Pumunta na sa harapan si Misty kasama si Zendrick at ang iba pang mga estudyante na hindi pamilyar sa akin. Sa tingin ko’y mga Student Counsil Officers din sila. Nagsimula nang magsalitra si Misty sa harapan ngunit ang utak ko’y talagang lumilipad. I couldn’t focus because my mind is too occupied. Habang nasa harapan sila’y iniiwasan ko na magtama ang mga mata namin ni Zendrick. Pansin ko kasi na nakatingin siya sa direksyon ko. Hindi ko rin alam kung ba’t parang iniiwasan ko siya where in fact wala namang dahilan para iwasan ko siya. Habang nagsasalita si Misty ay may powerpoint naman na naka-present sa likod niya. “For the last three years, ako ang naging Student Council President ninyo. I’ve done a lot of things and it was indeed successful. Alam kong alam ninyo ‘yan. Your experienc

