Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kong bakit naging ganon siya kong makaasta sa akin. Yong tipong ang sweet sweet niya na hindi ko alam kong saan niya nakuha ang sweetness niya. Hindi ko alam kong ano ang nangyari sa mundo, kong bakit bigla nalang umihip ang hangin nito. Dahil ang dating psycho na si Spencer ay bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa akin.
Naging sweet siya!
Hindi siya ganon noon e, ewan ko ba kong ano ang nakain niya at kong bakit ang sweet sweet niya sa akin kanina.
Siguro, tinutupad niya lang ang pangako niya sa akin nong umiyak siya sa mga balikat ko. Siguro pinipilit niya nang huwag ma trigger ang mga emosyon niya nang sa gayon ay hindi na lumabas ang pagka psycho niya at nang sa gayon rin ay hindi na niya ko masaktan.
Siguro, nagbabago na talaga siya....gaya nang sinabi niya. Pipilitin niya daw ang sarili niyang huwag na akong saktan.
That made me smile.
Napangiti ako nang muli kong maisip ang ginawa niyang paghalik sa akin bago siya umalis nang condo.
Ipinilig ko ang ulo ko bago ko tinapos ang pag blo-blower ko sa buhok ko. Nang matapos ay hinayaan ko lang itong nakalugay bago ko kinuha ang aking maliit na pouch na naglalaman nang aking mga importanteng gamit.
Pinagmasdan ko muli ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas sa kuwarto. Napangiti ako nang makita ko ang pustura ko sa salamin. Ang damit na isinuot ko sa kasal kahapon ay siyang damit na isinuot ko ngayon. Hindi pa naman ito mabaho kaya ayos lang. Nag spray lang ako nang kaunting pabango dito para mas bumango pa ito.
Sinigurado ko munang nailock ko ang pinto bago ko linisan ang condo niya.
Nang makarating sa labas nang condo niya'y pumara ako nang taxi bago nagpahatid sa mall na aming pinag-usapan kong saan kami magkikita.
Binayaran ko si manong driver nang makarating na ako sa mall. Dala dala ang pouch ko'y pumasok ako sa loob nito.
Umupo ako sa may bench na malapit sa gawi nang entrance nong mall para makita ko siya nang agaran kapag pumasok siya.
Pero hindi ko inaasahan na iba pala ang makikita ko. Hindi ko inaasahan na siya pala ang makikita ko but the worst part is may kasama siyang iba.... at ang ibang 'yon ay hindi ako.
Akala ko ba nasa states siya? Akala ko ba nag hahappy happy siya sa states? Pero ba't ganon? Ba't kasama mo siya? Ba't kasama mo siya habang masaya kayong dalawa? Ba't nakaakbay ka sakanya habang nakangiti kayong dalawa?
At bakit parang nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa inyong dalawa?
Ipinikit ko ang mga mata ko. Palihim kong pinunasan ang luha na nasa gilid nang mga mata ko. Agaran akong umiwas nang tingin nang makita ko ang paglingon niya sa gawi ko.
Akala ko ba pupunta siya sa business meeting niya? Ito ba ang business meeting na tinutukoy niya? Business niya ba ang babaeng ito? Siguro, business niyang kantutin at tikman ang bibingka nito.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalagpas sila sa gawi ko na hindi nila ako namumukhaan. Pero ang puso ko'y durog na durog na habang nakatingin sa kamay niyang nakayapos sa bewang ni Valentine.
Valentine ba't ka pa bumalik? Ba't ka pa umuwi? Masaya na sana kami e. Masaya na sana siya sa akin e. Pero napakatangina mo dahil bumalik kana naman!
Sweet na sana siya sa akin e.
"Hey, sino ang tinitignan mo?"
Napaigking ako at bahagyang napatalon nang bigla nalang may kumalabit sa balikat ko.
Mabilisan kong pinunasan ang luha sa mga mata ko bago ako palihim na suminghot.
"Wala." sagot ko sakanya sabay iwas nang tingin sa papalayong bulto nong dalawa.
"Umiiyak ka ba?" she coriously asked when she saw how red my eyes is. "Ayos ka lang?"
"Hindi. Di ako umiiyak no!" mabilisan kong tangi sakanya. "Atsaka isa pa bakit naman ako hindi magiging maayos kong gayo'y ikinasal na ako sa l-alaking m-ahal ko. Sa l-alaking p-inapangarap ko?" medyo pumiyok ang boses ko nang sambitin ko ang mga sumunod na kataga.
Mahal? Oo mahal na mahal ko siya na kaya ko na ngang ibigay sakanya ang lahat lahat pati ang buhay ko! Pero bakit ganon? Ba't ang sakit magmahal? Ba't ang sakit sakit magmahal lalo na't ang minamahal mo ay hindi ka mahal?
Ba't ang sakit sakit mong mahalin Spencer! Ba't ka ganon.
I cleared my throught nang sa gayon ay mawala ang pait at ang sakit na nalalasahan ko.
"So, totoo pala talaga?"
