Luhaan ng umuwi si Anya sapagkat mali ang akala niya na ang Itay at Inay na niya ang dumating sa pang-pang, ngunit ang kasamahan pala iyon ng kanyang Itay sa pangingisda. “Itay, Inay nasaan na ba kayo?" hinagpis niyang wika habang nakatunghay sa dagat.
Hindi pa din niyang magawang pumasok ng bahay dahil umaasa siyang uuwi na ang dalawang matanda ngayong gabi. Lalong pang lumakas ang hangin maging ang alon malakas ang hampas nito sa dalampasigan. Nakaramdam siya ng kaba habang lumalalim na ang gabi. Hindi niya maiwasan na may maglaro sa isipan niya na hindi maganda. Iniisip pa lang niya ngunit pakiramdam niya ay parang sinasakal na siya sa sobrang lungkot. Kaya naman patakbo niyang tinungo muli ang dagat at doon na simula na mag-unahan ang kanyang mga luha garalgal ang boses habang tinatawag ang pangalan ng mga magulang. “Itay...Inay... uwi na po kayo hindi ko po kakayanin kung mawawala kayo sa ‘kin.” Ngunit ang sama ng panahon sinamahan pa ng pagpatak ng ulan at dahan-dahan nababasa si Anya ng mga ulan na patuloy na bumabagsak. Pasigaw na muling tumawag sa kanyang mga magulang. Hanggang sinabayan na ng kulog at kidlat at dahil na rin sa ginaw hindi na napigilan ni Anya mangatog ang kanyang katawan. Nakaramdam na din siya ng panghihina kaya unti-unti niyang tinahak ang daan pauwi. Doon na niya binuhos ang lahat ng bigat na nararamdaman sa kanyang puso. “Hoy! Anya anong nangyayari sayo, may nakakita na gusto mo raw lumusong sa dagat.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mukha. “Tumingin ka nga sa’ kin. ‘Wag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa mga magulang mong walang kakwenta -kwenta...” tiim-bagang na sabi nito sa dalaga. Sagot niya. “Bakit ganyan ka Tiya, kung wala kang pagmamahal kay Itay pwes ako meyron!” Pasigaw niyang sabi. Malakas na sampal ang inabot niya sa tiyahin at sabay pa ng pagyugyog nito sa kanya na naging dahilan para mabuwal siya sa kinatayuan. “Hoy! Anya dapat pa nga magpasalamat ka sakin dahil kung hindi sakin hindi ka makakapag-aral.” Galit na sabi nito.
“Ano pong ibig mong sabihin Tiya?”
“Ibenta na ng Itay mo ang lupang ito at kaya sila pupunta sa bayan dahil sayo. Pipilitin nilang doon kayo manirahan para makapag-aral ka at ang Inay mo ay papasok ng kasambahay para sayo.”
Halos manlumo si Anya sa kanyang nalaman. Tuluyan na siyang napaupo sa silyang kahoy kasabay ng paghikbi lalo tuloy nakaramdam si Anya ng awa para sa kanyang mga magulang gustong-gusto na niyang mayakap ang mga ito.
Nang maka-alis ang Tiya niya pumasok siya sa maliit na silid ng kanyang Itay at Inay. Hinahanap niya ang larawan ng mga ito. May nakita siyang maikling liham na isinulat ng kanyang Inay.
Mahal kong Anya,
Mahal ka namin ng Itay mo kaya gagawin namin lahat ngayon kung ano ang makakabuti sayo. Sana lagi mo lang isipin na lagi kami nandito para sayo.
Nagmamahal Inay mo.
Lalong bumaha ang luha sa mata ni Anya matapos mabasa ang sulat ng kanyang Ina. Nakikidalamhati ang panahon kay Anya dahil lalo pang lumakas ang hangin at ulan. Niyakap niya ang litrato ng kanyang mga magulang ito ang larawan ng pagtatapos niya sa grade-six.
Sa sobrang pagod niya kakahintay ng nagdaang gabi sa mga magulang.Tinanghali ng gising si Anya isang tawag ang pumukaw sa kanyang pagka-katulog.
“Anya ineng...”
“Sandali lang po,” marahang sagot niya.
Pagbukas niya ng pinto si Mang Ador pala ang tumatawag sa kanya.
“Ineng, madali ka!” Saad nito na nagmamadali.
“Bakit ho!?”
Hindi na ito nagsalita at patakbong tumungo ang matanda sa dalampasigan. Nagtataka naman sumunod si Anya kay Mang Ador.
Pagdating sa pang-pang may mga taong nag-uumpukan, habang palapit siya sa mga iyon magkahalong takot at pangamba ang kanyang nararamdaman pagdating niya roon unti-unting nagbigay daan ang mga tao para sa kanya.
Paglapit niya may dalawang nakahiga sa buhangin, nang mamukhaan kung sino ang mga iyon mabilis na tumakbo patungo sa mga nakahigang katawan.
“Inay...Itay!?
Ubos na ang luha ni Anya ng gabing nagdaan.
“Ano ho ibig sabihin nito Mang Ador?”
“Anya, Ineng nakuha ang bangkay nila palutang-lutang sa gitna ng karagatan nasira ang bangka na kanilang sinasakyan naabutan sila ng masamang panahon kaya nahirapan silang makabalik dahil sa laki ng alon.
Muling binalingan ng tingin ni Anya ang mga magulang na ngayon wala ng buhay. Hindi siya makapaniwala na patay na ang mga ito.
