Cracks and Clients

1790 Words
Her Enemy Her Obsession by: lucky 8 CHAPTER 4 – CRACKS AND CLIENTS “When cracks start to show, obsession takes root.” --- Mainit sa loob ng conference room. Hindi dahil sa aircon — kundi dahil sa tension na unti-unting gumagapang sa pagitan naming dalawa ni Damien. Halos hindi ko siya matingnan. Pero ramdam ko ang bawat segundo ng tingin niya. Matulis. Mabigat. Mainit. Nakaupo ako sa tabi ni Marcus Lin — isa sa mga high-value investors for our luxury brand campaign. Gwapo siya. Polished. Witty. May aura ng power, pero may halong playfulness. From the moment he walked in, he made it clear — hindi lang sa business siya interesado. "Ms. Cruz," ani Marcus, habang pinipirmahan ang draft MOU. "Your insights are... refreshing." Lumapit siya nang bahagya. Hindi bastos, pero ‘yung borderline flirtatious. Yung tipong aware siyang pinapanood kami ng CEO — at sinasadya niya ‘to. "Velasquez Holdings is lucky to have you." Ngumiti ako. Controlled. Professional. “Thank you po, Mr. Lin. We always aim to deliver a brand that matches both elegance and power.” “Marcus,” he corrected, sabay wink. “Off the record, of course.” Tumawa ng mahina ang ibang nasa kwarto. Light moment, supposedly. Pero naramdaman ko ang pag-igting ng air. Damien shifted sa upuan niya. The leather creaked. Ramdam ko na kahit hindi ko siya tinitingnan. Then he spoke — malamig, kalmado, pero parang may patalim. “Mr. Lin,” sabi niya, “let’s stay on record. This is a professional meeting.” Tahimik bigla ang room. Lumingon si Marcus sa kanya, hindi alintana ang tension. “Of course, of course,” ani Marcus, chuckling. “Just admiring the team you’ve built.” He turned to me again. “You’ve got a gem here.” I was about to thank him — nang magsalita si Damien. “She’s not for sale.” Tumigil ang mundo ko sa isang iglap. Wait... what? I blinked. Is he serious? Was that... jealousy? Impossible. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng magselos. But then again... the way his jaw clenched, how tight his grip was on his pen — he looked like he was holding himself back from lunging across the table. And the way he looked at Marcus? Like a predator guarding his territory. And I was the damn territory. --- Pagkatapos ng meeting, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tumayo ako, kinuha ang folder ko, at dire-diretsong lumabas ng boardroom. Malalakas ang yabag ko sa hallway. Kailangan kong makalayo — makasingaw. Pero bago pa ako makarating sa elevator, narinig ko ang boses niya sa likod ko. “Selena.” Tumigil ako. Hindi ko siya hinarap agad. “Bakit?” “Don’t entertain Marcus.” Napalingon ako, pilit ang kalma. “Excuse me?” Lumapit siya ng kaunti. Ang boses niya — mababa, may halong restraint. “I don’t trust him.” “Hindi mo siya kailangang pagkatiwalaan,” sagot ko. “Client siya. I can handle him.” “You’re not stupid. Alam mong hindi lang business ang habol niya.” Tumaas ang kilay ko. “Exactly. Kaya kaya ko siyang i-handle.” He stepped closer. Masyadong malapit. “Hindi lahat ng lalapit sa’yo, kaya mong kontrolin.” Napatingin ako sa mga mata niya. Seryoso. Madilim. May halong takot at galit. “Try me,” sagot ko. Tahimik siya. For once, wala siyang comeback. Pero bago siya lumayo, marahan niyang sinabi — hindi banta, hindi utos, pero may bigat. “Be careful. Some cracks don’t mend.” At parang hindi lang ‘yon tungkol