I silently nodded habang tinitimbang ang reaksiyon sa pagmumukha niya. Baka kasi magalit siya dahil sa kadahilanang siya ang best friend ko pero hindi ko man lang napalaam sakanya na ikakasal na pala ako.
Well dalawa sila ni boo na best friend ko at pareho silang dalawa na hindi nakadalo.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang pagngiti niya. "Well, Congrats. I'm happy for the both of you kahit na hindi mo ako inimbita sa kasal mo. Gaga ka!" mataray niyang ani.
Napangiti ako nang mapait. Mabuti kapa Jazmine, masaya para sa aming dalawa. E siya kaya? Masaya rin kaya siya dahil ako ang naging asawa niya? I doubt it. Baka nga galit na galit iyon dahil hindi niya na magagawang makasama nang malaya ang pinakamamahal niyang si Valentine. Si Valentine na pinili niya kapalit sa ilang taon naming pagsasama. Si Valentine na mahal na mahal niya.
"Akala ko ba masaya ka, pero bakit iba ang nakikita ko sa 'yong mga mata?" she coriously asked when she saw how sad my eyes is.
Iniwas ko ang mga mata ko sakanya.
Naramdaman ko ang pag upo niya sa gilid ko. Hinawakan niya ang makabilaan kong kamay, atsaka niya ito marahang hinaplos. "What happened?"
Nababakasan ko sa boses niya ang labis na pag-alala. At hindi ko alam kong bakit, pero nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sakanya ay agarang nanubig ang mga mata ko na para bang isa iyon sa mga naging hudyat upang ako'y umiyak.
Hindi ko naiwasang mapahikbi. Yinakap niya ko palapit sakanya atsaka niya ako pinahilig sa balikat niya.
Umiyak ako sa balikat niya hindi ko inalintana ang mga mapanuri nilang mga mata. Ang bawat dumadaan sa aming harapan ay napapatigin talaga sa gawi namin. Bago ako nito titignan nang may mapanuring mga tingin.
"Ano ba kasi ang nangyari?" she asked. Mas lalo pa akong napahagulhol dahil sa naging tanong niyang iyon. Ang sakit sa puso ko ay mas lalo pang domoble nang maalala ko ang tagpong nangyari kanina. Ang tagpong kong saa'y nakita ko siyang nakaakbay kay Valentine habang masaya nilang binabagtas ang daan.
Mas trumiple pa ang sakit nang mapagtanto kong nagawa niyang magsinungaling sa akin para lang makipagkita sa babae niya. Na nakaya niyang magsinungaling para lang tumikim nang ibang bibingka. Hindi pa ba sapat ang bibingka at performance ko? Kong gayon napakatangina niya!
"He cheated." I sadly said between my sobs.
"Ha?" nagtataka niyang tanong. "What the hell are you talking about?!"
Imbes na sagutin ang tanong niya ay yinakap ko siya. Yinakap ko siya nang mahigpit at doon umiyak sa balikat niya.
Yinakap niya naman ako pabalik atsaka hinaplos ang likod ko. Na tila ba'y pinapatahan ako nito kahit na'y wala siyang alam kong ano ang dahilan kong bakit ako umiiyak.
"Ano ba kasi ang nagyari!" tila naiinis na niyang tanong?
Sapilitan niya kong pinaharap. Sinapo ko ang mukha ko gamit ang palad ko. Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa mga mata ko atsaka niya ko sapilitang pinatitig sa mga mata niya.
"Tell me, What happened?" She asked. I saw the frustration on her eyes, iniwas ko ang paningin ko at hindi ko inaasahan ang mahahagip nang paningin ko.
Walang sawang tumulo ang mga luha ko. Para itong isang sirang gripo na kahit anong gawin ko'y patuloy paring tumatagas.
Siguro, mga nasa isang timba na ang naiyak ko.
How? Paano mo nagawa ang bagay na ito sa akin, Spencer? Paano mo nagawa ang pagtaksilan ako! Bakit mo 'ko pinagtaksilan?!
I want to shout loud and asked him what's on my mind! Gusto kong itanong sakanya ang mga katanongang bumabagabag sa akin. Gusto kong itanong sakanya kong bakit niya nagawang magloko sa mismong unang araw palang namin bilang mag asawa! Gusto ko siyang murahin at pagsuntukin. I even want to cut his balls.
Mapait akong napangiti atsaka napahawak sa sumasakit kong dibdib habang nakatangin sa gawi nilang dalawa. Sa gawi nilang masaya habang naghahalikan na parang wala nang bukas. They kissed like there's no tommorow.
Naghahalikan sila na para bang walang mga tao na nagmamasid sakanila. Naghahalikan sila na para bang sila lang ang tao sa mundo. Naghahalikan sila na para bang hindi sila nagkakahakot nang atensiyon. Naghahalikan dila na para bang hindi PDA ang ginagawa nila.
In my pheriphiral vision, nakita ko kong paano lumingon si Jazmine sa gawi nang tinitignan ko.
