Saka ko lang napagtanto na tinawag na pala siya dahil magsisimula na ang shoot. Una siyang kukunan ng picture ng photographer at kasunod naman non ay ako. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang kinukunan nila siya ng litrato. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang hagikgik ng ibang mga babae at gay na nandito rin sa room. Kinuha ko ang cellphone ko at palihim na kinunan ng litrato si Zendrick. Tumagal ng halos kinse minutos ang pagkuha ng litrato kay Zendrick. Pagkatapos non ay ako naman ang sunod na tinawag nila, at dahil sanay na ako sa ganitong set-up ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang sa mga titig nila. Sinusubukan ko ring iwasan ang mga mata kong dumako sa direksyon ni Zendrick at baka iyon pa ang magiging dahilan ng pagkailang ko. "Okay, next pose!" sigaw ng photographer

