"You may now kiss the bride." ang nakangiting anunsiyo nang judge na kumasal sa amin matapos naming pirmahan ang marriage certificate.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagdampi nang daliri niya sa labi ko. Marahan niya itong hinaplos salungat sa ginagawa niya tuwing hinahalikan niya 'ko noon.
Dahan dahan siyang yumukod kasabay niyon ay ang pagtaas baba nang adams apple niya.
I closed my eyes as I inhale his breath and all I can say is that it was so good. Ang amo'y niya'y nakaka adik, yong tipong parang gu-gustuhin kona itong amoyin nang paulit ulit.
Paano naman kaya ang amoy nang bibig ko? Tangina! Di pa naman ako nakapag tooth brush kanina, nakalimutan ko kasi e, Ikaw ba naman ang maghanda nang sang ka totak na damit? Tas hahalikan niya 'ko? Mygad baka ma offend siya sa amoy nang hininga ko!!
Napailing ako nang mapagtanto kong para akong isang teenager kong umakto. E, ano naman kong mabaho ang hininga ko at ang bibig ko? At least mabaho lang ito kesa naman sa mabango nga pero kahit sinong labi naman ang tumutukwa!
Parang nablanko ang utak ko, ang lahat nang mga agam agam ko'y biglang nawala at ang tanging tumatak sa isipan ko ay ang pagdampi nang malambot niyang labi sa labi ko. He kissed me passionately and all I can say is that it was a good kiss.
Ksabay ng pagdampi nang labi niya sa labi ko ay ang pagkarinig ko sa malakas na sigawan nang mga kaibigan niya.
"Congratulations bro!" ang nakangiting bati nang mga ito nang humarap kami sa mga gawi nila.
"Tirahin mo na ulit bro, nang sa gayon ay masigurado mong kambal 'yan!" ang nakangiting sabi ni Shawnel sabay halakhak nang malakas. Napahalakhak rin ang mga kaibigan niya dahil sa tinuran ni Shawnel.
Namula ako dahil sa tinuran niya. Bahagya akong napayuko upang itago ang hiya na nararamdaman ko.
Napailing nalamang si Spencer dahil sa kagaguhan nang mga kaibigan niya. "Thanks for the advice, bro." ang nakangiting pag sang-ayon ni Spencer.
Mas lalo pa akong namula dahil doon. Magkakaibigan nga talaga sila.
Parehong mga gago e!
Hinapit niya ang bewang ko palapit sakanya. "And honestly balak ko talagang gawing kambal ang magiging anak namin." he added that made me stoned.
"Diba baby?" he huskily asked as he carresed my tummy.
Wala ako sa sariling napatango at namutla, sunod sunod rin akong napalunok. Parang hindi kinaya nang utak kong prosesohin ang sinabi niya. Doon palang nanumbalik sa akin ang mga sinabi niya.
Paano? Paano niya nalamang buntis ako? At higit sa lahat tanggap niya rin kaya ang batang dinadala ko? Tanggap niya ba na siya ang ama nang batang dinadala ko?
Sino kaya ang nagsabi sakanya na buntis ako? I want to thank him or her! Kasi nang dahil sakanya'y hindi na ako mahihirapan pang aminin kay Spencer ang mga impormasyong iyon. At higit sa lahat ang agam agam ko ay nawala na rin.
Siniil niya nang halik ang labi ko nang makita niya kong litong lito habang nakatitig sa mukha niya. He just smile at me bago bumaling sa lalaking bigla nalang nagtanong.
"Saan ang reception?" biglang tumahimik ang lahat nang biglang magtanong yong lalaking kulot ang buhok na sa pagkakalaman ko'y Dashiel ang pangalan.
Muling napuno nang tawanan ang buong kuwarto makalipas ang ilang segundo. Pati si Spencer ay nakitawa narin sa mga kaibigan niya.
Anong nakakatawa don?
Napatulala ako habang manghang mangha pinagmamasdan ang pagmumukha niya. He look so hot while laughing!
Ilang taon na ba ang lumipas simula nong masilayan ko ang mga ngiting iyon? Ba't parang hanggang ngayon ay nabibighani parin ako sa mga simpleng pagtawa niya?
Hindi na bago sa akin ang mga ngiting ito. Palagi ko kasing nasisilayan ang mga ngiting ito simula nong maging kami, dumalang lang ito nang hiwalayan niya ako at ipagpalit da bruhang iyon.
Bahagya akong napatalon nang maramdaman kong muli ang paglapat nang labi niya sa labi ko. He chuckle because of my sudden movements.