"Oh my god!" I heard him murmured when she saw and when she gets what I am trying to say.
"Napaka imoral nila!" tila umusbong ang galit sa boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon.
"Is he out of his mind?! Paano niya nagawang magloko sa unang araw palang nang pagiging mag asawa niyo! Supposedly nag ho-honeymoon pa ka'yo pero parang mukhang iba ang gusto niyang maka honeymoon." she wisphered na hindi nakatakas sa pandinig ko.
And it made me sad. A f*****g sad! Natamaan kasi ako sa lahat nang mga sinabi niya at the same time nasaktan rin.
Today is the first day of our married life, but yet he choosed his mistress over a honeymoon with me!
"He should learn his lesson!" Galit siyang tumayo mula sa bench na kinauupuan namin na para bang handa na siyang makipag away at makipag p*****n dahil sa galit at inis na nararamdaman niya.
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya nang sinubukan niyang lumakad. Nagtataka siyang napalingon sa gawi ko. Isang iling ang ibinigay ko sakanya. Isang iling na nagsasabing na hindi na niya kailangang sugurin ang mga putang inang iyon. Isang iling na nagsasabing huwag na huwag niyang gagawin ang bagay na nasa isip niya.
Napailing ako sa naisip bago mapait na napangiti.
"What?!" tila di makapaniwalang tanong niya. "Hahayaan mo nalang siyang gaganitohin ka araw-araw?! Hahayaan mo nalang siyang magpakasasa sa kabit niya?! Aba'y hindi na naman siguro tama iyon Jeanshe! Masiyado ka nang marter!" galit na galit niyang tanong nang muli naming mahuli sa akto ang pambabae ni Spencer.
Nahihiya 'kong nginitian ang mga kumakain sa restaurant nang lumingon ito sa gawi namin. Nag peace sign pa ako sakanila. Bago muling hinila paupo ang gaga kong kaibigan na sumigaw.
"Huwag ka namang sumigaw, Jazmine... Baka kasi malaman niyang sinusundan natin sila." nagmamakaawa kong bulong kay Jazmine habang nakatingin sa may dulong bahagi nang restaurant na kong saan nandodoon si Spencer kasama ang babae niya.
Kanina'y nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa opisina niya dahil may nakalimutan siyang papeles. Pinayagan ko naman siya dahil mahal ko siya at may tiwala ako sakanya.
Nagtiwala ako sakanya kahit na'y alam kong day off niya. Nagtiwala ako sakanya kahit na'y alam ko na maari niya namang iutos sa mga tauhan niya ang pagkuha sa importanteng papeles na iyon. Pero wala e... sadyang napakatanga ko kasi.
Bagsak ang mga balikat akong napatigin kay Jazmine. Tumingala ako nang sa gayon ay mapigilan ko ang pagtulo nang luha ko.
"Alam mo," napatingin ako sa gawi niya. "Hindi na healthy ang pagsasama niyo. Kaya kong ako sayo iiwan ko na siya at piliting magpakasaya." Mapait na suhestiyon ni Jazmine sa akin.
"Wake up Jeanshe! Mag iisang buwan na simula nang malaman natin na ginagago ka lang nang asawa mo!"
Lumalamlam ang mga mata niya atsaka niya hinawakan ang mga kamay ko. "Kaya sana nama'y kumalas ka na... Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa taong walang pagmamahal sa'yo. Sa taong ginagamit kalang."
Parang isang matatalim na kantana ang mga sinabi niya. Tinusok ang dibdib ko at dinurog.
Mag iisang buwan na simula nang matuklasan ko ang pambabae nang asawa ko. At sa loob nang buwang iyon ay naging tahimik lang ako. Hindi ko ino open-up ang mga nalalaman ko sakanya, dahil alam kong wala itong silbi dahil alam ko na tatanggi lang siya. Itatanggi niya lang ang mga bagay na iyon. And the worst is.... Aakusahan niya lang akong naprapraning.
Kaya naman mas pinili ko nalang manahimik at patagong umiiyak tuwing wala siya.
Kitang kita na ang umbok sa tiyan ko. At kahit gusto kong maging masaya para maging masaya rin ang anak ko na nasa sinasapunan ko ay hindi ko magawa. They say that kong ano ang nararamdaman nang ina ay iyon rin ang mararamdaman nang anak.
At alam ko rin na nararamdaman kong ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaya naman pinipilit ko ang sarili kong huwag umiyak at maging malungkot. Pinipilit ko ang sarili kong maging masaya kahit na'y ang sakit sakit na.
Hanggang ngayon ay malinaw parin sa akin ang mga nangyari sa gabi nong araw nang kasal namin. Kong paano niya ko alagaan at pahalagahan. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin.
At sa bawat pagramdam ko dito'y mas lalo pa akong nasasaktan.
"Yumuko ka!" ang natataranatang sabi ni Jazmine nang lumingon si Spencer sa gawi namin.
Mapait akong napangiti at napailing bago sinunod ang utos niya.
We look like a spy.