“Where are you taking me?” natatawang tanong ko nang halos lakad-takbo iyong ginagawa namin. Natawa naman siya. “Hanggang saan tayo dadalhin ng mga paa ko. Pagod ka na ba?” “Nope. I’m enjoying it,” nakangiting sagot ko sa kanya. Tumigil kami ni Zendrick sa isang park. This park isn’t familiar to me and I have never been here. Ni hindi ko nga alam na nag-e-exist ‘to. Wala kasi akong time to roam around during free time dahil laging pinupuntahan namin ni Alex ay cafeteria at iyong field lang. Somehow, presko rin ang ambiance rito because the park is surrounded by different kinds of green plants. Hindi rin mainit dito since may dalawang puno rin na nasa tabi nitong park. “Alam mo ba ang lugar na ‘to?” tanong ni Zendrick, still holding my hand. Umiling ako habang pinagmamasdan ang lu