"Ano ba 'yan bro, hanggang nayon ba'y pagkain parin ang inaatupag mo?"
"Mukhang pagkain ka parin hanggang ngayon e no?!"
"Hindi ka parin pala nagbabago!"
"Walang kupas!"
"Wala bang pagkain sainyo?!"
"Pumunta ka ba dito para sa kasal o para sa pagkain pagkatapos nang kasal?!"
Umani nang samu't saring reaksiyon ang naging pahayag ni Dashiel. Napapa-aray nalang siya sa tuwing binabatukan siya nang mga kabarkada niyang kinulang ng turnelyo sa utak.
Kinalas niya ang pagkakahawak niya sa bewang ko bago niya pinagsiklop ang mga palad namin.
Nang mahagip nang paningin ko ang parehong style nang singsing na nasa mga daliri namin ay namangha ako.
Namamangha kong sinuri ang buong kabuuan nang singsing. Para itong isang infinite ring ang kaibahan nga lang ay mayroon itong isang rare na bato sa toktok. It was like an emerald stone.
Alam kong mahal ang singsing na ito kaya't dapat ko itong pangalagaan gaya nang pangangalaga ko sa pag ibig ko para sakanya.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin inaakalang maikakasal ako sa lalaking magiging ama nang mga anak ko. Parang panaginip!
Hanggang ngayon ay hindi ko parin inaakalang maikakasal ako sa lalaking kinababaliwan ko, sa lalaking binigyan ko nang buong ako at sa lalaking minsanan nang dumurog sa puso ko.
After all, it was like a dream.
"Don't mind them. Sadyang baliw lang talaga ang mga iyan." He whispered.
Napatango ako bago ko muling itinuon ang aking atensiyon sa judge na kumasal sa amin. Na ngayon ay busing busy na sa pagpipirma nang ilang dokumento na sa pagkakaalam ko'y ang dokumentong rin na aming pinirmahan kanina.
Ang kumasal sa amin ay ang mismong mayor nitong lungsod, na sa pagkakalaman ko'y isang tanyag na abogado na siyang tito ni Spencer.
At ang mga kolokoy niyang mga kaibigan at ilang personal na tauhan nang tiyo niya, ay ang naging saksi sa aming naging sumpaan.
"Thank you tito." ang nakangiting sabi ni Spencer sa tito niya nang lumapit kami sa gawi nito. Nag angat ito nang tingin at ngumiti nang matamis.
"You're welcome pamangkin. Don't worry your secret is safe with me. Makakaasa kang hindi makakarating sa mama mo ang bagay na ito." His tito said that made me stiffed.
Napalunok ako, bahagya akong tumingkayad nang maabot ko ang tenga niya ay tsaka palang ako bumulong. "What is he talking about?"
"Hindi alam ni mama na ikinasal tayo."
Tama ako, tama talaga ang hinala ko! Sinasabi ko na nga ba. Tangina! Akala ko tanggap na ako ng mama niya, e kasi naman akala ko pumayag na ang mama niyang pakasalan ako but I guess I am wrong. I am f*****g wrong!
Bat di mo pinaalam sakanya?
Gusto ko sanang itanong ang mga katagang iyon sakanya, pero pinili ko nalang ang manahimik at itikom ang bibig ko dahil parang alam ko na naman kong ano ang magiging sagot niya.
His mom doesn't want me. Ayaw nito sa akin. At siguro isa iyon sa mga naging dahilan kong bakit niya hindi sinabi sa mama niya ang pagpapakasal niya sa akin.
Para akong maiiyak habang iniisip na hanggang ngayon ay hindi parin pala talaga ako tanggap nang mama niya.
I silently sighed before pushing myself to smile. I tried to hide the pain and I even tried to stop my tears from falling since gustong gusto na talaga nitong tumulo. And luckily napigilan at naitago ko naman ang mga ito.
"Thank you tito. I owe you. Huwag mong kalimutan na pumunta sa reception ah?" Spencer said, nahihimigan ko sa tuno niya ang umaasa.
Napamangha ako. Wow! Ito ang kauna-unahang pagkakataong narinig ko siyang gumalang! May natitirang kabutihan pa pala itong lalaking ito?
His tito nodded. "Yeah makakaasa ka pamangkin. Pupunta talaga ako." his tito said.
Bahagya kong iniyuko ang ulo ko, "Thank you po."
Muli kong inangat ang ulo ko, "You're welcome iha." ang nakangiti namang sabi nang tito niya.
