Sa madilim na gubat dinala si Anya ng hindi niya nakikilalang lalaki. Matikas ang pangangatawan nito at may katangkaran sa kanyang palagay. Nang makarating sila sa isang liblib na lugar isang maliit na kubo ang pinagdalhan sa kanya, dama pa rin niya ang sakit ng kanyang sikmura dahil sa ginawang pagsuntok nito sa kanyang tiyan.
Pilitin man niyang kumawala sa bisig nito na nakapulupot sa kanyang beywang ay hindi niya magawa dahil sa lakas nito na kahit katiting wala siyang laban sa estrangherong ito.
Pinahiga siya nito sa papag sa loob ng kubo.
Nahindik sa takot si Anya dahil alam niya anomang oras pwedeng may mangyaring masama sa kanya at wala siyang mahihingian ng tulong sa lugar na iyon. Isang gasera lang ang tumatanglaw sa loob ng bahay na iyon na sinindihan ng lalaki. Abala ito sa kanyang ginagawa at lalo pa siyang nagulantang ng hubarin nito ang suot na t-shirt at lumapit sa kanya at di pa nasiyahan ng sampalin siya sa pisngi nito. Halos matabingi ang mukha niya sa lakas niyon. Nagsimula ng pangilabutan si Anya ng dampian nito ang kanyang hita ng mainit na palad hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakukubli sa dilim ng paligid.
“Kuya maawa na ho kayo sa akin... Baka po nag-aalala na ang Tiya.” Pabulong niyang sabi na may pagmamakaawa.
Narinig niya ang mahinang boses nito na bumulong sa kanyang tenga.
“Akin ka na, kahit sumigaw ka pa walang tutulong sayo dahil walang nakakaalam sa lugar na ito maliban sa akin. ‘Wag kang mag-alala masisiyahan ka sa gagawin natin.” Tumawa ito ng malakas na parang anomang oras pwede na siyang lapain nito ng buhay. Nabalot ng takot si Anya sa narinig.
Nilagyan siya ng busal sa bibig at itinali na magkahiwalay ang kanyang mga hita.
Halos ubos na ang lakas ni Anya ng pagpupumiglas at di pa nasiyahan ang lalaki itinali na rin ang dalawang kamay niya.
Tanging nasa isip niya ngayon, tanggap na niya wala na siyang magagawa sa masalimuot na dadanasin niya dasal na lang ang daan para makaalis sa lugar na ‘yon. Bagamat imposible na, ngunit umaasa siya na makakaligtas pa siya sa kamay ng lalaking handang yurakan ang kanyang pagkatao.
Habang abala ang lalaki sa pagtanggal ng kanyang saplot at titig na titig ito sa kanya, siya naman hilagpos ng katawan ni Anya para makawala.
“Siguro mas maganda kung tanggalin ko ang busal mo sa bibig... para naman may konting thrill!!! mas maganda kasi ‘yong maririnig ko ang bawat hiyaw sa gagawin ko sayo,” Nanlilisik ang mata at hayok sa gustong gawin kay Anya.
Pagkatanggal ng busal sa bibig ng dalaga wala siyang ginawa kundi mag-makaawa sa lalaking hindi niya sukat akalain na magtatangka na gawan siya ng masama.
Wala na itong naririnig sa pagmamakaawa ni Anya pilit na pinunit nito ang saplot ng dalaga at tumambad ang kabuuan na lalong nagpataas ng pagnanasa sa babae.
“Hindi ko akalain na ganito ka kaganda Anya ang isang dalaga na hindi aakalain ng iba na may ganitong karisma.”
Dahan-dahan itong lumapit sa dalaga at hinagod ng malisyosong tingin ang katawan niya.
“Kuya please po maawa ka na sa akin... “
Ngunit Wala na itong naririnig pa na kahit anong pagmamakaawa ang Sabihin ni Anya tila bingi na ito, ang nakikita na lang sa mukha nito ay ang pagnanasa na maangkin ang dalaga.
Sinimulan nitong halikan ang labi at leeg ng dalaga ngunit inilalayo naman ni Anya ang labi niya sa lalaki.
Lalo pang nagsumidhi ang pagkagusto nito na makuha si Anya dahilan sa pag-ayaw niya na magpahalik dito hanggang bumaba ito sa kanyang dibdib. Pinagsawaan ang mga iyon tutol man siya ngunit wala na siyang kakayahan pa para lumaban pa dito. Huling alas na lang niya ang makaalpas sa pagkakatali nito sa kanyang kamay kung hindi katapusan na niya at higit pa na kanyang inaalala baka patayin pa siya nito pagkatapos siyang pagsawaan ng kung sino mang halimaw at walang pusong lalaking ito.
Hindi pa nasiyahan ng punitin na nito ang suot niyang pangbaba tumabad sa harapan ng lalaki ang kanina pang ninanais nito ang kanyang p********e walang minuto na hindi siya nagdadasal. Ipinikit na lang niya ang kanyang mata para hindi niya makita ang kaanyuan ng lalaki na gustong manamantala ng kanyang kahinaan.
“Akin ka na ngayon.” Malisyosong sabi nito.
Pumaibabaw na ito sa kanya...
Ngunit bigla na lang ito bumulagta sa sahig hindi niya nakita kung ano ang nangyari dahil nakapikit siya isa lang ang masasabi niya para siyang nabunutan ng tinik sa kanyang nasaksihan.