kay Marcus. Parang... may tinutukoy siyang mas malalim. Sa akin? Sa kanya? Sa amin? --- THAT NIGHT Hindi ako mapakali. Habang nakaupo ako sa gilid ng kama, nagsindi ako ng maliit na lamp. Gabi na, pero tulog ang isip ko, gising ang damdamin. Ang mga sinabi niya kanina — paulit-ulit na sumisiksik sa isip ko. “Some cracks don’t mend.” Parang may tinatago siya. At ‘yon ang pinaka-nakakabaliw — ‘yung idea na ang taong sinusubukan mong talunin, ay siya ring taong gustong-gusto mong maintindihan. Then, suddenly — a flash. [FLASHBACK] Velasquez Mansion. Malaking dining hall. Damien — maybe fifteen years old. Nakaupo, tahimik, habang ang ama niya ay nagsisigaw sa kabilang dulo ng mesa. “Emotion is weakness, Damien! You want to survive in this business? Learn to bury it. Bury everything.” Napasinghap ako. So this is what shaped him. No wonder he’s so... controlled. Calculated. Detached. He was taught that love — or any form of softness — was dangerous. And yet, here he was. Cracking. remember the way his eyes shifted that night. Hindi siya umiyak. Hindi siya sumigaw pabalik. Pero may kung anong nagbitak sa loob niya. Tahimik lang siyang ngumiti sa ama niya — hindi ng kalma, kundi ng kaplastikan. Yung tipong ngiti na masakit sa loob pero kailangan niyang isuot, parang armor. "Yes, sir," sagot niya. Walang emosyon. Walang bakas ng damdamin. Pero habang humihigop ng soup, hindi niya napansing namumuo na pala ang kamao niya sa ilalim ng mesa. Napipikon. Nanginginig. That boy learned to survive by becoming stone. No warmth. No vulnerability. Just ambition. At simula no’n, tinupad niya ang pangako sa sarili. Na hindi na siya iibig. Na wala nang magiging kahinaan. Na kahit sino pa ang dumikit — iiwan din niya. Dahil ‘yon ang tinuro sa kanya. Pero ngayon... bakit ako ang sinusubukang baguhin ang batas na ‘yon? Bakit ako, na sinaktan din niya, ang gustong lapitan niya ngayon? I should run away from this mess. Pero heto ako. Bumabalik-balik. Humihinga sa pagitan ng galit at paghahangad. At sa bawat paglapit niya, parang mas lalo akong nalulunod sa tanong: What if I’m not here to destroy him... but to save him? Pero... paano kung sa prosesong ‘yon, ako naman ang tuluyang masira? --- THE NEXT MORNING Tahimik ang elevator. Kami lang dalawa. He didn’t say a word. Pero kahit wala siyang sinasabi, para akong kinakain ng presensya niya. At alam kong ramdam din niya ako. Pagbukas ng pinto, Clara was waiting. Ever perfect posture. Ever cold smile. “Ms. Cruz,” sabi niya. “A word of advice. Damien doesn’t like distractions.” “Excuse me?” She tilted her head. “Don’t get too comfortable. You’re talented, yes. But remember where you are.” Tumingin ako sa kanya, diretso. “Hindi ako naglalaro.” Ngumiti siya ng matalim. “Let’s hope not.” Then she walked away. Ano ‘yon? Babala? Pananakot? O selos? At higit sa lahat — anong alam niya na hindi ko alam? --- THAT AFTERNOON – OFFICE “Selena,” tawag ni Damien mula sa glass office niya. “Come here.” Tumayo ako agad. May sinasabi siyang may problem sa layout ng Aurum campaign. Paglapit ko, pinakita niya sa akin ang tablet. Minor adjustments. Fonts. Logo placement. Hindi ganun ka-urgent. Then I realized... this wasn’t about the layout. “Selena,” bulong niya. “You didn’t answer my question yesterday.” Napakunot-noo ako. “Anong tanong?” He put down the tablet and walked around the table until he