* * Rafael's POV * *
"Make-up artist? Si Sebs magiging make-up artist namin ni Briar? Kaya siya sasama sa pagtataguan namin? Anong ibig mong sabihin, Dad? Pwede ba, deretsohin mo na lang kung ano ba talaga ang plano mo," inis na tanong ko.
"Okay, fine, Rafael," seryosong sagot ni Dad. "Sa Esperanza, hindi ka isang young mafia, at lalo nang hindi ka lalaki doon pagdating niyo. You and Briar will pretend to be gay there. Para makapagtago ka sa mga kalaban. That's my plan for you."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. Napatingin kami lahat kay Briar nang bigla niyang maibuga ang iniinom niyang juice dahil sa narinig niya.
"Pasensya na po, Lord Master, nagulat lang po kasi ako sa sinabi niyo," paghingi ni Briar ng paumanhin.
"What? Are you f**king serious, Dad?" halos pasigaw kong tanong. Hindi ko na napigilan ang lakas ng boses ko dahil sa plano niyang ito na kahit kailan ay hindi ko matatanggap.
"Don't shout at me, Rafael. And yes, I'm f**king serious. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, gagawin at susundin mo kung ano ang sinasabi ko kung ayaw mong mamatay ng maaga," sagot ni Dad sa pasigaw din na boses.
"That's your f**king idea, Dad? Ang pagpanggapin akong bakla? That's f**king bullshit! I'm not gay, Dad, so please, ipagawa niyo na sa akin ang lahat wag lang 'yan," mariing pakiusap ko.
"I made my final decision, son. Kaya bukas na bukas, aalis kayo ni Briar para magtago hangga't hindi ko napapasa sa'yo ang pagiging Mafia Lord ko," iyon lamang ang huling sinabi ni Dad at naglakad na siya palabas ng library room, kasunod si Ernest.
Sa sobrang inis ko, tinabig ko nang malakas ang mamahaling flower vase na nasa tabi ko kaya nahulog ito at nabasag. Nagulat sina Briar, Sebs, at Nanay Esme. Hindi pa ako nakuntento; kinuha ko ang baseball bat na nakasabit sa may wall at walang pagdadalawang-isip na hinampas ko ng malakas ang glass table ni Dad.
"RAFAEL!!" matigas na sambit ni Nanay Esme sa pangalan ko para pigilan ako nang bunutin ko ang baril ko sa may likod ko sabay tutok kay Sebs.
"Lord, kalma," si Briar naman, nanginginig ang boses.
"Young Lord, wag po please, hindi ko naman po alam na 'yon ang trabahong ipapagawa sa akin ni Lord Master, promise!" pagmamakaawa ni Sebs, iniipit pa ang boses para lang maging boses babae siya habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril na hawak-hawak ko.
"Rafa, ibaba mo nga yang baril mo at baka aksidente mong makalabit ang gatilyo niyan. Nakakalimutan mo ata na isa si Sebs sa mga taong malapit sa mommy mo," paalala ni Nanay Esme kaya napalingon ako sa kanya pero agad kong binalik ang tingin ko kay Sebs.
Tama si Nanay Esme. Ang matandang baklang ito ay isa sa mga kaibigan ni Mom na malapit sa kanya noong nabubuhay pa siya.
"Hindi ka sasama sa Esperanza dahil oras na sumama ka, doon kita ililibing ng buhay," banta ko sabay balik sa baril ko sa may likod ko. Lumabas na rin ako ng library room, at ramdam ko na sumunod agad sa akin si Briar.
"Lord!" tawag ni Briar sa akin pero dere-deretso lang ako sa paglalakad habang mabilis ang bawat hakbang ko papunta sa kwarto ko.
"Shittt!" galit na sigaw ko nang makarating ako sa loob ng kwarto ko sabay suntok ng dalawang beses sa pader sa sobrang galit.
"Lord, kalma lang," sabi naman ni Briar sabay sara sa pinto ng kwarto.
"Paano ako kakalma, Briar? Narinig mo naman kung ano yung gustong mangyari ni Dad, and his plan is too much annoying. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao natin? Hindi ba niya naiisip 'yon?" inis kong sabi.
"Eh, Lord, sigurado naman akong maintindihan nila yon. At mas lalong sigurado ako na hindi ka nila pwedeng pagtawanan pag naging bakla ka na dahil takot lang nilang mamatay," sabi ni Briar, pigil ang tawa.
"Subukan mong tumawa, Briar, at ikaw ang uunahin ko," seryosong banta ko sa kanya.
"Lord, kayo naman oh, binibiro ko lang kayo!" He said.
"Kailangan natin umalis dito, Briar."
"Huh? Aalis tayo, Lord? At saan naman tayo pupunta?" takang tanong ni Briar.
"Hindi ko alam, Briar. Basta ang alam ko, hindi ko kayang sundin ang gusto ni Dad. Ako magpapanggap na bakla? NO WAY!" sigaw ko na may kasamang inis pa rin.
"Naku, Lord, mukhang malabo tayong makaalis dito. Yang pinaplano mo na tumakas at magtago, parang magtatagung-pako lang tayo niyan, Lord. Mapapagod lang tayo, kilala mo naman ang Dad mo."
"My options pa, Briar," walang kabuhay-buhay kong sabi.
"Ano, Lord?" mabilis na tanong ni Briar.
"Sa ibang bansa. Kakausapin ko si Dad na sa ibang bansa na lang niya tayo ipadala para magtago."
"Sigurado ka ba diyan, Lord? Akala ko ba ayaw mong umalis ng bansa?"
"Ayoko nga, Briar, pero mas ayoko rin magpanggap na bakla. Mas gugustuhin ko pang umalis kaysa sundin ang gusto ni Dad," mariing sagot ko kay Briar.
"Sa bagay, ako rin, Lord. Ayoko rin maging bakla," sabi naman niya na parang bata at umiling-iling pa.
"Sandali lang, Lord, tumatawag si Papa," paalam ni Briar nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumango lang ako bilang tugon.
Makalipas ang ilang minuto, muling pumasok si Briar sa kwarto ko.
"Lord!" sambit nito.
"Bakit? Anong sabi?" diretso kong tanong.
"Pinapasabi ni Lord Master na mag-uusap daw kayo ulit mamayang gabi tungkol doon sa pagpunta natin ng Esperanza. At siya nga pala, Lord, umalis sila kasama ang ibang mga tauhan," wika ni Briar.
"s**t, hindi man lang tayo isinama," inis na sabi ko at napabuntong-hininga na lang ng malalim dahil alam ko na kung saan sila pupunta. Malamang ay alam na ni Dad kung kaninong tauhan ang mga nakasagupa namin ni Briar kahapon, at kaya sila umalis ay para gantihan kung sinong mafia man ang amo ng mga humabol sa amin ni Briar kahapon.
Tama si Briar, parang pako lang kay Dad ang mga taong gustong magtago sa kanya dahil hindi naman siya magiging top one mafia kung hindi siya mahusay.
"Oh, sige, Lord, at pupuntahan ko pa yung mga bagong pasok na tauhan ng Dad mo. Binilin kasi sa akin ni Papa," paalam muli ni Briar.
"Sige," walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya. Pinag-untog pa namin ang mga kamao namin bago siya lumabas ng kwarto ko.