“Anch, galit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Alex nang makarating kami sa classroom. Napansin ya yata na kanina ko pa siya hindi kinikibo. Sapilitan ko siyang nginitian sabay iling. “Hindi. Ba’t naman ako magagalit?” Nagkibit-balikat naman ito saka natawa. “Hindi ko rin alam. Bigla mo na lang kasi ako hindi kinibo. Parang ang unusual lang ng dating sa’kin.” “Ano ka ba, wala ‘yon. Nabigla lang yata ako sa naging usapan kanina kasama sina Zendrick,” palusot ko. “Alam mo, bagay kayo ni Zendrick. Pero mag-ingat ka, ha. Baguhan ka sa ganyang bagay. Baka i-te-take advantage niya iyang kahinaan mo. Payong kaibigan lang, Anch.” Tinapik niya ang balikat ko saka niya ako tinalikuran para pumunta na sa puwesto niya. Halos wala na akong naintindihan sa discussion ng instructor namin dahil lumil