Namalayan na lang niya ang pagkakatanggal ng tali sa kanyang mga paa at kamay.
Madilim ang paligid kaya hindi niya maaninag ang mukha nito at dahil may suot din itong itim na sumbrero.Tila nanginginig pa ang katawan niya ng maalala na muntik na siyang mapagsamantalahan ng lalaki na ngayon nasa sahig at walang malay.
Palabas na sana si Anya ng iabot ng lalaki ang suot nitong jacket.
“Maraming salamat. Sa pagligtas mo sa akin.” Buong pusong sambit niya.
Hinawakan siya sa kamay ng lalaki hindi na niya maalala pa ang kanilang dinaanan dahil sa dilim ng paligid tanging tumatanglaw sa kanila ay liwanag na nagmumula sa buwan.
Sa hindi kalayuan natanaw na ni Anya ang baybayin. Gumaan ang pakiramdam niya ng makikita buhat sa kanyang kinatatayuan ang bahay ng kanyang tiyahin.
Ngayon lang binitawan ng lalaki ang kanyang kamay at umalis na ito.
“Kung sino ka man. Salamat sayo,” pasigaw na sambit ni Anya sa papalayong lalaki.
Hindi na ito nag-abala pa na tumingin sa kanya hanggang sa mawala na ito sa paningin ni Anya.
Malaking katanungan ito para sa dalaga sa ngayon isa lang ang nais niya ang sundin ang kagustuhan ng tiyahin dahil wala na siyang rason para umayaw pa sa gusto nito.
“Tiya... tiya...”
Pagbukas ng pinto sa gulat ng tiyahin dahil sa itsura ni Anya na may pasa ito sa pisngi at sa dumi nito sa katawan. Natigilan at napayakap na lang ito sa pamangkin.
“Anong nangyari sayo?” Tanong ng tiyahin.
Muling dumaloy ang mga luha sa pisngi ni Anya wala na siyang lakas pa para magkwento kaya hinayaan na lang ng tiyahin ang umiyak ito. Pinakain at naligo muna niya ang dalaga at pinagpahinga dahil alam niya na hindi pa makakausap ng maayos ang pamangkin.
“Saan ba galing si Anya?” Nagtatakang tanong ni Mang Pedring.
“Hindi ko nga alam di ba! Alam mo naman kamamatay lang ng mga magulang niya kaya ganyan siguro.”
“Eh! bakit may pasa sa mukha?”
“Ang kulit mo naman, di ko nga alam di ba...”
“O s’ya matulog na tayo at bukas ko na tatanungin si Anya kung anong nangyari sa kanya.” Naiinis na sabi sa asawa.
Nakatulugan na ni Anya ang pagod ng kanyang katawan. Kahit sa pagtulog may mga luha pa ring dumaloy sa kanyang mga mata.
Bago pa tuluyang makatulog na mahimbing na sambit pa niya ang kanyang mga magulang.
“Itay...Inay...”
Pinagmasdan ng tiyahin ang pamangkin alam niya na mabigat ang pakiramdam nito sa pagkawala ng kanyang mga magulang nasa isip ni Aling Edna.
Kinabukasan maagang gumising si Aling Edna abala ito sa mga gagamitin ni Anya.
“Anya.... Anya bumangon ka na d’yan at paroroon tayo sa bayan.”
“Bakit Tiya ano pong gagawin natin doon?”
“Ah, basta mag-almusal ka na at magbihis ng maganda ‘yong damit mo na isusuot nakahanger sa kabinet kunin mo na lang.”
“Oho.” Maikling sagot niya sa Tiyahin.
Isang oras ang nakakalipas natapos din si Anya sa kanyang pag-aayos.
“Halika nga dito bata ka dapat presentable ka at maganda. Aayusan kita.
Sumunod naman ang dalaga sa kanyang Tiyahin.
Pagkatapos ng ilang minuto.
“Pedring... Pedring...”
“Ano ga ang sinisigaw mo diyan?” Puntong Mindoro ang pagkakasabi.
“Ano sa palagay mo kay Anya?”
“Aba eh! Si Anya na ba iyan? Kagandang dilag naman niyan.” Napangiti Lang si Aling Edna.
Nasa lantsa na sila ng maalala muli ni Anya ang nakakagimbal na muntik na mangyari sa kanya.
“Tiya muntik na ho akong magahasa!”
Tuluyan ng bumagsak ang luha niya.
“Anong sinabi mo?”
“May taong muntik ng gumahasa sa akin.” Nanginginig ang kanyang katawan ng maalala ang boses nito.
“Shhhhh! Tahan na, itong gagawin ko ay para sayo para di ka na mapahamak kung sino man ang taong gustong gumawa sayo ng masama.”
Tumango na lang siya at kahit papaano nararamdaman niya ang pagyakap ng kanyang tiyahin sa unang pagkakataon. Tatanggapin niya ang nais nito sa kanyang buhay.
Itingin niya ang mata sa dagat, madilim ang ulap na tila nagbabadya ng malakas na ulan ngunit hindi niya alam kung babagsak na ba ito o kaya pang tangayin ang makapal na ulap ng hangin. Basta ang alam niya ngayon may malakas na unos din siyang kahaharapin. “Sana lang ay malampasan ko.” Nasabi ni Anya sa kanyang sarili.