Mabilis ang naging paghakbang ko habang papunta ako sa office. Umaasa akong maabutan ko pa si Zendrick doon. “Kumalma ka muna, Anch. Hayaan mo muna siyang mag-explain, okay?” ani Alex habang nakasunod sa akin sa paglalakad. Napapansin ko na rin na painagtitinginan ako ng ibang mga estudyanteng nadadaanan namin. Alam ko kung tungkol sa’n ang mga titig nilang iyon. Alam ko na katulad din ng babaeng nakausap namin kanina, pati sila’y naintriga na sa nangyayari. Wala naman akong balak gumawa ng eksena. Kailangan ko lang talagang makausap si Zendrick para ipaliwanag sa akin ang nangyari. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng office ay huminga muna ako nang malalim saka kinalma ang sarili. Napalunok pa ako bago ipinihit ang doorknob para buksan ang pinto ngunit naestatwa ako sa kinatatayuan k