was in front of me. “Do you really think you can handle everything... alone?” I froze. Napakapit ako sa gilid ng mesa. “Why? What are you afraid of, Damien?” Tahimik siya saglit. Then, softly — halos hindi ko marinig. “Of losing control.” Shit. His hand reached up — marahan niyang inalis ang hibla ng buhok sa mukha ko. Yung simpleng galaw na ‘yon — parang bomba sa dibdib ko. He was close. Too close. Tumigil ang oras. Napatingin ako sa labi niya — halos dikit na sa’kin. And then— Click. Bumukas ang pinto. “Sorry to interrupt.” Clara. Of course. Parang binuhusan ako ng yelo. Mabilis akong umatras mula kay Damien, ramdam ko pa ‘yung init ng palad niya sa baywang ko, ‘yung bigat ng hininga niya malapit sa labi ko. Si Damien, tahimik lang. Pero ‘yung mata niya—nakatingin pa rin sa akin. Matalim. Gutom. Hindi man lang nag-panic o nagkunwaring walang nangyari. Ang kapal. “Ah... I-I just need your signature, Sir,” utal ni Clara, pilit umiiwas ng tingin. Damien didn’t even blink. Tinanggap lang niya ang folder, pumirma ng mabilis, tapos iniabot pabalik. “Close the door on your way out.” Clara looked at me one last time—para bang gusto niyang itanong kung bakit NASA ganoong tagpo kami na napasukan niya. Pero hindi niya itinuloy. Tahimik siyang lumabas at sinara ang pinto. Pagkasara ng pinto, tahimik ulit. Ako naman, abalang inaayos ang buhok ko, ang blouse ko, kahit wala namang masyadong nagulo. Pero pakiramdam ko buong mundo ko ang nagkandaleche-leche. “Don’t do that,” bulong ni Damien. Mababaw ang boses, pero punung-puno ng babala. “Do what?” Nilakasan ko ang loob kong tingnan siya sa mata. He stepped forward again. Hindi ako umatras. Pero ramdam ko na naman ‘yung pamilyar na electricity sa pagitan naming dalawa. ‘Yung tension na parang baril na laging loaded, isang galaw lang — puputok. “Pretend na walang nangyari,” sabi niya, mababa. “Don’t run from this.” Natawa ako, pilit. “Wala naman talaga, ‘di ba? You’re my boss. I’m your employee. That’s it.” Lumingon siya, lumayo ng kaunti, tumingin sa glass wall ng opisina niya. His jaw tightened. “Stop lying. Especially to yourself.” Napakuyom ang palad ko. Gusto kong pasigawan siya. Gusto kong isampal sa mukha niya lahat ng ginawa niya noong nakaraan — pero ang mas nakakainis? Hindi ko na siya basta-basta matulak palayo. Hindi na siya ang cold, untouchable Damien Velasquez. Ngayon, ramdam ko na — he’s human. Still dangerous, still manipulative, pero... may basag. At kung hindi ako mag-iingat, baka ako na ‘yung tuluyang mabasag. “I need to go,” sabi ko, dire-diretsong lakad palabas. “Selena—” “Next time you want to kiss someone, siguraduhin mong walang ibang tao sa labas ng pinto.” Bagsak ang huling salita ko. At kahit na lumabas ako ng office niya na taas-noo, ang totoo? ‘Yung t***k ng puso ko—di ko pa rin makontrol. --- Pagdating ko sa elevator, saglit akong huminga nang malalim. I pressed the button, eyes forward. Pero bago pa bumukas ang pinto, may notification sa phone ko. 1 New Message — Unknown Number > You can try to run. But you’ll keep coming back. We both know why. Napakagat ako sa labi. Hindi ko kailangang hulaan kung sino ‘yon. Hindi niya kailangan ng pangalan. Dahil kahit saan ako tumingin... Naroroon siya. At ang tanong: Hanggang kailan ko ‘tong matatakasan — o gusto ko pa ba talaga siyang takasan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD