"Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino! Itong tatandaan mo, kayong mga scholar students, hindi ninyo deserve ang kahit ano mang opportunity na binibigay ng school sa inyo dahil hindi naman kayo nagbabayad ng tuition fees!" Nginitian ko naman siya. "Pare-parehas lang tayong estudyante rito, Misty. You don't have to compare the privilege we can get to yours dahil lang sa hindi kami nagbabayad ng tuition fees gaya ninyo," pangagatwiran ko. "Really? Well, I doubt it. Pera namin mismo ang binabayad namin sa school na 'to, habang kayo umaasa lang sa tulong ng iba. That's not fair." Nagbulungan ang mga tao sa sinabi ni Misty and I can sense na kagaya ko'y hindi sila sang-ayon sa sinabi ni Misty. Hindi ako makapaniwalang ganito ang mindset ni Misty. I belong to a wealthy family pero kahi