Hindi na niya napigilan ang luha na kanina pang gustong mag-unahang bumagsak.
“Ahhhhhhhh! Itay..Inay... Hindi totoo ito....”
Hagulgol ni Anya.
Yakap-yakap niya ang malamig na katawan ng mga magulang. Wala ng boses na lumalabas sa kanya habang umiiyak.
“Tama na ‘yan Anya,” wika ni Aling Azon dahil kukunin na ang mga labi ng kanyang mga magulang.
Nang maya-maya pa dumating na ang kanyang Tiya Edna. Galit na sinugod si Anya.
“Nang dahil sayo namatay si Kuya kung hindi lang sana siya nagpumilit umalis kahapon, buhay pa sana siya ngayon. Pagdusahan mo ‘yan!” Pasigaw na turan nito.
Dahil sa sakit ng loob na nadama nakaramdam si Anya ng pagdilim ng patingin at wala na siyang maalala pa.
Nagising na lang siya sa isang bahay na di kalayuan sa tirahan ng kanyang Tiya Edna.
Nagulat si Anya ng pagbangon niya ay may lalaking naka-short at walang suot na pang-itaas. Puro pawis ang katawan nito pagharap nito sa kanya kunot ang noo nito.
“Sa wakas gising ka na din. Inilibing na din ang magulang mo pinalibing agad ng Tiya mo.” Saad nito habang nagpupunas ng pawis sa katawan. Nagulat siya ng marinig niya ang sinabi ng binata.
“Sino ka? sino kayo para gawin iyon?” Naiiyak niyang sabi.
“Halos maghapon kang walang malay and beside wala naman na kayong kamag-anak na hihintayin para sa burol ng mga magulang mo pasalamat ka at sinagot ko lahat ng gastos sa libing nila.”
Tumayo si Anya at mabilis na umalis ng bahay ng binata, muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata habang patakbo na pumunta sa kanyang Tiya Edna.
“Tiya...” Pasigaw niyang tawag.
“Oh! Bakit!?”
“Nasaan na sila Itay at Inay? Bakit pinalibing n’yo na wala ako...” sigaw niya habang umiiyak.
“Aba, aba bakit may pera ka bang pang-gastos sa pampalibing mabuti nga eh! Ako na gumawa ng paraan kasi ang anak nila walang kwenta...”
“Wala kang puso Tiya!”hagulgol niyang sabi.
“Ah! Ganon sige gusto mo talagang maranasan ang pagiging walang puso ko bilang tiyahin mo... Ipapakasal kita kay Sir Theo!” Nakataas ang kilay nito habang nagsasalita.
Gulat na gulat si Anya sa kanyang narinig mula mismo sa kanyang Tiya Edna.
"Ipapakasal sa taong hindi ko kilala!?" gimbal niyang reaksyon.
"Wala ka ng magagawa dahil nasabi ko na 'yan kay Sir Theo, 'wag kang ng maarte dahil sayo din 'yan, ano! sa akin ka titira? magiging pabigat ka lang sa amin ng Tiyo mo."
Lumapit si Anya sa kanyang Tiya halos lumuhod na siya para lang magbago ang isip nito sa plano para sa kanya.
"Tiya...tiya, pakiusap ko po na gagawin ko po lahat para lang po makatulong sa inyo ni Tiyo at hindi po ako magiging pabigat sa inyo." Buong puso na pakiusap niya. naghalo na ang luha at sipon niya kakaiyak.
Sa di kalayuan may isang nagmamasid lamang sa naganap na pag-uusap ng mag-tiya. Napapailing lang siya ng umalis sa kinatatayuan.
Walang nagawa si Anya dama man niya ang panlulumo at kawalan ng pag-asa na mababago pa niya ang isip ng kanyang tiyahin kaya ang tanging magagawa na lang niya ang tanggapin ang buhay na tatahakin niya sa susunod na bukas hindi man niya hawak ito ngunit dasal na lang na maging maayos ang buhay na iyong kasama sino man ang lalaki na magiging kasama niya sa kanyang buhay...
"Itay.. Inay! bakit nawala kayo kaagad? akala ko ba magsasama-sama tayo ng mahababg panahon? ang sakit ng ganito na hindi ko na kayo makakasama." Muling sumungaw ang mga luhang may halong hinagpis dahil wala siyang kakayahan para ipaglaban ang kanyang sarili maging sa kanyang tiyahin. Dumiretso siya sa sementeryo pagkatapos kausapin ang tiyahin.
Maririnig ang mahinang hagulgol ni Anya sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang. Nilabas niya ang lahat ng bigat sa kanyang puso. Naalala niya ang pag-aaruga ng kanyang magulang mula ng bata pa hanggang sa nagkaisip ni hindi niya naranasan na minsan masaktan siya ng mga ito, tinuring siya na isang kayamanan na hindi ipagpapalit sa anumang salapi. Lalong nadama niya ngayon pa lang ang pangungulila sa mga ito.
"Mahal na mahal ko kayo Itay.. Inay!" buong pagmamahal niyang usal.
Nang patayo na si Anya nagulat na lang siya ng may biglang tumakip ng kanyang bibig at pilit na dinala siya sa kakahuyan buong lakas niya itong nilabanan ngunit muli siyang nahawakan sa buhok at sinuntok siya sa sikmura at unti-unting nawala ang lakas niya para lumaban gustuhin man niyang itulak ito ngunit wala na siyang nagawa kundi magpaubaya sa kung sino man itong pangahas na lalaking may dala sa kanya ngayon.