napansin ko ang kanyang pagngiti. Tumigil ako sa paglalakad nang mapansin kong paakyat kami ng building kung nasaan ang opisina namin. Lumingon siya sa’kin. “Bakit, Ali?” “Answer me, Ricky. Saan mo ‘ko dadalhin?” Huminga siya nang malalim saka humarap sa’kin, “Gusto kong masolo kita. May ipapakita lang ako sa’yo at sigurado akong matutuwa ka sa ipapakita ko.” “Fine.” Hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya. Nagtaka ako nang mapadpad na kami sa pinakahuling palapag at lalong

