* * Rafael's POV * *
"So, what's your plan, Dad? At bakit kailangan pa namin isama si Nanay Esme?" seryosong tanong ko kay Dad, halatang inis na ako. Hindi ko talaga gusto ang takbo ng mga pangyayari. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangang madamay pa si Nanay Esme, na parang tunay kong ina, sa lahat ng ito.
"Pupunta kayo ng Esperanza kasama si Manang Esme para doon magtago," seryosong sagot ni Dad sa akin.
"What? Esperanza?" tanong ko, hindi makapaniwala, sabay tingin kay Nanay Esme na nakatayo sa tabi ko.
"Oh, 'di ba matagal mo nang gustong umuwi ako sa amin, Rafa? Ito na 'yon, uuwi na ako," sabi ni Nanay Esme habang nakangiti.
"Yes, Nanay Esme, gusto kong umuwi na kayo sa probinsya niyo, pero hindi sa ganitong paraan. Uuwi nga kayo, pero may bitbit naman kayong maaari niyong ikapahamak. Kaya ko nga gustong umuwi na kayo, dahil ayokong madamay kayo sa laban namin ni Dad sa ibang mga mafia. Marami na kaming lugar na napagtaguan ni Briar, pero natutunton pa rin kami ng mga kalaban. At delikado, Nanay Esme, pag nalaman ng mga kalaban na nandoon ako sa probinsya niyo. Madadamay kayo pati ang pamilya niyo," pilit kong ipinaliwanag kay Nanay Esme.
"May plano ang Daddy mo, Rafa, para hindi mangyari 'yang kinakatakutan mo," wika ni Nanay Esme, kaya napatingin muli ako kay Dad.
"Manang Esme is right, Rafael," sagot ni Dad.
"And what do you mean, Dad? At gaano ka nakakasiguro na hindi kami maaamoy ng mga kalaban natin doon?" seryoso kong tanong.
"Dahil hindi naman kilala si Manang Esme ng mga kalaban natin, Rafael. At siniguro ko 'yon dahil isa 'yon sa mga pinangako ko sa Mommy mo noon—ang hindi malaman ng ibang mga mafia na may nanay-nanayan ang Mommy mo, kahit pa nasa katahimikan na ang buhay ko bilang mafia kasama ang Mommy mo noon," sabi ni Dad.
"Maaaring hindi nga kilala ng mga kalaban si Nanay Esme, Dad, pero paano kami ni Briar na makakasama ni Nanay Esme? Sa tingin mo, walang makakakilala sa amin doon?" seryosong tanong ko.
"Lahat ng mga tao sa Esperanza at maging ang mga kamag-anak ni Manang Esme doon ay wala silang alam na isang mafia lord ang pinagsisilbihan ni Manang Esme sa matagal na panahon, Rafael," sagot ni Dad.
"Sabihin na nga natin na walang nakakakilala sa amin ni Briar doon, Dad, pero sa tingin mo, hindi 'yon mapupuntahan ng kalaban para hanapin kami? Maging sa kasulok-sulokan nga ng Mindanao natutunton pa rin nila kami, sa Visayas pa kaya?" sabi ko.
"Walang makakakilala sa inyo doon, son. Dahil pagdating niyo ng Esperanza, babaguhin ninyo ni Briar ang pagkatao niyo," seryosong sabi ni Dad, na ikinakunot ng noo ko.
Babaguhin? But how? Bulong ko sa sarili ko.
"Magpapa-retoke ba kami, Lord Master?" mabilis na tanong ni Briar kay Dad habang gulat na nakarehistro sa kanyang mukha dahil sa sinabi ni Dad na babaguhin daw namin ang pagkatao namin sa susunod naming pagtatago.
"Briar," mariing tawag ni Ernest para sawayin ito.
"Pasensya na po, Lord Master!" agad na hingi ng pasensya ni Briar habang nakayuko kay Dad.
"Pasensya na, Lord Master!" hingi rin ng pasensya ni Ernest, kahit nasa likod na siya ni Dad. Wala pang sino mang pwedeng kumausap kay Dad o magtanong ng basta-basta, lalo na't walang pwedeng tumingin ng direkta sa mata ng isang mafia lord.
