Habang kumakain kami ay napapansin kong wala sa sarili si Zendrick. Ni hindi niya pa nga masyadong nababawasan ang pagkain na nasa plato niya. Sa totoo lang ay nasasaktan ako sa kinikilos ni Zendrick. After Misty told him na minahal siya nito at hanggang ngayon ay mahal pa rin siya nito ay tila natauhan si Zendrick. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya ngayon pero isa lang ang sigurado ako, apektado siya sa sinabi ni Misty. Bumuntong-hininga ako saka padabog na binitawan ang kubyertos na hawak ko. Doon pa lang natauhan si Zendrick at napatingin sa’kin. Miski sina Liam ay napatingin din sa gawi ko. “Excuse me, CR lang ako.” Tumayo na ako at nagmadali ng umalis. Pagpasok ko ng CR ay tumungo ako sa faucet at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang sarili s

