Nang wala siyang makuha na sagot kay Misty ay muli siyang nagsalita. "Kaya huwag kang umasta ngayon na parang ikaw pa ang nasasaktan dahil mas nasaktan mo ako noon, Misty." Diretso siyang nakatingin kay Misty habang magkasalubong ang kanyang kilay. "Tsaka gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi ako bagay na basta-basta mong paglaruan at bawiin 'pag nawala na sa'yo," dagdag niya pa. Sinubukang hulihin ni Misty ang kamay ni Zendrick ngunit mabilis siyang umiwas rito. I really do not know how to react. I look at Misty, she looks devastated. Napansin ko rin ang butil ng tubig na kumawala galing sa kanyang mata na agad niya ring pinalis. "Makinig ka naman sa'kin, Zendrick," halos mangiyak-iyak niyang sabi. "Wala akong panahon na pakinggan ka," walang interes na sagot ni Zendrick. Tumali