"Oh siya, humayo na kayo dahil alam kong kanina pa kayo hinihintay nong mga kaibigan niyo sa labas. Tatapusin ko lang muna itong mga inaaksikaso ko bago ako susunod sa inyo." aniya.
We all nodded. Isang matamis na ngiti ang aming iginawad sakanya bago namin siya tinalikuran atsaka namin binagtas ang daan papunta sa pinto.
"Ang tagal naman! Gusto ko nang kumain nang adobo!" ang rinig kong daing ni Dashiel nang makalabas na kami.
"Matagal pa ba sila?! E, Gutom na gutom na ako!" dagdag pa niya.
"E, kailan ka pa naman kasi hindi naging gutom?" pamimilisopo naman sakanya nong lalaking naka puti.
"Boom basag!" sabay na kantyaw nang mga kaibigan ni Spencer kay Dashiel.
Nagsilungan ang mga trabahante ni mayor sakanila. E, kasi naman nakukuha na ng mga ito ang mga atensiyon nila.
Isa sa mga dahilan kong bakit nila nakukuha ang atensiyon nang mga ito ay dahil sa ang popogi nila- lahat ata nang mga babae na napapadaan dito'y nakukuha nila ang atensiyon, may iba pa ngang titigil sa paglalakad atsaka walang hiyaang titignan sila ng may pagnanasa.
Hindi ko alam pero parang pinagpala sa kaguwapuhan ang lahat nang mga kaibigan niya. Mula sa ulo nila hanggang paa ay parang perpekto. Parang nong umulan nang kaguwapuhan ay sinalo nilang magkakaibigan ang lahat.
They look like a freaking greek mythology gods.
"Nong naging busog ako?" pambabasag naman ni Dashiel don sa lalaking kulot ang buhok.
Mas lalo pang lumakas ang tawanan nila dahil sa ginawang pambabasag ni Dashiel. Napatitig ako nang makita ko ang isang babaeng dumaan, napailing ako nang makita ko itong tumigil at napatulala napatigil atsaka napatulala.
Well, hindi ko naman siya masisi kong bakit siya ganon makaasta, e ako nga rin ay naguguwapuhan sa mga kolokoy na ito. Pero para sa akin ay mas lamang parin talaga si Spencer sakanila.
"Takte naman oh! Ang tagal naman nila! Gutom na gutom na 'ko!" ang pagmamaktol ni Dashiel sinabayan niya pa ito nang paghaplos sa tiyan niya.
Nakahilig si Dashiel sa dingding kaya hindi nito namamalayan na naririnig na namin ang mga hinaing niya sa buhay.
Humakbang kami palapit sakanila. Napatigil ang tawanan nang ibang mga kalalakihan nang makita nila kami. Habang si Dashiel naman ay wala paring tigil sa pagmamaktol.
Bahagya siyang siniko ni Shawnel sa tagiliran. "What?" tila inis na tanong nito.
Ininguso ni Shawnel ang gawi namin. "Ha?" nagtataka nitong tanong. Muling ininguso ni Shawnel ang gawi namin kaya naman dahan dahan itong lumingon sa gawi namin.
Namutla siya at sunod sunod na napalunok na para bang nakakita nang multo. Isang maliit na tawa na nasundan nang pag iling ang ginawa ni Spencer.
"Hehehe tara kain na tayo?" ang hilaw na sabi at tawa ni Dashiel.
Napailing si Spencer bago niya pabirong binatukan ang kaibigan niya.
"Aray ko naman." parang batang ani ni Dashiel habang kinakamot ang batok.
"Alam mo mukha ka talagang pagkain!" natatawang ani ni Spencer dito.
"Ouch. Grabe siya!" tila baklang sabi nito. Hinawakan pa nito ang dibdib habang sinasambit ang mga katagang iyon.
Napailing nalang ako bago nakipagsabayan sa tawanan nang mga magkakaibigan.
Fairy lights, scented candle and mala fairy tale na desinyo. Iyon ang desinyo na namumuo sa isipan ko habang binabagtas namin ang daan papunta sa reception na tinutukoy niya.
At ang lahat na iniisip kong iyon ay hindi ko inaakalang magkatotoo.
Paano niya nagawang magawa ang ganitong klaseng napakagandang handaan sa loob lamang nang ilang araw na pagpaplano?
That was the question I asked when I saw the restaurant that he was referring for. The restaurant na inarkila niya daw para sa araw na ito.
