* * Rafael's POV * *
10:00 in the morning.
TOK TOK TOK
Pagkalabas ko ng banyo, sakto namang may kumatok sa kwarto ko habang pinupunasan ko ang basang buhok ko ng towel. Mabilis kong dinampot ang boxer at shirt na nasa ibabaw ng kama ko at sinuot ko ito.
"Rafa hijo, gising ka na ba?" malakas na tanong sa akin ni Nanay Esme mula sa labas ng kwarto ko. Imbes na sumagot ako, binuksan ko na lang ang pintuan para papasukin siya.
"Good morning, Nanay Esme," bati ko sabay beso sa kanyang pisngi.
"Magandang umaga rin sa'yo, hijo. Naku, hindi ka pa rin nagbabago—hanggang ngayon napakalambing mo pa rin na bata ka," masayang sagot ni Nanay Esme.
Nakaugalian ko na kasi na pag ginigising niya ako, agad akong nagbe-beso sa kanya. Pero sa kanya lang ako ganito kalambing.
"Oh siya, hijo, bumaba ka na dahil naghihintay na sa'yo ang daddy mo. Sabay daw kayong mag-aalmusal," naka-ngiting wika nito sa akin.
"Sige po, Nanay Esme. Susunod na ako, magbibihis lang po ako," magalang na saad ko sa kanya, na may kasamang ngiti.
"Sige hijo, bilisan mo at anong oras na rin oh, alas diyes na," she said.
"Okay po, Nanay Esme," tugon ko.
Pagkaalis ni Nanay Esme, sinarado ko muli ang pinto para makapagbihis ng maayos. Hindi naman kasi ako pwedeng bumaba nang naka-boxer shorts lang at naka-shirt dahil maraming tao ni Dad ang nagkalat sa mansyon, pati na rin ang mga kasambahay. Bilang anak ng isang Mafia at soon-to-be top one Mafia, dapat laging maayos ang bihis ko sa paningin nila. Kung hindi man naka-tuxedo na full black, naka-pantalon at shirt ako, o di kaya ay pulong long sleeve na tinutupi ko hanggang taas ng siko ko. Nagbo-boxer o nagsho-short at sando lang ako kapag nasa loob lang ako ng kwarto.
"Good morning po, young lord," bati sa akin ng mga ilang kasambahay na nadadaanan ko. Humihinto pa ang mga ito sa pag-akyat ng hagdan sabay yuko habang pababa ako. Sa sobrang lawak ng hagdan, pwedeng magsabay ang tatlong tao pababa o paakyat.
"Good morning, son," bati sa akin ni Dad nang makarating ako sa dining area. Nasa likod niya si Ernest na nakatayo, habang si Briar naman ay nakatayo na malapit sa isang dulo ng lamesa kung saan ako uupo. May ilang kasambahay din na nakatayo habang nakayuko, naghihintay lang kung may iuutos man si Dad o ako.
"Good morning, too, Dad," walang kabuhay-buhay kong tugon sabay deretsong lakad papunta sa dulo ng mahabang mesa, kung saan ang pwesto ko. Mga limang dipa ang haba ng lamesa, at kaming dalawa lang ni Dad ang kumakain, pareho pang naka-upo sa magkabilang dulo.
"Good morning, Lord," mahina ngunit magalang na bati sa akin ni Briar nang makalapit ako sa kanya. Tumango lang ako bilang tugon. Mabilis na lumapit ang isang kasambahay para hilahin ang aking upuan. Sandali kong pinagmasdan ito kahit nakayuko siya, at hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Ngunit isang bagay lang ang nakikita ko: maganda ang hubog ng katawan niya. Halata iyon dahil lahat ng kasambahay dito, maliban kay Nanay Esme, ay naka-maid dress na hanggang taas lang ng tuhod.
"Boss, alam ko 'yong mga ganong tingin mo, ah," natatawang bulong sa akin ni Briar nang maka-upo ako at makabalik sa pwesto niya ang kasambahay. Muli kong nilingon ang kasambahay sa pwesto niya, tinitignan mula paa paakyat sa mukha niyang nakayuko.
"Papuntahin mo siya mamayang gabi sa kwarto ko," mahinang utos ko kay Briar.
"Sabi ko na nga ba, Lord. Masusunod, Lord," sagot ni Briar.
Pagkatapos naming kumain ni Dad, pinapunta niya agad ako sa library room niya, kasama si Briar at si Ernest. May pag-uusapan daw kami. Nagulat ako nang biglang pumasok si Nanay Esme.
"Nanay Esme, what are you doing here?" tanong ko nang may pagtataka.
"Ipinatawag ko siya, Rafael, dahil kailangan kasama siya sa pag-uusap na ito," Dad said kaya kunot-noo akong napa tingin kay dad.
"What? At bakit kailangan kasama dito si Nanay Esme, Dad? Anong kinalaman niya dito?" tanong ko, may halong inis, dahil mukhang may plano si Dad na hindi ko magugustuhan.
"Dahil kasama niyo aalis si Manang Esme bukas, son," sagot ni Dad na kinagulat ko.
"What? No way, Dad. Bakit kailangan namin siya kasama ni Briar sa pagtatago? Delikado, Dad, at ayokong madamay si Nanay Esme," inis kong sabi sabay lapit kay Nanay Esme.
"Lumabas na po kayo, Nanay Esme. Hindi niyo kailangan sumama sa amin ni Briar kung saan kami pupunta ulit para magtago. Ayokong madamay kayo," mahina kong sabi para siya lang ang makarinig, pero tinapik-tapik lang ni Nanay Esme ang isang balikat ka.
"Rafa hijo, pakinggan mo muna ang sasabihin ng daddy mo, okay? At isa pa, nag-usap na rin kami tungkol dito bago ka pa dumating kahapon," mahinang sagot ni Nanay Esme.
What the hell is your plan dad. Naiinis na sigaw ng utak ko.
"What? What do you mean, Nanay Esme?" tanong ko na may pagtataka pa rin.
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang pinaplano ni Dad at bakit kailangan pa naming isama si Nanay Esme sa pagtatago. Hindi ba niya naiisip na delikado ito para sa kanya? Bakit dumating siya sa punto na kailangan pang madamay si Nanay Esme sa lahat ng ito? Alam ko naman na may dahilan si Dad para gawin ito, pero hindi ko pa rin matanggap na kailangan pa naming isama si Nanay Esme ngayon. Sobrang mahalaga siya sa akin, at hindi ko kayang isipin na baka mapahamak siya dahil lang sa mga kalaban namin.
"Basta, hijo, pakinggan mo muna ang sasabihin ng daddy mo. At kung ano man ang gusto niya, pabor ako doon. Mas magiging ligtas ka kung ano man ang plano niya. Makakasama pa kita at maa-alagaan, kaya makinig ka na muna," she said calmly, may matamis na ngiti sa labi niya. Napabuga na lang ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko dahil sa gustong mangyari ni Dad.
Pero kahit ano pa man ang sabihin ni Dad, never akong magiging sang-ayon kung idadawit niya si Nanay Esme sa pagtatago namin ni Briar.
"Siguraduhin niyo lang, Dad, na hindi mapapahamak si Nanay Esme. You know how important she is to me. She’s my second mom ever since. Hindi ko kayo mapapatawad kung madadamay siya at may mangyari sa kanya sa plano niyo," mariin kong wika kay Dad na may kasamang pagbabanta.
"Rafa, hijo," mahina niyang bulong sa akin ni Nanay Esme, sabay hawak sa braso ko para sawayin ako sa mga sinabi ko at sa pagbabanta ko kay Dad.