Bumalik muna kami sa loob ng hall para makapagpaalam na sa mga kasama namin. May mga estudyante rin na kagaya namin ay nagsisialisan na. Inasar pa nila kami nang makita nila na may bitbit akong bulaklak. “Diretso uwi, ah! Baka naman–” I immediately interrupted. “May pupuntahan talaga kami.” Agad naman nila kaming tinapunan ng makahulugang tingin. “At saan naman kayo pupunta nang kayo lang dalawa?” naiintrigang tanong ni Ate Heidi habang nakataas pa ang kilay. Tumikhim naman si Liam at ngumisi. “Huwag mo ng sagutin ‘yon, Anch. May pupuntahan nga rin sila ni Marky pagkatapos nito tapos hindi niya sinasabi sa amin— Aray!” “May sinasabi ka, Liam Reyes?” may halong pagbabanta na tanong ni Ate Heidi pagkatapos niyang isiko si Liam. Hindi na sumagot sa kanya si Liam at lumayo na lang s