Ang buong restaurant ay napuno nang mga palamuti. From the ceiling down to floor. Marami akong ballons na nakikita pero ang nakakaagaw talaga nang atensiyon ko ay ang mga magagandang puting rosas na siyang ginamit sa pagpapalamuti. May mga fairy lights rin akong nakikita na mas nagpapadagdag pa sa ganda nito. Ang amoy nang mga scented lights naman ay ka'y sarap langhapin.
Nang makita ko ang isang malaking lechon na nasa mesa ay natakam ako. It was like my baby wants it too.
Hanggang ngayon ay nakahawak parin siya sa kamay ko and honestly it gives me a goosebombs. Hindi parin kasi ako makapaniwala na nahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Noon kasi'y parang ipinagdadamot niya ito sa akin. Pero naka unfair lang kasi, kasi sa tuwing ako ang gustong humawak sa kamay niya'y hindi niya ko pinagbibigyan. 'Tas pag siya naman ang may gusto'y agaran ko siyang pinapayagan. Ang damot!
Habang kumakain kami'y nakahawak parin siya sa kamay ko. Tanging ang mga kaibigan at ilang mga trabahante nang restaurant ang nandidito.
Alam ko ang dahilan kong bakit walang masiyadong tao ang nandidito gaya nang inaasahan ko. Alam ko rin ang dahilan kong bakit wala ang mga magulang niya dito. Dahil isa itong tagong kasal. His mom doesn't want me. At kapag malalaman nang mama niya na nagpakasal kami'y maari ako nitong mapatay. Ganon ka OA ang mama niya.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kong bakit ayaw sa akin nang mama niya. Ginawa ko naman ang lahat magustuhan niya lang ako. Pero bakit sa tuwing nakikita niya ko'y parang gusto na niya kong patayin?
Noong una'y tanggap pa naman ako nito, maganda ang pakikitungo niya sa akin at maganda rin naman ang naging pakikitungo ko sakanya. Pero nang malaman nito kong sino ang mga magulang ko'y parang nagbago agad ang pakikutungo nito sa akin. Para nga itong nakakita nang multo nang sabihin ko sakanya kong sino ang mg magulang ko. Tas kinabukasa'y nagbago na ang pakikutungo sa akin.
She treated me the way na nag tre-treat siya nang isang hayop. I don't know why pero kapag hindi ako nakatingin sakanya'y alam kong matatalim ang mga titig na ibininigay niya sa akin. It was like na sa tingin palang niya'y parang pinapatay na niya 'ko.
"Kiss! Kiss! Kiss!" ang malakas na kantyaw nang mga kaibigan niya na pinangungunahan nang walang hiyang si Shawnel.
Pumula ang mukha ko, tinignan ko ang sahig upang itago sakanila ang pamumula nito. I heard him chuckled that made me more red.
Anong nakain nang mga ito? Kasalanan talaga ito nang Shawn na iyon e! Siya ba naman ang nagpasimuno sa mga katarantaduhan! Mamaya ka sa akin!
Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang mga daliri niyang humawak sa baba ko.
Napatingin ako sa mga mata niya dahil doon. Ang kanyang kulay chocolateng mata ay napakasarap tignan na para bang ika'y mapupunta sa kakaibang dimension kapag tinitigan mo ang mga ito.
Napalunok ako nang makita ko ang pagtaas baba nang adams apple niya. He leaned closer before claiming my lips.
At nang magtagpo ang aming mga labi ay parang nakalimutan ko ang lahat at ang tanging malinaw lamang sa akin ay ang kong gaano ka lambot ang labi niya.
Ang mga malalakas nilang kantyaw ay mas lalo pang umugong nang halikan niya ako. But I don't mind it, kasi para kasing kami lamang dalawa ang nandidito sa loob nang restaurant na ito. Para akong lumipad sa alapalap lalo na nang igalaw niya ang mga labi niya. He kissed me passionately with a desire on his brown eyes.
Nang magbitaw ang aming mga labi ay doon palang muling nag sink in sa akin na hindi lang pala kami ang tao sa loob nang restaurant na ito. Na may mga tao palang nakamasid sa amin.
Mas lalo pang pumula ang mukha ko. Na sa tingin ko'y sing pula na ito nang kamatis.
Nang ilibot ko ang paningin ko'y doon ko nakita ang mga nang-aasar nilang mga tingin. Kaya napayuko ako atsaka ko pinaglaruan ang mga daliri ko sa ilalim nang mesa.
"Cheers for the newly wed!" they shouted.