It’s Monday again and sa tingin ko itong Lunes na ito ang pinakakakaiba sa lahat. Doble ang excitement ko para sa araw na ito. Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi just because I’ve been waiting for this day. Ano nga bang mayroon ngayong araw? Well, wala namang ganap it’s just that…this day hits differently. “Alam kong gusto mo siya tsaka umaasa ka na liligawan ka niya. Puwes ako, gusto kita at gusto ko ring ligawan ka.” Napakurap-kurap pa ako sa kanyang sinabi. Is he serious? “Liligawan? And…did I hear it right? G-Gusto mo ‘ko?” pangungumpirma ko sa kanya. Huminga siya nang malalim. “Oo. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula. Basta isang araw gusto na lang kita laging makita, makausap, makasama.”Napakamot pa siya ng kanyang batok. “Hindi ko sinasabi sa’yo na dapat gusto m