Ako at si Mom lang ang pwedeng makipag-usap kay Dad ng deretso ang tingin. Maging si Ernest at Nanay Esme ay hindi nila pwedeng gawin 'yon. Pwede nilang kausapin si Dad, pero kailangan ay nakayuko sila sa harap ng isang mafia lord.
"No, Briar, hindi kayo magpapa-retoke," sagot ni Dad.
"Babaguhin namin ang pagkatao namin? Paano, Dad?" tanong ko, ngunit imbes na sagutin ako ni Dad, may pinindot siya sa earpiece device na suot niya.
"Papasukin niyo na siya!" utos ni Dad sa taong nasa linya ng device.
Maya-maya pa ay pumasok ang isa sa mga tao ni Dad. Napakunot ang noo ko nang makilala ko ang bagong dating na hinatid ng tao ni Dad. Hindi ako maaaring magkamali dahil nakita ko na siya noon pa, noong buhay pa si Mommy. Isa siya sa mga kaibigan ni Mom at isa ring makeup artist niya tuwing may event siyang pinupuntahan.
"Magandang umaga po, Lord Master and Young Lord. Kinagagalak ko po na makita kayo ulit, at ngayon pa lang, maraming salamat po sa trabaho na ibibigay niyo sa akin, Lord Master," sabi niya habang nakayuko—or should I say, 'she' said, because he's gay.
I was seven years old when I last saw Sebs, back when Mom was still alive.
"What? May trabahong ibinigay sa'yo si Dad? Anong trabaho niya, Dad?" seryosong tanong ko kay Sebs at pati na rin kay Dad. Maya-maya pa, pumasok ang dalawang kasambahay na may dalang inumin para sa amin, kaya hindi kaagad nakasagot si Dad.
"Well, gusto ko lang sabihin sa inyo ni Briar na kasama niyo rin si Sebs papunta ng Esperanza, at iyon ang magiging trabaho niya, son," sagot ni Dad.
"Iyon lang ang magiging trabaho niya, ang sumama lang siya sa Esperanza? For what, Dad? Alam mo namang mahihirapan kami ni Briar pag natunton kami ng mga kalaban doon. Pati si Nanay Esme, iisipin pa namin, tapos ngayon, pati 'yang bakla na 'yan, iisipin rin namin? Ano ba talaga ang balak mo, Dad?" inis na tanong ko.
Habang nakikinig ako kay Dad, hindi ko maiwasang mapaisip at mapabuntong-hininga. Iba ang pakiramdam ko sa mga plano niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan naming gawin ito, lalo na ang pagdadamay kay Nanay Esme at ngayon pati na rin si Sebs.
"Si Sebs ang babago sa pagkatao niyo ni Briar. Sa madaling salita, magiging make-up artist niyo siya ng palihim pag nandoon na kayo sa Esperanza. Kaya dapat ikaw, Sebs, at Briar, ngayon pa lang ay masanay na kayo na makipag-usap nang hindi nakayuko sa young lord niyo. Hindi niyo naman siya pwedeng kausapin ng nakayuko pag nandoon na kayo. Tandaan niyo kung bakit kayo nandoon—para magtago. Isa sa mga dapat niyong gawin ay kausapin siya na parang katulad niyo lang si Rafael para hindi kayo mahalata. Kalimutan niyo muna na isa siyang young mafia at susunod sa trono ko, dahil alam kong hindi maiiwasan na may mga ibang tao kayong makakahalubilo doon, lalo na ang ibang mga kamag-anak ni Manang Esme na taga-roon din," paliwanag ni Dad.
Hindi ko maiwasang mapailing habang nag-iisip. What is your really plan, Dad? Inis na bulong ko sa sarili ko.
Naririnig ko ang mga sinasabi niya, pero parang may bahagi ng utak ko na ayaw pa ring tanggapin ang plano niya. pero alam ko may mas malalim pa siyang dahilan sa likod ng lahat ng ito.